NANG MAKITA NI WEVZ na nag-e-enjoy ang kambal sa mga kalarong bata ng mga ito at si Syke naman ay may mga iilang taong kausap, napagpasyahan niyang mag-ikot-ikot muna. Huminto siya nang may masilayang tila maliit na fountain sa kalagitnaan ng mga nag-gagandahang mga bulaklak. Lumapit siya roon at may ngiti sa mga labing pinagmasdan iyon. "Maganda hindi ba?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Nakita niyang nakatayo sa di kalayuan si sister Miles. "Opo napaka-ganda po." Aniya sa madre at muling itinuon ang pansin sa may fountain. Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang madre. "Magka-mukha po ba kami ni.... M-Maridel?" Kusang lumabas ang tanong na iyon mula sa kanyang bibig. "Magka-boses kayo, pareho kayong laging may ngiti sa mga labi at maging ang mga mata ninyo ay mag

