MATAGAL NG NAKA-ALIS si Wevz ng opisina niya ngunit tila lumulutang pa rin ang kanyang isipan. "Life is beautiful, huwag mong tipirin ang ngiti mo, huwag kang masyadong madamot." Naalala niya ang huling sinabi nito. Ngunit sa kanyang ala-ala ay hindi si Wevz ang bumibigkas noon kundi si Maridel, ang kanyang yumaong asawa. The way she delivered it, even the voice was exactly the same! "Chief Sungit..." Hindi ba't minsan na siyang sinabihan ng ganoon ng asawa? Noong sekretarya palang niya ito? Napasabunot siya sa kanyang buhok. Maging ang pag-bigkas ng dalaga ng 'sa ganda kong ito' at 'kapag may katwiran ipaglaban mo', ilan lamang iyon sa mga linya ng asawa niya. Sa mga nakalipas na taon walang kahit na sinong babae ang pumukaw sa interes niya. Ngunit si Wevz, ayaw man niyang aminin, sa

