Chapter 2

2588 Words
HINDI ako makatulog dahil sa malaswang ingay na naririnig. Wala akong nakikita pero sobrang linaw sa isip ko ang ginagawang kababuyan ni Klein at nga babae niya sa kabilang kwarto. Rinig na rinig ko ang bawat ulos at halinghing nilang dalawa lalo na ng lintek niyang babae.  Hindi soundproof ang kwarto kung nasaan ako, napaka-malas lang kasi pinili nilang magtalik sa guest room na katabi ng kwarto ko. Ewan ko ba kung malas iyon o pananadya.  Itinalukbong ko ang isang unan sa ulo ko at pilit na iniisip na walang nangyayari. Pilit iniisip na hindi nangyayari ang lahat ng 'to.  Kinuha ko ang cellphone at sa pagtingin ko sa screen ay alas-dos na pala ng madaling araw. Wala ba silang balak na huminto? Si Klein? May trabaho siya bukas, bakit inuuna niya pa ang pakikipagtalik? Sarap na sarap ba siya?  Kinuha ko ang earphones ko sa drawer at ikinabit iyon sa cellphone at tenga ko. I raised the volume into max. Saka ako nabingi mula sa mga ungol nila.  Bakit ngayon ko lang ba 'to naisip? Ang tanga ko talaga. Hindi na nag-iisip, puro na lang iyak at mukmok.  Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko nang mag-play ang kantang I hate you, I love you by...  "Don't you even notice, that you are slowly killing me..."pagsabay ko sa kanta. Umupo ako sa kama at buong pusong pinakiramdaman ang kanta. Para akong isang high school student na hindi pinapansin ng crush o kaya naman estudyanteng naranasan ang first break up.  Hindi iisa ang kwarto namin ng asawa ko. Isa sa mga guest room ng unang palapag ng bahay ang kwarto ko, habang ang kwarto sana naming dalawa ni Klein na siya lang ang umuukupa ay nasa second floor. Sa lahat ng kwarto ng bahay na 'to, ang kwarto lang ni Klein ang pinaka-malinis. Never siyang nagpapasok o nagdala ng babae niya ron pwera sa akin na taga-linis.  Ayaw niya kasi akong makatabi sa isang kama, kesyo madumi daw ako at baka kung ano pa daw ang gawin ko sa kanya. Ang arte diba? Tapos ako pa talaga ang may pagnanasa at balak. Mahal ko si Klein, oo. Pero syempre di ko naman siya aanhin ano. Sarap niya minsang sapokin eh.  Tska hindi naman na ata required na magtabi pa kami sa iisang kama. Mag-asaw kami, pero di niya ako mahal. Sapat naman na sigurong dahilan 'yon hindi ba?  Hindi ko mapigilan ang sarili di mapahikbi dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman. Hindi ito ang unang beses na nagdala siya ng babae dito sa bahay, maraming beses na 'tong nangyayari pero masakit pa rin. Masakit dahil syempre, nababastos  at naaagrapbyado ako bilang asawa niya. Pinapamukha niya talaga saakin na hindi niya ako kailangan. Harap-harapan niyang sinasamapal sakin na wala akong kwenta, na wala siyang pakealam kahit na masaktan pa ako at umiyak magdamag tuwing nagdadala siya ng babae dito sa bahay namin.  Minsan napapaisip ako. Naiisip niya ba na nasasaktan na ako ng sobra dahil sa mga ginagawa niya? Naiisip niya ba na nahihirapan ako? Naiisip niya rin ba kahit minsan kung ano ang nararamdaman ko?  Siguro oo, alam niyang nasasaktan ako at nahihirapan. Klein is aware of how much he affects me, but he doesn't know how much pain he's causing me that it's slowly killing me.  Paniguradong masaya siya sa ginagawa niya sa akin. Kasi tulad nga ng ipinangako niya, gagawin niyang impyerno ang buhay ko.  Ang sarap lang sabihin sa pagmumukha niyang, "Oo Klein masakit. Congrats epektibo ang pagiging demonyo mo."  —— Nagising ako dahil sa marahas na pagtama ng ilaw sa mukha ko at dahil sa malamig na likidong dumaloy sa ulo ko.  Pawakli akong bumangon dahil sa pagpasok ng tubig sa ilong ko. Muntikan pa akong malunod. Kinapa ko ang sarili, basang-basa ang pang-itaas at pagmumukha ko.  "Good morning, sunshine." balot ang sarkasmo sa boses nitong sabi. Agad akong napalingon sa may-ari ng boses.  Halos takasan ako ng dugo nang makita ko ang asawa kong nakatayo sa mismong harap ko. Kaya naman ay dali-dali akong tumayo. Muntik pa akong madulas dahil pati ang sahig, nabasa.  "Kle-klein—"  "Do you have any idea of what time is it, right now?" pinagkrus niya ang makikisig na braso.  Napatingin ako sa hawak niya, saka ko lang nakumpirma na siya ang may pakana ng pagkabasa ko nang makita kong may hawak siyang baso.  "Hi-hindi." yumuko ako. Pinilit kong ikalma ang sarili dahil sa totoo lang, inis na inis ako dahil sa ginawa niya. Pwede niya naman akong gisingin ng maayos ah? "Pasensya na, late akong nagising."  "Cook, " malamig niyang mando. "Go! "singhal niya nang di pa ako kumilos.  At syempre nataranta ako. Loka-loka kasi ako at di nagising ng maaga kaya heto tuloy, nagmamadali. Muntik pa uli akong madulas dahil sa pagmamadaling makalabas ng kwarto.  Patakbo akong bumaba ng hagdan habang pinupusod ang buhok ko. Mabilis kong nilabas ang mga kakailanganing para sa lulutuin na galing sa ref nang marating ko na ng tuluyan ang kusina.  Fried rice, eggs, bacons and hotdogs.  Simpleng lutuin na lang ang inihanda ko since paniguradong gahol na ako sa oras at baka ma-late pa si Klein ng dahil sa akin. Siguradong pagbubuhatan niya na naman ako pag-nagkataon  Ito na ang nagiging exercise ko sa pang araw-araw, tuwing pinagmamadali niya ako o kaya naman ay inaasikaso ko siya. Instant excercise na 'yon na walang stretching.  Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na si Klein. Inaayos ko pa ang mesa nang marinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa kusina. May pasobrang isang plato, hindi para sa akin, kundi para sa bwesita niya.  Diretso siyang umupo at di man lang ako tinapunan ng tingin. Kaya agad akong tumabi. Heto na naman ako sa pwesto ko, sa gilid. Nag-aabang ng pwede niyang iutos habang kumakain siya. Oo, hindi ko rin nagagawang sumabay sa pagkain ng asawa ko. Dahil nga maarte siya, ayaw niya rin akong makasabay dahil nawawalan lang daw siya ng gana dahil sa pagmumukha ko. Kaya heto ako, nasa gilid niya. Hindi niya nakikita at nag-aabang ng iuutos niya.  Walang ibang maririnig sa buong kusina kung hindi ang pagbabanggaan ng mga kubyertos at pinggan. Hindi naman kasi halatang sarap na sarap siya sa niluto ko kahit simpleng prito at sangag lang iyon.  Kahit na maarte 'tong asawa ko, masaya ako kasi kinakain niya pa rin ang mga hinahanda ko para sa kanya. Minsan nga lang pag tinotopak siya ay tinatapon niya. Iba rin kasi ang trip niya sa buhay kaya mahirap din tong pakisamahan eh. Pero dahil mahal ko siya, iniiintindi ko nalang.  Masaya ako na hinahayaan niya akong asikasuhin siya bilang asawa niya, kahit na minsan ay may mga limitasyon.  "Good mornin. " nabasag ang katahimikan ng dahil sa nagsalita.  Agad akong napalingon kung saan nagmula ang ipit na boses na 'yon. Bahagyang nangunot ang noo ko nang makita ang papalapit na babae sa dining area.  Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Halatang tinipid sa tela ang suot niyang tube na hanggang hita lang ang haba. Tsk, ang sagwa. Ang aga-aga pa, binagyo na ang mukha niya ng make-up. Napatingin naman ako sa sarili kong basa at amoy prito. Ang lakas kong manghusga eh hindi mas prisentable pa nga siyang tignan kesa sa akin. Masagwa nga lang, pero prisentable.  Lumapit ito kay Klein at niyakap ito mula sa likod sabay himas sa mga braso nito, saka niya hinalikan sa pisngi. Hindi lang yon, umupo pa siya sa lap ni Klein at hinalik-halikan ito na ginantihan naman ni Klein.  Agad akong nag-iwas ng tingin, ang aga-aga eh naiiyak na naman ako. Ang gandang panimula ng araw ano? Dapat kasi di na ako nagigising.  Kung kaya ko lang, kung may laban lang ako, kakalbuhin ko talaga ang babaeng 'to pagnagkataon. Matapos niyang landiin ang asawa ko ay umupo na siya ng maayos sa katabing silya, malapit kay Klein. Nagsimula na ring kumain ang babae na mukhang clown. Buti pa siya nakakasabay si Klein sa pagkain. Dalawang taon na kaming kasal pero kahit isang beses di ko pa rin nakasabay kumain ang asawa ko.  Swerte niya naman, kasi kung saan lang siya napulot tapos nakakain niya rin ang niluto kong masarap na para lang naman sana sa asawa ko. "Who is she Klein? She's kinda intimidating. "turo niya sa akin gamit ang tinidor. May pa slang-slang pa siyang nalalaman. Eh kung i-upper cut kita? Tignan natin.  Ewan kinabahan ako nang balingan niya ako ng pansin. It's good that she feels intimidated by me. Pero hindi niya naman ako kailangan pang pansinin. Hindi sa harap ni Klein.  Pero buti naman at natanong niya 'yan, oras na para malaman niya na nasa pamamahay ko siya at ako ang asawa niyang nilalandi niya. I cleared my voice once and stood up straight with confidence.  For you to know, "I'm his wi–" "Don't mind her, she's just a maid. "sabi ni Klein habang kumakain na parang wala lang iyon. Di ako makapaniwala sa sinabi niya.  "Oh..."tumingin ang babae niya sa akin. "Alright..." sabay ngisi nito ng mapanuya. " Nagpatuloy sila sa pagkain. Hindi niya man lang binigyang pansin ang sinabi niya. Maid? Sakit. Kasambahay ang pagpapakilala niya sakin, maid huh?  Tama nga naman siya, kasambahay niya lang ako na walang ibang ginawa kundi ang magpakabuting taga-linis at taga-aruga sa kanya. Yun, lang naman pagpapakilala niya sa mag babae o kaya sa kung sino pang dinadala niya dito sa bahay.  Gustong-gusto ko nang umiyak but, I stopped myself from crying. Ayaw kong makita ako ng chakadoll na 'to na umiiyak. Baka pagtawanan niya pa ako.  "Aww. " may halong pang-aasar na sabi nito sabay nguso. Mukha kang s**o! "Give me water b***h, please? "utos niya na may halong sarkasmo ang pakikiusap.  Kala mo talaga kung sino makautos e, kung saan lang naman napulot kagabi. And the word 'b***h' doesn't suit me, it suits you more kaya manigas ka! Nagsalubong ang mga mata namin ni Klein nang lingunin niya ako. Masama niya akong tinignan matapos ang ilang segundo kong pananahimik at pangbabalewala sa utos ng babae niya. His eyes is telling me to do what the w***e wants me to. Ano ba 'yan! Pasalamat siya't nanjan si Klein.  Napilitan akong lagyan ang baso niya ng tubig. Sayang lang ang mga kamay niya't di niya ginagamit, eh halos nasa harap niya lang naman ang baso at pitsel. Halatang nang-aasar.  "I'm done. "tumayo si Klein at nagpahid gamit ang napkin. Saka siya lumabas ng dining area. Paniguradong magbibihis na siya.  Kumilos ako at kinuha ang pinagkainan niya, akmang tatalikod na ako para ilagay sa sink ang plato't kubyertos nang higitin ako ng babae sa braso.   "Aray! "reklamo ko.  "Tsk. Nakakainis ka, do you know that? "maarte niyang sabi sabay sampal sakin. I can feel the blood rushed through my cheeks because of her slap.  "Ano ba? Ano bang problema mo?"binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at pilit na kumalma. Nagmarka pa sa higpit ng pagkakahigit niya ang mga kuko sa pulsuhan ko. Hinimas ko ang pulsuhan dahil sa bahagyang pagkirot nito.  Ayaw kong patulan ang tulad niyang mababang uri, kaya imbes na hambalusin ko siya ay tinalikuran ko na lang. Never go down to their level, Luna. Bulong ko sa sarili.  "Bastos! " Hinigit niya uli ako, kaya sa pagharap ko ay sinalubong siya ng palad kong dumirekta sa pagmumukha niya. Dahil sa biglaang pagkilos ay nabitawan ko ang hawak na pinggang dahilan para mahulog at mabasag iyon sa sahig.  "Ouch! "hiyaw niya kasabay ng paghawak niya sa sariling pisngi. Edi nasaktan ka! Buti nga sayo, nangunguna kasi.  "What the f**k is happening here? " bigla na lang sumulpot si Klein sa tabi ng babae. Inabot niya ang naiwan niyang cellphone sa mesa.  "That b***h! Bigla niya akong sinampal! Wala naman akong ginawang masama sa kanya! " sumbong nito at yumakap pa talaga kay Klein. Sinungaling din pala ang bababeng 'to? "Huhu ang sakit..."kunwari niya pang iyak.  I bit my lip to stop myself from ruining her and looked at Klein. Disbelief is visible in his eyes.  "Siya ang nauna Klein, gu-gumanti lang ak–" Hindi ko natapos ang pagpapaliwanag nang sampalin ako ni Klein. Mas lalo lang humapdi ang pagmumukha ko.  So, mas naniniwala siya sa babaeng yan? Mas naniniwala siya sa babaeng kagabi niya lang nakilala at kung saan niya lang napulot, kesa sakin na asawa niya?  Ano bang ini-expect ko?  "K-Klein hindi ako—ahh! "hinigit ni Klein ang buhok ko. "K-Klein masakit! "reklamo ko "Kahit kailan ka talaga! f**k you ruined my morning! "kasabay nun ang pagsikmura niya sa akin dahilan para mawalan ako ng lakas at napaubo.  Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at hinila ako patayo ng maayos. Kinaladkad niya ako patungo sa storage room ng bahay. Saka niya ako hinambalos dahilan tumama ang ulo ko sa pader na ikinahilo ko. Ang sakit! "K-Klein anong gi-ginagawa mo? "tanong ng sa kanya na halatang nagulat dahil sa nangyari.  Hibdi ito binigyang pansin ni Klein at kinadena ang mga kamay at paa ko. Not here, no again!  "Thsi is what you get for ruining my morning! "nanlilisik ang mga mata niya sa galit habang sinasabi iyon. Agad akong nataranta ng dahil sa sinabi niya. Wag niya sabihing ikakandado niya ulit ako dito ng isang araw? No! Hindi pwede! Hindi ko kaya.  Ang silid na ito ang nagsisilbi kong bartolina. Iniiwan ako ni Klein dito minsan ng isang gabi, tuwing may nagagawa akong mali o kaya naman ay mainit ang ulo niya.  Ngunit ngayon ang unang pagkakataon na ikukulong niya ako sa umaga, nang walang makakain, walang maiinom, walang kasama sa bahay, wala. I will die for sure.  "Klein wag! Wag mong gawin 'to please! "pagmamakaawa ko at pilit siyang inaabot, ngunit' di ko magawa dahil sa kadena. "Ayaw ko di-dito! "nanginginig kong sabi. Pinipilit ko siyang abutin pero kahit na ano ang gawin ko ay hinihila lang ako ng kadena pabalik.  Hindi siya nakinig. Imbis na pakinggan ako ay sinara niya at ni-lock ang pinto ng storage room. Hanggang sa unti-unti nang takasan ng ilaw ang buong lugar. Huli kong nakita ang gulat at awa sa mukha ng babae bago tuluyang nagsara ang pinto Sobrang dilim dito at tanging maliliit lang na ilaw ang nagbibigay liwanag mula sa mga nakaklusot na sinag ng araw mula sa bintana.  "Klein... "umugong ang pag-iyak ko sa buong silid. "Klein please naman!"  Napatayo ako nang maramdaman ko ang paggapang ng kung ano sa hita ko.  "Ahh! Klein!" hiyaw ko sa takot. Tumakbo ako papunta sa pinto pero di ako nakaabot nang mahila ulit ako ng kadena dahilan para matumba ako.  Sa panghihina ay wala na akong nagawa kundi paupo na lang ng tuluyan at umiyak ng umiyak.  Siniksik ko ang sarili ko sa gilid at niyakap ang sarili.  Sobrang sakit isipin na hindi niya man lang ako pinakinggan at mas pinili niya pa ang babaeng kung saan niya lang nakilala kesa sakin na asawa niya. Tapos heto pa, ikinulong niya ako ulit. Pangalawang bese na 'to ngayong linggo.  "Klein naman..." hagulgol ko.  Kahit di niya ako tratuhin bilang asawa, sana man lang ay tratuhin niya ako na parang babae o tao man lang.  Natigilan ako sa pag-iyak nang maramdaman ko ang pagdaloy ng likido sa pisngi at noo ko. Nang kapain ko kung saan ito nang-gagaling ay nasigurado kong dugo ito dahil sa lagkit at dahil na rin sa pagkirot bahaging iyon ng ulo ko.  Napangiti ako ng mapakla at walang buhay na bumagsak sa malamig na sahig.  "Klein..." Kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko at pagbigat ng talukap ng aking mga mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD