Kabanata 3

2055 Words
Hindi maganda ang naging gising ni Eleanor kinabukasan. Napuyat kasi siya kakaisip kay Elon. Nasisiraan na yata siya ng bait dahil kahit alam niyang taxi driver lang ito, bagay na salungat sa gusto niya sa isang lalaki ay hindi pa rin ito mawala sa isip niya. Hindi naman niya minamaliit ang mga driver lalo at naging ganoon din ang Daddy niya noon. Ang hindi niya matanggap ay ang katotohanan na kahit anong pilit niya sa sarili na kalimutan ang lalaki ay hindi niya magawa! May pagtingin na yata siya sa binata o baka sobrang attracted lang talaga siya sa karisma at s*x appeal nito? "Good morning, Miss ganda." "Jacob! Kailan ka pa nakauwi?" nasisiyahang tanong ng dalaga sa kababata. "Kagabi lang, at oo may pasalubong ako sa 'yo." inunahan na siya ng kababata niya dahil alam na nito na maghahanap siya ng pasalubong. May kaya sa buhay ang binata, sa katunayan nga ay kagagaling lang nito sa Singapore dahil naroon ang ate at pamilya ng huli. Bumisita siya dahil namimiss na niya ang kanyang makukulit na pamangkin. Gwapo si Jacob at naging crush pa nga niya ito noong nasa Elementarya pa lamang sila hanggang High school pero hanggang doon lang dahil paulit-ulit siyang nate-turn off sa binata dahil may pagka tamad ito at sa edad nitong bente-siete, magkasing edad lang sila, ay wala pa rin itong stable job, namamasada lang ito ng sariling tricycle sa tuwing nabuburyo ito sa bahay at walang magawa. Nanghihinayang siya sa tinapos nito. Graduate pa naman ito ng Accounting tulad niya kahit na pumasa lang ito halos dahil sa special projects ay sayang pa rin ang diploma nito. Umaasa lang ito sa pera ng mga magulang niya at sa padala ng kanyang ate Jamaica, iyong nasa Singapore nga. Dalawa lang silang magkapatid kung kaya sunod sa luho ang bruho. Inirapan niya ang kababata at sumakay sa likod ng tricycle nito. Sanay siyang mag back-ride lalo na dahil libre pamasahe siya at nagsasakay pa ito ng pasahero sa loob. "Libre mo ba ang pamasahe ko?" biro niya sa kaibigan. "Oo naman, ikaw pa ba? Eh, alam mo namang crush na crush kita." kumindat pa ito sa kanya at nakita niya iyon dahil sa side mirror. Hinampas niya ang likod nito, noon pa man ay ganoon na ito kung magbiro sa kanya. Hindi nga lamang niya alam kung talagang biro lang ba iyon o totoo. Sa sobrang luko-loko kasi ng kaibigan niya ay hindi niya na alam minsan kung alin ang biro at totoo sa mga sinasabi nito. Tumawa ng malakas si Jacob. "Biro lang! Gandang-ganda ka na naman niyan sa sarili mo, 'no?" sabi nito habang nagmamaneho. Sa kabilang banda naman ay makikita si Elon na sakay ng pinapasada niyang taxi. Kunot na kunot ang kanyang noo. Hindi lingid sa kanya na selos ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon habang nakatanaw sa lulan ng tricycle. Masayang-masaya ang dalawa at animo magkasintahan ang mga ito. Nakita pa nga niya kung paano nagtawanan ang mga ito at parang nagbibiruan. Napakuyom siya ng kamao. Nagseselos siya, hindi siya tanga at kahapon lang pinanganak para hindi mapangalanan ang nararamdaman niya ngayon. He's 28 for Pete's sake at hindi man siya nagkakaroon ng seryosong relasyon ay alam niya ang pinagkaiba ng selos sa ibang emosyon. Sa katunayan nga niyan ay isa ang pagiging possesive niya kung bakit hindi siya pumapasok sa isang relasyon. Nadala na kasi siya sa unang seryoso na relasyon niya dahil hindi maganda ang kinalabasan. Iniwan siya ng babaeng minahal niya dahil nasakal ito sa kanya. Masyado siyang seloso at teritorial, in other word, he's a possesive man when he fall in love. Samantala ang pangalawa at huling babaeng nakarelasyon niya ay iba naman ang naging dahilan ng paghihiwalay nila, at ayaw na niyang balikan pa ang pangyayaring iyon sa buhay niya dahil iyon ang naging dahilan kung kaya't ayaw na niyang magmahal ulit. Ngunit pagmamahal na ba ang nararamdaman niya para sa dalaga? "Imposible!" sigaw ng utak ni Elon. Dalawang beses pa lang siyang na-inlove at hindi siya nahulog sa mga babaeng iyon ng basta-basta. Samantala, ilang beses pa lamang ba niya nakikita si Eleanor? Ilang minuto pa nga lang niya itong nakakasama. At dahil pa sa pagiging driver niya at pasahero nito kaya sila nagkakalapit na dalawa. Damn. Napabuntong hininga si Elon habang sinusundan pa rin ng tingin ang papalayong tricycle. Naunahan na siya ng lalaki, aabangan na lamang niya si Eleanor mamayang hapon sa labas ng pinagtatrabahuhan nito. Sa kabilang banda naman ay tumigil ang tricycle ni Jacob sa tapat ng SDACco. na pinagtatrabahuhan ng kanyang matalik na kaibigan at kababatang si Eleanor. "Salamat, Jacob! Sa uulitin!" nakangiting sabi ng dalaga sa kanya. Napangiti rin tuloy siya. "Susunduin kita mamaya at doon ka na maghapunan sa amin, nabanggit ni Mommy na umuwi sa probinsya sina Tito at Tita kaya mag-isa ka lang sa inyo." sabi ni Jacob. Balak niya na rin kasing ibigay ang pasalubong niya sa kaibigan. Mamahaling bag iyon at excited na siyang makita ang reaction nito dahil alam niya na mahilig sa bag ang dalaga. Isa pa ay alam niya na magugustuhan iyon ni Eleanor at bagay na bagay ang bag sa kanya. Hindi pa man ay naiimahe na ni Jacob na gamit iyon ni Eleanor sa trabaho nito. Napapilig siya ng tapikin ni Eleanor ang kanyang mukha. "You are spacing out." tumatawang wika ng dalaga. "Oh, sorry. Naalala ko lang iyong pasalubong ko sa iyo. Hindi ko kasi inaasahan na makikita agad kita kaya hindi ko dinala." napangiti si Jacob ng makita ang kinang sa mga mata ng dalagang kaibigan niya. "Nakakasabik naman iyang pasalubong na 'yan! Sige nga at sunduin mo ako mamaya, hihintayin kita, ha?" "Sus! Gusto mo lang makatipid sa pamasahe, eh! Bakit ba kasi hindi ka mamili ng sasakyan?" tanong ng binata kay Eleanor. "Sa tingin ko kasi ay hindi pa panahon." tumawa ang dalaga ng maalala na iyon din ang sagot niya noong nakaraang taon na tinanong siya ni Jacob tungkol sa bagay na iyon. "Ang kuripot mo lang kamo!" kantiyaw ng binata sa kanya. "Ayaw kong gastusin ang savings ko dahil para kina Mommy at Daddy iyon." paliwanag ng dalaga. Totoo naman kasi, iyon ang dahilan niya. Nanghihinayang siya sa pera, pero kung hindi niya iniisip ang mga magulang niya ay baka nga bumili na siya niyon. Ngunit ngayon na nabuksan na naman ang topic na iyon ay napaisip ang dalaga. 'Panahon na nga ba para bumili ako ng sasakyan?' Mamayang gabi ay hihingin niya ang opinyon ng kanyang magulang tungkol doon. At kapag sumang-ayon ang mga ito ay bibili siya ng kahit second hand lang na kotse. Isa iyon sa pangarap ng dalaga. Ang magkaroon ng sariling sasakyan. Pero sa kalagayan ng kanyang pamilya ay hindi niya pa iyon natutupad. Nagkakaedad na kasi ang Mommy at Daddy niya. Ayaw man niya at huwag naman sana ngunit paano kung magkasakit ang mga ito, saan siya kukuha ng pera kapag ginalaw niya ang kanyang ipon sa bangko? Ayaw niyang ipakipag-sapalaran ang mga magulang niya dahil lang sa pansariling kaligayahan niya. Kung tutuusin ay luho lang naman ang kotse. Kaya naman niyang mag commute. Pero sa mahal ng pamasahe ngayon ay mapapaisip ka talaga kung kailangan na ba ng sariling sasakyan. Ayaw naman niya ng motor o tricycle dahil hindi bagay sa kagandahan niya! Saktong oras ng uwian ni Eleanor sa trabaho ay nakaabang na ang taxi ni Elon. Nasasabik siyang makitang muli ang dalaga. Ilang minuto lang ang hinintay niya at nakita na nga niya ang paglabas ng dalaga, kausap pa nito ang mga katrabaho at kitang-kita niya ang matatamis at magagandang ngiti ng dalaga. Bumilis ang t***k ng puso niya. Maging siya ay napangiti sa loob ng taxi. Ngunit ang magandang tanawin ay naharangan nang humintong kotse. Bumaba ang driver niyon at agad nakilala ni Elon ang lalaki. Iyon din ang lalaki na kausap at katawanan ng dalaga kaninang umaga sa tricycle. Napabuntong hininga si Elon Croesus ng makitang sumakay si Eleanor sa kotse, pinagbuksan pa ito ng lalaki. Bumagsak ang kanyang mga balikat. Naunahan na naman siya gayong kanina pa siya naghihintay sa dalaga! Kung minamalas ka nga naman talaga! Sa inis ay agad na umalis sa lugar na iyon si Elon at dumiretso sa bar na pagmamay-ari ng kanyang kaibigang si Antonn. "Hula ko, problema sa babae, 'no?" mapang-asar na tanong sa kanya ng kaibigan. "Shut up, man." inis na asik ng binata sabay tungga sa bote ng alak na hawak niya. "Come on, man. Nag-iinom ka lang naman kapag may problema ka sa babae. So tell me, who's the unlucky woman?" tanong nito sa kanya. Hindi naman sumagot si Elon at pinanlisikan lang na tingin ang kaibigan, naiinis pa rin siya! Naibuhos tuloy niya ang emosyon sa alak. Sa huli ay nalasing siya at basta na lamang nanghalik ng babaeng customer sa bar na iyon. Agad namang nag-init ang babaeng hinalikan niya at ito pa ang kusang sumunggab sa labi niya. Hinatak niya ang babae papunta sa VIP room at doon ay agad niya iyong hinalikan. Kapwa na sila nag-iinit ng babaeng hindi manlang niya kilala, ngunit nang lumuhod ito sa sahig at sinimulang hubarin ang butones ng kanyang pantalon ay nakita niya sa kanyang imahinasyon ang magandang mukha ni Eleanor. F*ck! Hinawakan niya ang kamay ng babae dahilan para tumayo ito mula sa pagkakaluhod at kunot noong tumingin sa kanya. The girl giggled then held his face with her palm and started to kiss him again torridly. But Elon stopped her again. "Why, honey?" malanding tanong ng babae. "Go away." malamig na tugon ng binata. "But we're not yet done fucki—" "I said go away!" galit na sigaw ni Elon sa babae dahilan para matakot ito at magmadaling lumabas ng VIP room. Napahilamos si Elon. D*mn that woman! She's not leaving my mind! Nang maalala ni Elon ang maamong mukha at magandang hubog ng katawan ng dalaga ay para siyang sinilaban. Ang matatamis nitong ngiti ay tila nagdudulot sa kanya ng nagliliyab na apoy. Kailangan niyang ilabas ang init na iyon. Muli siyang napamura sa isip at agad na tinungo ang taxi para umuwi. Nang ihinto niya ang taxi sa tapat ng apartment na kanyang tinutuluyan ay dumiretso siya sa banyo at doon inilabas ang dapat ilabas. Ngunit kahit nailabas na niya ang init ng katawan niya ay hindi pa rin mawala sa kanyang isip ang dalaga. Gusto niyang mahalikan si Eleanor, mali.. Dahil gustong-gusto niyang gawin ang bagay na higit pa roon. He wants her, like a hungry man. At hindi siya matatahimik kapag hindi niya naangkin ang dalaga! Sa kabilang banda naman ay masayang nakikipag kwentuhan si Eleanor sa Mommy at Daddy ng kaibigan niyang si Jacob habang sila ay naghahapunan. Masasarap ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Halatang pinaghandaan ang kanyang pagbisita. Samantalang nakikitawa rin si Jacob sa kanila at ito pa nga ang promotor ng katatawanan sa mga oras na iyon. Nagbabalik tanaw sila sa mga nangyari noong sila ay maliit pang dalawa at iyon din mismo ang dahilan ng kanilang pagtawa. Hindi niya itatanggi na masarap balikan ang mga ala-ala noon lalo na iyong panahon na crush pa niya si Jacob. Kung hindi kaya ito tatamad-tamad ay gusto niya pa rin ito hanggang ngayon? Hindi naman ito tamad sa ibang bagay, pero parang wala itong planong tumayo sa sariling mga paa at magbanat ng buto gamit ang tinapos na kurso. Kurso na ginaya lang nito sa kanya dahil hindi nito alam ang gusto sa buhay. Kaya siguro hanggang ngayon ay wala pa rin itong napapatunayan sa sarili dahil hindi nito alam ang gusto. Noong gabing iyon ay hinatid ni Jacob si Eleanor pauwi ng bahay. Ilang bahay lang naman ang pagitan ng bahay nila sa isa't-isa kaya binabagalan lang nila ang paglalakad. "Jacob hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin alam ang gusto mong gawin sa buhay?" Natigilan ang binata sa tanong ni Eleanor. "Ang totoo niyan ay alam ko na..kung ano ang gusto ko." sagot nito na agad nakapagpalingon kay Eleanor sa kanyang kaibigan. "Talaga? Ano 'yun?" puno ng kuryosidad at pananabik na tanong ng dalaga. "Hindi ko pa pwedeng s-sabihin pero.. Nagsisimula na akong maghanap ng trabaho." napakamot pa sa batok si Jacob, nakaramdam ito ng hiya sa dalagang kaibigan. Natuwa naman si Eleanor sa narinig. Sa wakas ay natauhan din ang kaibigan niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD