"HOW the f**k did this happen?! "galit na hinagis ni Klein ang mga papeles na hawak niya sa mesa ng meeting room.
"Hi-hindi rin po namin alam boss. Maayos naman po ang kondisyon ng mga barko nung umalis sila ng planta. "Paliwanag ng lalaki.
Umigtad ang lahat nang hampasin ng malakas ni Klein ang mesa. Pinagsasaksak niya ng masamang tingin ang mga empleyadong nasa harapan niya.
"If it's in good condition, bakit walong barko ang nasira at sabay-sabay pa talaga with the same f*****g reason?! "galit na singhal niya. "And most importantly, pati yung limang importanteng barko pa talaga? Are you f*****g kidding me?! "
Klein’s freaking out and getting so mad because, eight of the company’s sailing boats with important shipments had a breach in the middle of sailing. Tuloy delayed ang biyahe ng shipments dahil nakatigil ang barko sa kalagitnaan ng biyahe.
"That's the angle we are looking at right now, Sir. I don’t want to say this but, it looks like it’s planned, "testigo ng isa pang lalaki. “I mean sabotaged, Sir.”
Mariing pumikit si Klein. Alam ko kung paano magalit si Klein, at base sa nakikita ko ngayon, galit na galit talaga siya. Good thing is Klein’s stoping himself from doing something bad. Kahit na naghihimutok na siya galit, nagagawa niya pa ring kumalma.
"You, four eyes, "tinuro niya ang lalaking nakasalamin na sa alam ko ay head ng mecahni Mechanical Department. "Investigate about this breach. Contact one of the company’s lawyers if napatunayang pinasok tayo. " mando niya.
"And you, ibigay mo sa akin ang buong reports at sira ng mga letseng barkong 'yan! "baling niya naman sa babaeng nakayuko na sa takot.
"And the three of you, I want you too inform the parties about the delay, ayusin niyo ang pakikipag-usap sa kanila.” Utos niya naman sa isa pang empleyadong pinatawag niya.
“Clean this mess, all of you! "pagkasigaw niya ay kumaripas silang lahat ng takbo.
Apat na araw na naming pinoproblema ang tungkol sa walong barko na bigla na lang tumirik sa gitna ng byahe. Na-delay tuloy ang mga mahahalagang karga ng bawat barko. Ang alam ko, iba-ibang bansa ang lalapagan ng mga 'yon eh. Malaking pera ang pwedeng mawala kay Klein kung sakaling may umatras na receiver.
Bumuntong hinibga na lang ako nang makita ko kung paano napahilot si Klein sa sintido. Klein is so stressed for the past four days. Kitang-kita ko ‘yon, ni hindi na nga siya nakauwi ng bahay. Naiiwan silang dalawa ni Justin sa opisina tuwing gabi at pagdating ko ng umaga nandun pa rin sila sa sarili nilang mga upuan kinakalikot ang mga papeles o kaya naman ang laptop. Tingin ko nga di sila tumayo kahit isang saglit man lang eh.
Sa loob ng ilang araw na ‘yon, palagi kong dinadalhan ng pagkain at damit si Klein, pati na rin si Justin. Kinailangan ko pang puntahan ang condo unit niya para makakuha ng mga damit niya.
"Luna, "tawag niya sakin.
Agad akong naging atentibo at lumapit sa kanya. "Yes sir?"
"Bring me coffee, "he said as he stood up. "I'll go back to my office." Paalam niya bago tuluyang lumabas ng conference room.
Bumusangot ako dahil sa inasta niya. Pang-ilang kape niya na ‘to ngayong umaga. Nag-aalala na talaga ako para sa kanya. Ni hindi pa siya nakakatulog at nakakain ng maayos dahil sa nangyari.
Pinagtimpla ko ng kape si Klein, black coffee, less sugar. Ganitong timpla kasi ang gusto niya.
"Para kanino yan? "muntik ko nang nabitawan ang tasang hawak ko dahil sa gulat. Bahagya kong nilingon ang gumulat sakin. Co-employee lang pala.
"Para kay Mr. Montero. "I plainly answered. Tumabi siya sakin at nagsimula ring magtimpla sa sariling tasa.
Bahagya akong lumayo dahil nasobrahan siya sa pagdikit.
"Ah ganun ba?" tatango-tango niyang sabi. Nagulat ako nang iharang niya ang isang kamay sa maliit na lamesa dahilan para ma-corner niya ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mukhang masarap. " Sabay ngisi niya at tingin ng diretso sakin.
Pinagpapawisan siya at medyo nababalisa. Habang ako naman ay di makagalaw dahil sa gulat. Napaigtad ako nang hawakan niya ang balikat ko. Hindi ako naging komportable sa ginawa kaya agad ko siyang hinawi palayo sakin.
My heart's beating so fast because of fear. Puno ng pagnanasa ang mga mata niya and I know that he's thinking about no good.
"K-kailangan ko na umalis." Akmang aalis na uli ako nang iharang niya ulit ang katawan harap ko.
"Masyado ka naman atang nagmamadali? Let's hang out for a bit. "nakangisi niyang sabi. Nagtangka ulit siyang hawakan ako pero hindi ko na hinayaang dumapo ang kamay niya sakin, agad ko siyang tinulak ng malakas.
“Don’t touch me!” maang ko. Manyak eh.
Mabilis akong naglakad palabas ng food station.
"May araw ka rin sakin, Secretary dela Fuente~" huli kong narinig mula sa kanya. Alam kong hindi mabuti ang pakay ng lalaking yun sakin, sa tingin niya pa lang, ang laswa na.
Mas binilisan ko ang paglalakad at di na lumingon pa. I’ve never been treated like that ever since then. Bawat kababaihan nakakaranas o kaya nakaranas na ng ganito. At ito ang unang pagkakataon ko.
Hindi ako mapakali habang naglalakad. Bigla na lang akong tinakasan ng lamig sa katawan. Kahit ibang empleyado napapatingin dahil sa inaakto ko.
“Hey, Luna.”
“Ahh!”sugaw ko nang biglang hawakan ang braso ko.
“Damn…are you okay?”anang lalaking natapunan ko ng kape.
Nag-angat ako ng tingin nang bitawan na nito ang braso ko. Nataranta ako nang makita ko si Mr. Villanueva, basang-basa ng mainit na kape.
“s**t, it’s hot. ”mahina niyang mura at hinila palayo ang suot niyang polo palayo sa tiyan niya.
“I-I’m sorry po Sir, oh my Gosh…”napatakio ako sa bibig dahil hindi ko mawari kung anong gagawin.
Kakatimpla ko lang ng kapeng ‘yon eh kaya talagang mainit!
Pinatong ko sa isang table ng empleyado ang wala nang laman na tasa at kinuha ang tissue na nakita ko kung saan.
“Sorry po talaga…”nakagat ko ang sariling labi. Kumuha ako ng ilang piraso ng tissue mula sa box at marahang binahid ‘yon sa nabasang parte.
“Nah it’s fine—aw!”daing niya. Anong okay don?
“Punta po tayong infirmary po, “ani ko sa kanya. Ano ba kasing klaseng sumpa ng katangahan ‘tong dala ko?
“No, I’m really fine.”
Hindi ko siya pinakinggan. Hinawakan ko braso niya at agad siyang hinila papunta sa infirmary na nasa 45th floor kung tama man ang pagkaka-tanda ko.
Sumakay kami ng elevator. Kahit na medyo nakilo ako ay binalewala ko lang dahil sa malaking kasalanan na nagawa ko.
“Ms. Dela Fuente, I am really fine...”sabi niya habang hila-hila ko siya. Pero syempre di ko siya pinakinggan.
“Wag na makulit Sir, please lang.” sabi ko na nagpatahimik sa kanya.
Narating namin ang infirmary ng building. Agad ko siyang pina-asikaso sa dalawang nurse na naroon. Agad naman silang naging atentibo at ginawa lahat ng dapat gawin dahil syempre, si Justin Ford Villanueva yun.
Habang ginagamot ang bandang tiyan niya ay naririnig ko mahihina niyang daing dahik sa sakit. Mas lalo lang akong na-guilty lalo na nang makita ko ang pamumula ng tiyan niyang may six-pack—
“Hey, hey,”he extended his hands towards me. “Hold my hand, I need your support. “he said while shaking his hand.
Hindi ako nag-aksaya ng oanahon at agad na inabot ang kamay niya. I clasped both with his in the middle.
“Lolobo po ba yan?”nag-aalala kong tanong sa mga nurse.
“Hindi po ma’am, mamumula lang at hahapdi ng ilang araw since naagapan agad.” Sagot ng matandang Nurse sa akin.
Nahinga ako ng maluwag dahil sa narinig, buti naman. Sobrang hassle kaya pag may paso ka. Laki pa ng chance na magmarka.
“Sorry po talaga Sir,” ulit ko.
“It’s fine, just hold my hand tight.”
Nangunot ang noo ko nang pekeen niya sakit. Imbis na pansinin iyon ay binaliwala ko na lang at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Kasalanan ko ‘to eh.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa tagiliran nang mag-ring. Patay, si Klein tumatawag. Agad ko namang sinagot. Siguradong hinahanap niya na ako, este ang kape niya.
“Where the hell is my coffee? What’s taking you so long?”
Ngumiwi ako, “Ah, Sir sorry po. May nangyari kasing aberya kaya…inuna ko muna.” paliwanag ko sa kanya.
“Ano? Mas importante yan, kesa sa akin? ”
Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto ko kiligin pero para naman akong tanga nun dahil kaharap ko ang lalaking nasaktan dahil sa akin. Ano happy ako, tapos siya nasasaktan?
“Aw! Luna, hold me tighter!”malakas na iyak ni Justin.
Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone para mahawakan ko ulit si Mr. Villanueva gamit ang dalawang kamay.
“What the f**k? Is that Justin? What are the of you doing?!” galit na galit na naman si Klein.
“Ahh, something bad just happened to him—”
“Ah! Yes, right there—”
“Shh! Shh!” I placed my hand on his mouth.
“I swear to God, Luna—”
Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Klein at agad siyang binabaan. Masama kong tinignan si Justin dahil sa naging kalokohan niya. Iba rin talaga ang trip niya eh. Ako na naman malalagot.
Pagkatapos magamot ni Justin ay nagmadali kaming bumalik sa taas. Hindi ko siya pinansin buong lakad at sakay namin habang siya naman ay tawa lang ng tawa. Nakakainis talaga!
“Please, Sir. Tama na po.”saway ko sa kanya nang marating na namin ang harap ng opisina nika ni Klein. Tawa pa rin kasi siya ng tawa eh. Sayang-saya ata sa ginawa niya.
“I just can’t, your face was just so funny—aw!” dain niya matapos kong hampasin ng mahina ang tiyan niya.
“Oh God, so-sorry po!” mabilis ko siyang dinaluhan. Nakakainis kasi eh.
Pareho kaming natigilan nang bumukas ang pinto sa harap namin. Shete, si Klein. Sinamaan niya kami ng tingin pareho.
Umayos ako ng tayo. Habang si Justin naman ay pigil pa rin ang tawa. Yumuko ako nang irapan kaming pareho ni Klein.
Bago ako pumasok sa opisina ni Klein ay kinuha ko muna sa opisina ko ang paper bag na may lamang mga pagkain. Pinagluto ko kasi siya since alam kong di pa siya nakakakain ng maayos.
Pagkapasok ko sa opisina niya, sumalubong agad sa akin ang mga mura ni Klein.
"s**t! "singhal niya sa kausap na lalaki. “Fix it, now!”
"Y-yes boss. "
Kinalma ko ang sarili ko at inayos. Pinilit kong pahintuin ang panginginig ng katawan ko, lalo na ang mga kamay ko bago ako lumapit sa kanya. Bahagya ko ding tinago sa likuran ko ang dalang paper bag.
"Out!" pagpapalabas niya rito na agad rin namang nasunod.
"I'm sorry Sir," sabi ko sabay lapag ng bitbit sa harap niya. "Nabuhos kasi ang tinimpla kong kape," bahagya akong yumuko.
"God Luna, sobrang simple na nga lang ng trabaho mo, di mo pa magawa ng maayos." inis niyang sabi. "Wag mo nga ngang dalhin dito yang katangahan mo." Mahina niyang dag-dag.
Bahagya kong sinilip si Mr. Villanueva dahil baka narinig nuya. Buti na albg at nanatili siyang tahimik at nakatutok pa rin sa laptop.
"What's that?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Ah, pinagluto kita. " Isa-isa kong nilabas ang mga tupperware mula sa paper bag. Pork Adobo, Fried Chicken and rice.
"Bobo ka ba?" Natigilan ako sa sinabi niya. "Does these look like coffee to you? I asked for coffee Ms. dela Fuente, not this!" bahagya niyang tinulak palayo ang mga ito.
Ngayon paniguradong nakuha na namin ang pansin ni Mr. Villanueva nang magsalita ito.
“The f**k Klein?” alma nito. “Chill out, don’t say that to her.”
Hindi pinansin ni Klein ang sinabi ni Justin pati rin ako ay di na lang umimik.
"Ilang araw ka nang di nakakain ng maayos, " kalmado kong sabi at binuksan ang mga tupperware. "Oo hindi 'to ang inutos mo, pero ito ang kailangan mo." Inayos ko ang kubyertos sa harap niya. “Kumain ka."
Napalunok ako, ni hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga ‘to. God, baka masampal ako ni Klein dahil sa pagmando ko sa kanya. T—T
Bago pa man siya makapag-react ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Bumalik ako sa opisina ko para kuhain ang extrang shirt ni Mr. Villanueva na nakuha ko nung pumunta ako sa bahay niya.
Agad din akong bumalik at tumungon mismo sa kanya dala ang maliit na bag kung nasaan ang extra shirt niya na hindi niya nagamit.
“Magpalit po kayo, Sir.”ani ko at nilapag sa harap niya ang bag. “Pasensya na po ulit.”
“Yeah, thank you, ” tipid niyang sagot at tumayo.
Nanlaki ang mga nata ko nang magsimula siyang maghubad. “Si-sir ano pong ginagawa niyo?” natataranta kong tanong habang nakaiwas ng tingin.
“You told me to change,”natigilan pa siya sa ginagawa. “So I am?”
Tumalikod ako ng tuluyan at humarap sa ibang direksyon. He could just use the comfort room, Jesus!
“Pfft.” Napatingin ako kay Klein na bigla na lang tumawa. “You really thought that she’s going to be interested with that body?”umiling-iling siya. “Sad for you because she only has her eyes on mine.”mayabang na sabi nito.
Napakurap ako ng ilang ulit dahil sa sinabi niya. Did he just? He just say those?
“Oh really?” ani naman ni Justin na dumaan sa gilid ko. Nakadamit na siya. “Then hayaan mo kong sirain yang mood mo. “
"Here."naglapag si Justin ng isang envelope sa mesa, kinuha yon ni Klein, binuksan at binasa ang nasa loob ng mga papeles.
"All fixed. Napapalitan ko na ang mga barko, I used my ships and transferred the shipments. "nakangisi nitong sambit.
"What? Hindi mo man lang ako sinabihan?" kunot noong tanong ni Klein.
"Ayaw mo nun? At least nakatulong ako sa problema ng kompanya mo. Problem solved. "proud na sabi ni Justine na kinainsulto ni Klein.
"I can fix my own problems Villanueva. Your crossing the line,wag mong kalimutang sayad ka lang dito sa kompanya ko."iritado niyang sabi sabay lapag ng envelope sa mesa.
"Too slow, I've done it . You're welcome."kinuha ni Justin ang isang fried chicken mula sa tupperware at bumalik sa bangko niya.
"Remove those f*****g ships Villanueva! Ayaw kong tumanggap ng tulong galing sayo. Napakababaw tignan. "tila sumeryoso ang kaninang chill lang na si Justin dahil sa sinabi ni Klein.
"Those are important shipments Montero. Pag hindi yun umabot sa oras, sasabit ka at sasabit din ako. They know that we both are back in business partneship and I work here. Tapos ano? Unang ship pa lamg natin, palpak na agad? "diin ni Justine.
Sa totoo lang, tama si Justin. We need the help that we can get right now. Ayaw lang talaga ni Klein dahil sobrang ma-pride niya. Tsaka ano bang problema niya kay Justin? Laking tulong na nga ng ginawa ng tao eh.
"Hayaan mo munang umabot ang walong shipments na 'yon at ako mismo mag-aalis ng mga barko ko sa kompanya mo. " sabay duro pa nito ng fried chicken kay Klein.
Habang si Klein naman ay hindi na umimik. Hindi ko talaga maintindihan si Klein pagdating kay Justin. Palagi niyang binabara si Justin tuwing may ginagawa siyang maganda, hindi rin naman masama ang pakikitungo niya kay Klei. Napapansin ko nga na ang clingy niya kay Klein eh. Pero si Klein tong taboy ng taboy sa kanya at nandidiri pa talaga.
Minsan nga napapaisip nalang ako kung ano bang problema niya kay Justin at kung anong nagawa ni Justin na kinagalit niya dahilan para itaboy niya ng ganun, knowing na dati na silang magkasosyo sa business tapos narinig ko pa na nagkaalitan talaga sila noon.
Nabalot ng tensyon ang buong kwarto ng dahil sa naging pagtatalo ng dalawa. Tahimik na lang akong lumabas at pumanhik sa opisina ko.
Habang nag-e-encode biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa baba habang naghahanda ako ng kape para kay Klein. Yun ang pinaka nakakatakot na nangyari sa akin ngayong aaraw.That was a new strange feeling, hindi pa ako nakaramdam ng ganung klase ng kaba at takot sa ibang tao since then.
Kahit minsan hindi pa ako namanyak. Bihira lang naman kasi akong lumabas at bantay sarado rin ako nung bata ako. I hate that feeling, it feels so scary and disgusting at the same time.
I hate people like that, specially guys like that. Sober or not, they do it. They let lust control their head. Nature nga naman daw yun ng mga lalaki sabi nga nila. But they can choose not to do it if they just have and know the word respect. Hindi nila alam kung gaano kalakas ang epekto nun sa mga babae. They’re not just doing s****l harassment, but also causing the victim fear and pain that they will never forget and will forever keep it to themselves as their horrible secret. In every girl with a smile on their face that you see, there hides a history of them being treated horribly.
Agad akong lumingon sa cellphone kong tumunog. Unregistered number kaya kunot noo kong sinagot.
"Hello?"
“Is this Ms.Dela-Fuente?”tanong ng boses ng isang babae.
"Yes,bakit?"
“I'm Anne from the Aeros Hospital, assistant nurse ako ni Dr. Aeros. “pagpapakilala niya. “I just want you to know that your first radiation therapy and chemotherapy is scheduled tomorrow, this is arranged by Miss Bea, and you need to come see Dr. Aeros, he’s a neurologist. He is going to be your new doctor. He wants to see you for further talks. “mahaba niyang sabi.
"O-okay.”
Obviously, kailangan kong pumunta, it's for my health, kailangan kong magpagamot para manatiling buhay hanggang matapos ko lahat ng gusto kong gawin.
“Okay ma'am. Thank you, have a good night.”huli niyang sabi bago binaba ang tawag.
Dagli akong kumuha ng sticky note sa drawer ng mesa at sinulatan 'yon. 'Hospital, bukas.' Yun ang sinulat ko at dinikit 'yon sa maliit na board standee ng aking mesa para makita ko at di ko malimutan. Pati sa cellphone ko nag-set ako ng reminder.
Since may trabaho ako bukas, gabi na lang ako pupunta. Proproblemahin ko na lang ay kung paanoako magpapaalam kay Klein.