Chapter 09

1223 Words
CHRISTINE Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto ko munang maglakad lakad parang na miss ko ang mag jogging. Palagi ko 'tong ginagawa nuong nasa Iloilo pa ako. Kamusta na kaya sina Tiya, Tiyo, Andrea? at mga kaibigan ko? Alam kaya nila ang nangyari sa akin? Habang nag lilibot ako dito sa subdivision hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba ang maging buhay ko dito sa Manila.Mabait naman si Mark pati narin sina nanay Belen at Faith. Ngunit hindi ko parin maiwasang mag-isip nang mga bagay bagay lalo sa totoong estado namin ni Mark. Nawili ako sa kakatingin sa mga malalaking bahay halos yata na nakatira dito puro mayaman at mga negosyante. Grabi ang mga bahay ang lalaki parang nga mansyon, dati sa telebisyun ko lang ito napa panuod. Pero ngayon isa, sa bahay na nandito ako nakatira. Biglang nalungkot ako habang iniisip kung ano nga ba ang maging kapalaran ko dito na kasama si Mark. Maka pag-aral pa kaya ako? Sayang isang taon nalang sana ga-graduate na ako. Hindi bali tatanungin ko mamaya si Mark kung pwedi ba ako mag-aral. "Tubig." bigla akong napa lingon sa taong nagbigay sa akin nang tubig. Hindi ko manlang namalayan ang kanyang presinsya sa malalim Kong pag-iisip. "Ikaw pala Mark, ang akala ko natutulog ka pa? tanong ko sa kanya dahil sa pagkakaalam ko ganitong oras natutulog pa siya. "Hindi ka manlang nagsabi na lalabas ka pala at mag jogging. Wala ka pang kasama. Sana sinama mo si Faith baka makasama pa yan sa katawan mo. Hindi ka pa masyadong magaling. Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" Ang mahabang lintanya ni Mark sabay bigay ng tubig sa akin. "Salamat, ang akala ko kasi pagod ka sa trabaho at natutulog pa. Ayaw naman kitang disturbuhin. Saka lalo lang sasakit ang ulo ko, kung maghihilata lang ako buong araw sa loob ng kwarto. Gusto ko din maka langhap ng sariwang hangin at maglakad-lakad para exercise na rin. Akala ko ba hindi ka nag jo-jogging, kasi may mini gym kana naman sa loob ng bahay mo at duon ka nag e-excercise." "Ayun na nga! may mini gym nga ako. E! di sana duon ka nalang nag excercise. Bakit lumbas kapa, baka kung mapano ka. Sa susunod kung lalabas ka at gusto mong maglakad lakad sabihan mo ako para masamahan ka. O kung gusto mo mag mall samahan kita. Halika ka na nga duon tayo. Maraming magandang tanawin duon banda sa park at magagandang mga bulaklak. Sigurado ako magustuhan mo tumambay duon." Hinawakan niya ako sa kamay at ginaya papunta sa park. Alas nuebe na kami nakabalik sa bahay ni Mark. Nawili kaming maglibot libot sa loob ng subdivision habang nag-uusap. Nalaman kung uuwi na pala ang Mommy at Daddy niya sa susunod na taon. Upang mag bakasyon muna dito. Nag-yaya s'yang pupunta sa kanilang resort sa Tagaytay sa weekend para narin daw makapag relax at baka mabilis daw ang pagbalik ng aking memorya. Habang kumakain ng almusal napagdesisyunan ko nang kausapin si Mark tungkol sa aking pag-aaral kung ituloy ko ba dito. "Mark may gusto sanang akong sabihin sayo kung okay lang." nahihiya kong saad sa kanya "What is babe?" "Ahm! gusto ko sanang tapusin ang pag-aaral ko, kung okay lang saka gusto ko maghanap ng trabaho para may pang gasto ako sa aking pag-aaral. Pinangako ko kasi kay Nanay na kahit anong mangyari magtatapos ako sa pag-aaral at ialay ko sa kanya ang aking diploma." Huminto siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Hindi mo na kailangan magtrabaho, girlfriend kita. Responsibilidad kita, na ngako ako sa Tiya at Tiyo mo na ako ang magpapa-aral sayo. Magpahinga ka muna ng isa pang buwan. Mag home school ka muna dito sa bahay. Sa Monday may pupunta dito para turuan ka sa mga na miss mong subject 'wag kang mag-alala naasikaso ko na ang lahat tungkol sa pag -aaral at kung saan ka mag-aral. Sa ngayon dito ka nalang muna para maka habol ka sa mga lesson at mapa sama kang ga-graduate sa susunod na taon. Dito lang ako sa tabi mo tutulungan kitang maabot ang mga pangarap mo. Kaya 'wag ka nang mag isip ng mga bagay-bagay. Para hindi ka ma stress at tuluyan ka nang maka alaala. Basta kung ano ang mga kailangan mo 'wag kang mahiya na magsabi sa akin. Maliwag ba babe?" Medyo kinilig naman ako sa mga sinabi nya. Bahala na nga, sa ngayon mag pukos nalang muna ako sa goal ko na makapag tapos nang pag-aaral para maabot ko ang aking pangarap at maging ganap na isang pulis. Araw ng sabado ngayon ang araw na pupunta kami sa kanilang resort, subrang excited ako. Ngayon lang ulit ako makapunta sa beach. Alas singko palang ng umaga nagising na ako para makapag handa na sa aming pag-alis. Nakaligo at ready na ako. Hintayin ko nalang si Mark. Dahil ang sabi niya kagabi alas siete ng umaga kami aalis pagkatapos ng almusal. Kaya naisipan ko nang bumababa para makapag luto nang aming kakainin. Baka tulog pa si nanay Belen at Faith dahil kagabi, gabi na nakauwi si Faith galing sa school.May ginawa raw itong group project. Habang papalapit ako sa kitchen nakaamoy ako nang mabangong niluluto , nakita ko si Mark na abala sa paghahalo, dahil busy siya sa kanyang ginagawa hindi niya ako napansin. Hindi na muna ako lumapit sa kanya, tinitigan ko muna ang ang kanyang katawan. Ang ganda talaga ng katawan, grabi ang yummy kahit hindi na ako mag-almusal busog na busog na ang aking mata sa magandang tanawin. Kung ganito ba naman ang makita ko kada umaga, panigurado lagi akong busog. Pinilig ko na lamang aking ulo kung ano ano nalang ang kahalayan tumatakbo sa isipan ko. "Laway mo tumutulo babe." bigla ko nalang pinunasan ang aking labi, hindi ko namalayan nasa harapan ko na pala si Mark shocks! Nakita niya ba kung paano ko siya pinag pantasyahan? feeling ko subrang pula na nang aking mukha. "Ma-Mark gi-gising kana pala ang aga mo ah!" Ang nau-utal kong sabi, sabay iwas nang tingin sa kanya. "Anong ginagawa mo, nagluluto ka? marunong ka palang magluto?" ang sunod-sunod kung tanong sa kanya. Pero sinuklian niya lamang ako nang isang ngiti sabay halik sa aking labi. "Good morning, babe! gising kana pala. Halika na mag-almusal na tayo nang totoong pagkain. Baka ako pa ang makain mo." Sabi niya sabay tawa. "Mark ano ba pinagsasabi mo." himampas ko siya sa kanyang braso at kunwaring nag galit-galitan at inismiran. "Ang akala ko, kasi gusto mo akong kainin babe." Sabi nya na nakangiti. Tatalikod na sana ako, dahil feeling ko pinag tatawanan nya talaga ako. Dahil sa nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngunit bigla n'ya nalang akong niyakap. Nagluto at naghanda na ako para mamaya sa pag-alis natin. Kaya halika na 'wag nang magtampo nagluto ako nang mga paborito mo." Medyo kinilig ako ng slight sa kanyang sinabi. Ginaya niya ako sa upuan at siya na ang nagsandok ng pagkain sa akin. Kahit simple lang ang niluto niya napaka sarap para sa akin. Magana kaming kumain habang nagku kulitan. Pagkatapos naming kumain , siya na rin ang nagligpit at nag hugas ng aming pinagkainan. Pagkatapos niyang maghugas sabay kaming lumabas ng kusina na magka hawak kamay. Inaayos namin ang aming dadalhin papuntang resort. Nang masiguro namin na wala na kaming nakalimutan. Nagpaalam na kami kay Nanay Belen para umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD