Episode 5

1091 Words
NAPANGITI si Liezel nang makita ang kaibigang si Raine na nasa tapat ng gate ng bahay niya isang gabi. Tumawag ang kaibigan sa kanya kanina at sinabing dadaan daw ito doon dahil may isang party itong dinaluhan hindi kalayuan sa lugar niya. Nang makatapat sa pinto ng bahay ay nilingon ni Liezel ang sa pagkakatanda niya ay bodyguard ni Raine na nanatiling nakatayo sa labas. “Hindi mo ba papapasukin ang bodyguard mo?” tanong niya sa kaibigan. Ipinaikot ni Raine ang mga mata. “I told him to stay away from me as possible,” mataray na sagot nito. “Hayaan mo siya diyan sa labas,” iyon lang at nagtuloy-tuloy na ito sa living area. Napangiti na lang si Liezel at napailing. Hindi kaila sa kanilang magkakaibigan na hindi gusto ni Raine ang ginawang pagpapasubaybay dito ng mga magulang nito sa isang bodyguard dahil sa isang pangyayaring kinasangkutan ng kaibigan noon. Sinulyapan niya ang bodyguard na kaibigan na sa pagkakatanda niya ay Riley ang pangalan. “G-Gusto mo ba ng maiinom?” nag-aalangan pa niyang tanong sa lalaki. Umiling lang ito at nagpasalamat. Tumango na lang siya at pumasok na sa loob. Riley was a handsome serious man, kitang-kita sa tikas ng pangangatawan nito na kayang-kaya talaga nitong ipagtanggol ang kahit na sino. Medyo nahihirapan lang siyang makipag-usap sa lalaki dahil parang napaka-propesyonal talaga nito at trabaho lang ang iniisip. Ika nga ni Raine ay estatuwa lang ang bodyguard nitong iyon. Nang makalapit siya kay Raine ay nakita niyang abala na ito sa pagpindot sa cell phone. Naupo siya sa tabi nito. “Kailan kaya ako makakatakas sa lalaking iyon?” naiinis na wika ng kaibigan, tinutukoy si Riley. “Bakit hindi mo subukang tumakas?” pagbibiro pa niya at sumandal sa couch. “Ilang beses ko ng ginawa iyan pero nahuhuli pa rin ako ng estatuwang iyon,” humalukipkip si Raine. “Napapaisip na tuloy ako kung may GPS bang inilagay ang lalaking iyon sa katawan ko.” Napatawa na lang siya sa tinuran ng kaibigan. Bumuntong-hininga siya at akmang magsasalita pa nang maunahan siya ni Raine. “I heard bumalik na daw ang lalaking iyon,” ani Raine, marahil ay si Kyle ang tinutukoy. “Ilang linggo lang akong naging abala, iyon kaagad ang balitang ibinungad sa akin ni April,” napailing pa ito. Bumuntong-hininga si Liezel. Sinasabi niya na nga bang mapupunta rin sa bagay na iyon ang usapan. “It’s nothing,” tangka pa niyang pag-iwas sa topic na iyon. “Nothing?” namamanghang ulit ni Raine sa sinabi niya. “It’s everything, Liezel. That man used to be everything in your life.” Liezel gritted her teeth. “He used to be,” mariing sabi niya. “Hindi na ngayon.” “Really?” may pagdududa pang tanong ng kaibigan. Tiningnan niya nang masama si Raine. Ano ba ang gustong palabasin ngayon ng kaibigan? Malakas na napatawa si Raine at ipinaikot ang mga mata. “I’m just kidding, Zel,” bawi nito. Tiningnan ng kaibigan ang nail-polished nitong mga kuko bago nagpatuloy. “So, bakit daw siya bumalik? Nakikipagbalikan sa’yo?” “No,” mabilis pa sa kidlat na sagot niya. Isinandal niya ang ulo sa headrest ng couch at mariing ipinikit ang mga mata. She felt her head aching all of a sudden, her heart twisting. “Gusto niya lang humingi ng tawad. Magpaliwanag. Iyon lang.” Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Raine. “Pinatawad mo na ba siya?” Iminulat niya ang mga mata at tumitig sa kisame. “Oo, pero hindi ko na pinakinggan ang paliwanag niya. Ayoko nang ibalik ang nakaraan,” nangilid na naman ang mga luha niya pero pinilit niyang huwag iyon pumatak. “Narinig ko kay Terrence ang ginagawa mong pagpapanggap sa harap ng Kyle na iyon,” dugtong pa ni Raine. “Sinabi mo daw na anak mo si Pao?” napailing ito. “Liezel, naman. Ano ba talagang plano mo sa buhay mo? Bakit ka gumagawa ng kasinungalingan sa harap ng lalaking iyon? Paano kung malaman niya ang totoo?” Tiningnan niya si Raine, hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luha. “Iyon lang ang paraan para palayuin siya sa akin, Raine. Iyon lang ang paraan para maipakita kong hindi na ako naaapektuhan ng presensiya niya, na hindi na ako nasasaktan.” Puno ng pagkaawa ang mga mata ng kaibigan sa nakikitang pag-iyak niya. “Hindi mo na ba siya mahal, Zel? Kaya mo siya iniiwasan?” tanong pa nito. Iniiwas niya ang tingin kay Raine. Bakit ba napakahirap para sa kanyang sagutin ang simpleng tanong na iyon? “I see,” narinig na lang niyang wika ng kaibigan. “Bakit hindi mo siya bigyan pa ng isang pagkakataon, Zel? Alam kong nasaktan ka niya pero… dapat sana ay hinayaan mo siyang magpaliwanag.” “It’s hard, Raine,” mahinang sagot niya. “Hindi ko na gustong muling lumapit sa kanya. What if… what if I fall with that man again? Natatakot ako. Natatakot akong bigyan pa siya ng pagkakataon.” Nakatitig lamang sa kanya ang kaibigan subalit hindi nagsalita. Alam niyang wala rin itong masasabi dahil hindi pa naman nito nararanasan ang lahat ng sakit na naramdaman niya dahil sa pag-ibig. “Ayoko nang bigyan pa siya ng pagkakataon na muling makalapit sa akin kung balak niya naman akong saktan at iwanan uli,” puno ng pait na pagpapatuloy ni Liezel. Iyon na ang desisyong tumatakbo sa isipan niya at wala nang makakapagpabago niyon. She needed to be distant. She needed to remain cold with that man in order to avoid getting her heart broken once more. Mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Pinunasan ni Liezel ang mga luha sa mukha. Naiinis siya sa sarili dahil palagi na lang siyang umiiyak nang dahil sa lalaking iyon. Humugot ng malalim na hininga si Raine bago inabot ang isang kamay niya. “If that’s what you want, we can’t do anything about it,” ngumiti ito. “Basta lagi mo lang tatandaan na naririto lang kaming mga kaibigan mo para damayan ka katulad noon. We want you to be happy, Zel.” Ginantihan niya ang ngiti ng kaibigan at taos-pusong nagpasalamat dito. Napaka-suwerte niya dahil may mga kaibigan at kapamilya siyang palaging nasa tabi para pagaanin ang loob niya. Hinihiling niya na sana ay mawala na ang lahat ng nararamdaman niyang sakit at paghihirap dito sa puso. Hinihiling niya na sana ay maging maayos na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD