HINDI magawang pigilan ni Liezel ang mapahanga sa kagandahan ng bahay ni Kyle na pinagdalhan nito sa kanila sa Ayala. The house and the lawn was huge, ibang-iba sa dating maliit na inuupahang bahay ng lalaki noong nasa kolehiyo pa sila. Talagang napakalaki na ng ipinagbago ni Kyle sa loob ng mga taong nawala ito. So, ito pala ang pinagka-abalahan nito matapos siyang iwanan? Ipinilig ni Liezel ang ulo at pinilit tanggalin ang bagay na iyon sa isipan. “Ilalagay ko lang si Pao sa kuwarto,” narinig niyang wika ni Kyle. Tumango na lang si Liezel at pinagmasdan ito hanggang sa maka-akyat sa wooden staircase patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Bumuntong-hininga siya at itinuon na lamang ang pansin sa pagmamasid sa kabuuan ng bahay. The whole interior was designed like those Scandinavian ho

