NAPATIGIL si Liezel sa paggawa ng kape sa counter ng coffee shop nila sa Ortigas nang makita kung sino ang customer na lumapit. Pagkatapos ng trabaho sa opisina ay dito siya dumeretso sa café para sandaling makapag-relax bago umuwi. Si Pao ay nasa mga magulang niya na kababalik lang ng bansa at bukas pa ibabalik. Kaaalis lang ng kaibigan niyang si April na nagma-manage ng café dahil may kailangan daw itong puntahan. “Isang Americano,” nakangiting order ni Kyle sa kanya. Bumuntong-hininga siya at sinimulan nang gawin ang order nito. “Anong ginagawa mo dito?” pinilit ni Liezel na palamigin ang pakikitungo sa lalaki. “Kasama mo ba si Pao?” narinig niyang tanong ni Kyle. Umiling siya. “Nasa mga magulang ko siya,” sagot niya. Nang matapos sa ginagawang kape ay iniabot niya iyon sa lalaki. “

