"S-SUPERMAN? Anong ginagawa mo diyan?!" Hindi alam ni Syke kung matatawa o lalong mapapangiwi sa tanong na iyon ni Wevz. Pinukulan niya ito ng masamang tingin dahil naramdaman niyang medyo may masakit sa parte ng kanyang balakang. Na-out of balance siya mula sa pagkakatulak nito. At mukhang hindi naging maganda ang pagbagsak niya sa sahig. Sinikap niyang tumayo ngunit napa-upo lang siyang muli at napa-ngiwi sa sakit. Mabilis siyang dinaluhan ni Wevz. At katulad kanina ay hindi niya maiwasang mapa-singhap dahil sa pamilyar na amoy na iyon. It's the natural scent of her wife! "Naku! Sorry boss chief! Akala ko talaga multo ka!" Anito habang inaalalayan siyang maka-tayo. Duda siya kung kakayanin ng dalaga ang bigat ng katawan niya. At tama siya dahil ng subukan siyang i-tayo nito habang na

