"GET READY. Tayo ang susundo sa mga bata ngayon." Wala sa sinabi ni Syke ang kanyang atensiyon. Kahapon pa niya iniisip ang huling sinabi nito kahapon sa may swimming pool bago siya tinalikuran nito. "Mas bagay tayo." Paulit ulit iyon sa kanyang isipan. May ibig bang sabihin iyon? Gusto na ba siya ng lalaki? Ang gulo naman kase! Minsan ang sungit, minsan naman ang sweet. O baka naman kaya nawiwili itong halikan siya dahil nakikita nito ang pumanaw na asawa sa kanya. Ngunit sabi naman nito hinahalikan siya nito bilang siya. Nakakasakit ng ulo! "Hay! Ang gulo!" Wala sa sariling bulalas niya. "Anong magulo?" Pormal na tanong nito. "Bipolar ka ba?" Tanong niya rito na ikina-noot ng noo nito. "Ah! Never mind!" Akmang tatalikuran na niya ito ng magsalita ito. "Hindi mo lang ba ako tatanung

