Episode 6

1572 Words

NAPAHAWAK sa ulo si Liezel habang nakatingin kay Pao na nakaupo sa sahig ng lobby ng Ballada Cosmetics at walang tigil sa pag-iyak. Kanina niya pa pinapatahan ang pamangkin subalit animo’y hindi siya nito napapansin. Nasira kasi ang isa sa mga paboritong toy car na dala-dala nito nang hindi sinasadyang matapakan niya sa loob ng opisina. Sumulyap siya sa ilang mga empleyadong panaka-nakang tumitingin sa kanila at naiinis na napabuntong-hininga. Ito talaga ang mahirap kapag isinasama niya sa trabaho si Pao. Hindi niya naman nagawang ipahabilin ito sa mga magulang dahil umalis ang mga ito ng bansa dahil may kailangang bisitahin. Lumapit si Liezel sa pamangkin at lumuhod sa harap nito. “Pao, stop crying,” mahinahong saway niya dito. “Let’s go home. Mama will buy you another car.” “No!” siga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD