Episode 4

3330 Words
NAPATIGIL si Liezel sa pagbabasa ng proposal na hawak para sa bagong planong produkto ng Ballada Cosmetics na pag-aari niya nang makarinig ng pagkatok sa pinto ng opisina. “Come in,” utos niya. Nginitian niya ang sekretaryang si Sarah nang pumasok ito. “Ma’am, may gusto pong kumausap sa inyo. Tinanong ko po kung may appointment sa inyo pero wala daw po.” Kumunot ang noo ni Liezel. Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kanya? Tiningnan niya ang suot na wristwatch. Mahigit isang oras na lang ay kailangan niya nang umalis para kuhanin si Pao sa bahay ng mga magulang. Doon niya pinapahabilin ang pamangkin tuwing oras ng trabaho. Muli niyang tiningnan ang sekretarya at sinabing papasukin na ang bisita. Pagkalabas ng sekretarya ay muli niyang itinuon ang pansin sa binabasang proposal. Nag-angat lang siya nang tingin nang marinig ang pagbukas muli ng pinto. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Liezel nang makita ang mukha ni Kyle. Marahas siyang napatayo mula sa pagkakaupo at puno ng talim ang mga matang tiningnan ang lalaki. “Anong ginagawa mo dito?” hindi niya napigilan ang galit sa tono niya. Marahang lumapit sa kanya si Kyle. Hindi magawang maintindihan ni Liezel ang nakikita sa mga mata ng lalaki. There was nothing but pure sadness in his dark eyes. Gusto niyang itanong kung bakit ba patuloy pa itong nagpapakita sa kanya. “P-Pasensiya ka na kung naabala kita, Zel,” mahinahong wika ni Kyle, tuluyan na itong nakalapit sa harapan ng working desk niya. Kahit gustuhin man ni Liezel na sigawan ang lalaki at palayasin ito ay hindi niya magawa. She couldn’t understand this twinge of pain in her heart at the sight of him. Iniiwas niya na lang ang tingin dito at muling bumalik sa pagkakaupo. Hindi na dapat siya nagpapakita ng galit dito dahil siguradong mapapahiya lang siya. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong pa niya. “I came here to apologize again, Zel,” tugon ni Kyle, puno ng kaseryosohan ang tinig. “S-Sana magawa mo akong mapatawad sa nagawa ko noon. A-Alam kong… imposible nang pakinggan mo ang paliwanag ko. Naiintindihan ko iyon.” Nang magawa niyang tingnan ang lalaki ay nakayuko na ito pero kitang-kita sa mukha nito ang matinding pagsisisi. Hindi niya magawang maunawaan kung bakit nais nang puso niyang alamin kung bakit siya nito iniwan. Pero patuloy lang naman sa pagkontra ang isipan niya. Bakit pa? Baka mas lalo lang siyang masaktan sa dahilan nito. Isang mahabang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila bago nagawang magsalita ni Liezel. “B-Bakit ka pa nagpakita sa akin, Kyle?” pinigilan niya ang sariling mapahikbi. “Bakit hindi ka na lang nanatiling nasa malayo?” “I-I’m so sorry, Liezel,” puno ng paghihinagpis na paghingi ng tawad ng lalaki. “P-Patawarin mo ako kung sinaktan kita ng sobra noong iwanan kita ng walang paalam. S-Sana… sana magawa mo pa akong patawarin, sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para makabawi sa lahat ng pagkakamali ko.” Puno ng kalamigan ang tinging ipinukol niya kay Kyle. “Nagkamali ka na noong una, sa tingin mo ba karapat-dapat pa kitang bigyan ng isa pang pagkakataon?” pang-uuyam na tanong niya. May dumaang sakit sa mga mata ng lalaki pero agad rin itong nag-iwas ng tingin. Tumango-tango ito at malungkot na bumuntong-hininga. “H-Hindi ko gustong s-sirain ang pamilya mo, Liezel. Alam kong ako ang nagkamali at dapat lang na tanggapin ko ang lahat ng kaparusahan sa lahat ng nagawa ko. G-Gusto ko lang talagang humingi ng tawad. G-Gusto kong ibalik ang dati nating pagkakaibigan.” Ibinaling ni Kyle ang tingin sa kanya at pinakatitigan siya. “Hindi mo alam kung gaano katagal ko nang ninais na muling makaharap ka.” Liezel’s heart went to her throat. What the hell was this man saying? Nang tingnan niya ang lalaki ay hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa kanya na para bang isa siyang napakamamahaling alahas sa harapan nito. She could see longing in Kyle’s eyes. At lahat ng alaala ng mga mata nitong nakatitig sa kanya noon ay muling bumuhos pabalik sa isipan niya. Ipinilig ni Liezel ang ulo para pigilan ang pagdaloy ng mga alaalang iyon. Ilang sandali siyang nanatiling tahimik, kinakapa ang kaibuturan ng puso. Papatawarin niya na ba ito? Gusto niyang patuloy na magalit dito subalit hindi naman kakayanin ng konsensiya niya ang bagay na iyon. Gusto niya na ring bawasan ang bigat na nasa dibdib niya. And maybe forgiveness was the best way to that. Yes, she could forgive him. Pero hindi ibig sabihin niyon ay kakalimutan niya na ang ginawa nito sa kanya noon. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago ibinalik ang tingin kay Kyle. “Alright,” bulong niya. “I’ll accept your apology.” Tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya ang lalaki, maya-maya ay may bumahid nang kasiyahan sa mga mata nito. “T-Thank you so much, Zel,” he croaked. “Pangako, gagawin ko ang lahat para—” “Hindi lang para sa iyo ang desisyon kong iyon,” putol niya dito. Hindi niya gustong marinig ang salitang pangako mula sa bibig ng lalaking ito. Sapat na ang mga pangako nito noon na hindi naman nito nagawang bigyan ng katuparan. “Para na rin mabawasan ang bigat na nasa puso ko. I want to settle everything and to have a new life,” iniiwas niya ang tingin dito. “A-A new life with my… my family.” Hinihiling ni Liezel na sana ay hindi mapansin ni Kyle ang panginginig ng tinig niya sa ginagawang pagsisinungaling. Hindi niya narinig ang pagtugon ni Kyle. Hindi niya rin magawang tumingin dito. Natatakot siya sa posibleng makita sa mukha nito. Nang sa tingin ni Liezel ay hindi na magsasalita ang lalaki ay minabuti niyang simulan nang ayusin ang mga gamit na nasa mesa. Tumingin siya sa suot na relo. Kailangan niya nang umalis at sunduin si Kyle sa bahay ng mga magulang. Kailangan niyang makita ang pamangkin para alisin ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Uuwi ka na ba?” Nagitla pa si Liezel nang marinig ang tanong na iyon ni Kyle. Tumingin siya dito at tumango. “K-Kailangan ko pang kunin si Pao kina Mama.” “G-Gusto mo bang… ihatid na kita?” tila nag-aalangan pang alok ng lalaki. Inilipat niya ang tingin sa mga folders na nasa mesa. Hindi pa rin pala talaga ito nagbabago. Noon pa man ay palagi na siya nitong inaalok na ihatid pauwi. Kung noon ay pumapayag siya, iba na ngayon. Kailangan niya nang iwasan ang lalaki hangga’t maaari. “Hindi na,” tanggi niya. “Tatawagan ko na lang ang asawa ko para sunduin ako.” Tumango na lamang si Kyle at pumihit na patalikod. Subalit ilang sandali lang ay muli itong humarap sa kanya. “Gusto ko sana siyang makilala,” seryosong wika nito. “Ang lalaking pinakasalan mo.” Natigilan siya sa sinabi nito. Nang hindi siya sumagot ay tuluyan nang nagpaalam si Kyle. Nang makalabas ito ay nanghihina niyang itinuon ang mga kamay sa working desk. Bakit ba ganoon ang ipinapakita ng lalaking iyon sa harap niya? Bakit ba pakiramdam niya ay punong-puno ng kalungkutan si Kyle tuwing mapapag-usapan ang tungkol sa kunwaring pamilya niya? Bakit ba umaakto ang lalaki na parang may halaga pa siya dito?! INIHATID ni Liezel ang pinsang si Terrence hanggang sa gate ng bahay niya nang hapon na iyon pagkatapos nitong bumisita sa kanila ni Pao. “Pakisabi kay Tita Nora na salamat sa ipinadala niyang mga putahe, pasensiya na rin kung hindi ako nakapunta sa kaarawan ni Tito Andy,” tukoy niya sa mga magulang ng pinsan. Tinatamad pang bumuntong-hininga si Terrence. “Hindi ko naman talaga dadalhin ang mga iyan kung hindi lang ako pinilit ni Mama. Naudlot tuloy ang plano naming hiking ng mga kabarkada ko,” sumimangot pa ito. Pabiro niyang hinampas ang braso ng pinsan at naiiling na napangiti. “Pagbigyan mo naman ang mga magulang mo kahit minsan. It’s your father’s special day, dapat lang na kompleto kayong pamilya.” Tumawa na lang si Terrence at akmang magpapaalam na sa kanya nang mapatingin sila sa harapan at makita ang hindi inaasahang bisita doon. Hindi maitatatwa sa mukha ni Liezel ang pagkagulat nang makita si Kyle hindi kalayuan sa kanila. Anong ginagawa ng lalaki dito?! Paano nito nalaman ang lugar na tinutuluyan niya? Nakatingin lamang si Kyle sa kanya ng ilang saglit bago ito sumulyap kay Terrence. “P-Pasensiya kung n-naabala ko kayo,” paghingi nito ng paumanhin kasabay ng pagyuko. Hindi napalampas ni Liezel ang bumahid na lungkot sa mukha ng lalaki. Tumingin si Terrence sa kanya, nagtatanong ang mga mata. Hinakot muna ni Liezel ang lahat ng lakas ng loob bago pinagkilala ang dalawa. “Terrence, siya si Kyle Reynon. Kyle, si Terrence, asawa ko.” Ginawa niya ang lahat para huwag magpakita ng kahit na anong emosyon. Hindi nag-angat ng tingin si Kyle. Bahagya lamang itong tumango. Si Terrence naman ay malawak na napangiti. “Oh, siya pala iyong lalaking ikinu-kuwento mo noon,” wika ng pinsan, hindi inaalis ang tingin kay Kyle. “It’s nice to finally meet you, pare,” inilahad pa nito ang isang kamay sa harap ni Kyle. Ilang segundo ang lumipas bago nagawang mag-angat ng tingin ni Kyle at inabot ang kamay ni Terrence. Hindi pa rin ito nagsalita. “Too bad pinakawalan mo si Liezel nang ganoon-ganoon na lang noon,” pagpapatuloy ni Terrence, may mahihimigang pang-uuyam sa tinig nito. “Terrence,” pagpapatigil niya sa pinsan at hinawakan ang braso nito. Nang muli niyang tingnan si Kyle ay nakayuko na uli ito. Hindi magawang maintindihan ni Liezel kung bakit tila nakakaramdam siya ng awa para sa lalaki. She suddenly had this urge to reach for him and hug him. Humugot siya ng malalim na hininga para pigilan ang kung anumang damdaming iyon na nag-uumalpas sa kanya. “A-Anong ginagawa mo dito, Kyle?” tanong niya makalipas ang ilang sandali. “M-May gusto sana akong pag-usapan,” mahinang sagot ng lalaki, sumulyap ito sa kanilang dalawa ni Terrence. “A-Ayos lang ba?” Liezel looked at Terrence, kunwa’y nanghihingi ng pahintulot dito. Umaasa siya na sana ay hindi pumayag ang pinsan at itaboy na lamang palayo si Kyle. Subalit nagulat si Liezel nang makita ang pagngiti ni Terrence at pagtango. “Walang problema,” wika ng pinsan at humarap kay Kyle. “May dapat rin naman akong asikasuhin kaya kailangan ko na munang umalis. Ipagpaalam mo na lang ako kay Pao,” pagkasabi niyon ay tuluyan nang nagpaalam ang pinsan. Gustong habulin ni Liezel ang lalaki at batukan ito ng malakas. Akala niya ba ay tutulungan siya nito? Bakit tila gumagawa pa ito ng paraan para magkaroon ng pagkakataon si Kyle na makalapit sa kanya? Naiinis siyang napabuntong-hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Nang muli siyang magmulat ay nasalubong niya ang guwapong mukha ni Kyle na nakatitig lamang sa kanya. Bahagya pang nailang si Liezel sa pagtitig na iyon ng lalaki kaya mabilis niyang iniiwas ang tingin. “P-Pumasok ka muna,” yaya niya dito. Nang makarating sila sa living area ay pinaupo niya muna ito sa couch. “Gusto mo ba ng maiinom?” alok pa niya. Umiling si Kyle. “Hindi na,” iginala nito ang paningin sa kabuuan ng living area. “You have a very nice place.” Ibinalik nito ang tingin sa kanya at sumulyap sa singsing na nasa daliri niya. That ring was a prop she bought for her act. “Mukhang mabuting tao rin ang… ang asawa mo. You seem very happy… w-with him.” Pinigilan ni Liezel na pansinin ang kalungkutang nasa tinig ni Kyle nang mga oras na iyon. Hindi niya dapat pinapansin ang mga bagay na wala namang halaga. Naupo siya sa couch na katapat ng kinauupuan ng lalaki. “Anong kailangan mo sa akin? At saka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” magkasunod na tanong niya. Bago pa makasagot si Kyle ay nakita na nila ang pagtakbo ni Pao mula sa kuwarto nito na may dalang laruang sasakyan. “Mama! Mama!” tawag nito sa kanya at nagpumilit na sumampa sa sofa. Napangiti si Liezel at inabot ang pamangkin para paupuin sa kandungan niya. Nang ibalik niya ang tingin kay Kyle at nasalubong niya ang mga mata ng lalaki na nakatitig lamang sa kanya. Her heart thudded in her chest at that sudden eye-contact with that man. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa lalaki at inilipat kay Pao na kumakanta na ng alphabet song. Gusto niyang pagalitan ang puso dahil hindi pa rin iyon natitigil sa malakas na pagkabog. “He looks like you,” narinig niyang wika ni Kyle, tinutukoy si Pao. “Ilang taon na siya?” “Three,” sagot niya at hinayaang makababa si Pao nang magpumilit ito. “He’s turning four next month.” Pinagmasdan niya lang ang pamangkin nang tumakbo ito patungo kay Kyle at ipinakita ang hawak nitong toy car sa lalaki. “C for car!” pagmamalaki ng pamangkin. Ngumiti si Kyle at marahang ginulo ang buhok ni Pao. Nagpakarga dito ang pamangkin at hindi naman iyon tinanggihan ng lalaki. Liezel was stunned at the sight of that smile from Kyle. Napakatagal na panahon siyang nangulila sa ngiting iyon ng lalaki. At hindi niya napigilan ang pangingilid ng mga luha dulot ng alaala ng mga panahong magkasama pa silang dalawa noon. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito. She missed him, right. Pero hindi niya gustong malaman iyon ng lalaki. Kyle was the only man she loved with all her heart. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang bagay na iyon. Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtawa ni Pao. Muli niyang tiningnan ang mga ito at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa nakikitang saya sa mukha ng dalawang lalaki. Pero hindi iyon tama. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon. “Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko,” wika niya, pilit ibinabalik ang malamig na pakikitungo dito. Tumingin sa kanya si Kyle at hinayaan na rin makababa si Pao para magtatakbo sa living area. “Itinanong ko sa kaibigan mong si April ang address ng bahay mo minsang dumaan uli ako sa café na pag-aari niyo. Huwag ka sanang magalit sa kanya patungkol sa bagay na iyon.” Napabuntong-hininga si Liezel. Hindi niya alam na nagkita na pala ito at ang kaibigan niyang si April. Kaya pala napapansin niyang madalas na nababanggit sa kanya ng kaibigan ang lalaking ito noong minsang magkita sila sa coffee shop. “Anong kailangan mo sa akin? Hindi ba at nagkaayos na tayo noon? Bakit ka pa ba patuloy na nagpapakita sa akin?” sunod-sunod na tanong niya. Ilang sandaling natahimik si Kyle. “H-Hindi mo na ba talaga ako gustong makita, Zel?” there was pain in his voice now. Labis siyang natigilan sa tanong na iyon ng lalaki. Siya naman ang napayuko. Hindi niya na ba talaga ito gustong makita? Gustong sumang-ayon ng isipan niya subalit patuloy naman sa pagkontra ang puso niya. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy si Kyle. “I’m here for business.” Tiningnan ni Liezel ang lalaki. Business? Pumormal na ang anyo ni Kyle. “I heard about the Ballada Cosmetics na pag-aari mo,” pagpapatuloy nito. “At gusto ko sanang maglagay ng branch niyon sa mall na ipinapatayo ko dito sa bansa.” Mall? Napaismid si Liezel. Hindi niya alam na napakalaki na pala ang ini-unlad ni Kyle sa buhay sa loob ng mga taong nawala ito. Iyon ba ang dahilan kaya ito bumalik? Upang ipakita sa kanya ang lahat ng nakamit nito? “Mukhang napakalaki na talaga ng ipinagbago mo, Kyle,” sa wakas ay nasabi niya. “Well, I’m happy for your success,” pinilit niya pa ang sariling ngumiti. “Zel, it’s not—” “Walang problema sa akin ang mag-branch out ng isa pang store para diyan sa ipinapatayo mong mall,” putol niya sa nais sabihin ng lalaki. “Dapat sinabi mo na lang iyan sa sekretarya ko para hindi ka na nag-aksaya ng panahong magpunta dito,” tumayo na siya. “Pasensiya ka na kung hindi na kita mae-entertain, kailangan ko pang pumunta sa bahay ng mga magulang ko para bisitahin sila.” Napayuko si Kyle at malungkot na tumango. Napatingin pa ito kay Pao na lumapit dito at hinawakan ang kamay ng lalaki. Marahang ginulo ni Kyle ang buhok ng pamangkin. “I need to go, little boy,” paalam nito sa bata. Pinigilan ni Liezel ang mapaluha habang nakatingin sa mga ito. Nang humakbang na paalis si Kyle ay hindi niya napigilan ang muling magsalita. "Where have you been all those years, Kyle? Where have you been hiding since you left me?" Huli na para bawiin niya ang mga tanong na iyon. Hindi maunawaan ni Liezel kung bakit niya pa itinanong iyon. Siguro dahil may parte sa puso niya ang gustong malaman kung nasaan ito ng mga panahon na iyon at kung ano ba talaga ang ginawa nito. Lumingon sa kanya si Kyle, mababanaag sa mga mata nito ang matinding kalungkutan. “I never wanted to leave you, Zel. Believe me, I never wanted to hurt you,” ipinikit nito ang mga mata. Pero hindi napalampas ni Liezel ang mga luhang dumaloy sa mukha ng lalaki. Ramdam na ramdam ni Liezel ang paninikip ng dibdib sa nakikita. Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito para itago ang sakit at awang nararamdaman. Why was that man crying? And what the hell was he saying? “Nagkamali ako,” narinig niyang pagpapatuloy ni Kyle. “At alam kong hindi ko na mababago ang pagkakamaling iyon. Hindi ko na maitatama ang lahat dahil huli na ako.” Sinubukan niyang muling tingnan ang lalaki at nakitang nakatingin na ito kay Pao na naglalaro na ng toy car nito sa sahig. May malungkot na ngiting sumilay sa mga labi nito bago muling ibinaling ang tingin sa kanya. “I guess you’ve already found your happiness…” he took a deep breath. “And that’s not me anymore.” Hindi maintindihan ni Liezel kung bakit parang may tumutusok na tinik sa puso niya dahil sa lahat ng sinabi ng lalaki. Ito ang gusto niya, hindi ba? Pero bakit parang gusto niya nang ipagtapat kay Kyle ang katotohanan – na hindi niya anak si Pao at wala pa talaga siyang sariling pamilya. She bowed her head to avoid looking at Kyle. No. Hindi puwede. Hindi niya na gustong masaktan pang muli ng lalaking ito. Tama na ang ipinadanas nitong sakit at paghihirap sa kanya noon, sinasadya man nito o hindi. “Sa Chicago ako nanatili sa loob ng mahigit anim na taon,” maya-maya ay sagot ni Kyle sa tanong niya. “Noong maka-graduate tayo ng college ay n-nagpunta ako doon kasama ang tiyuhin kong doon na naninirahan. I started working there and taking other classes, hanggang sa… hanggang sa nakuha ko na nga ang lahat ng mayroon ako ngayon.” Tumango-tango siya. So, iyon ang dahilan kaya siya nito iniwan noon. Mas pinili nito ang paunlarin ang sariling buhay. Kahit nasasaktan pa ay pinili na lamang ni Liezel na huwag nang palawakin ang usapang iyon. “I understand,” pagtatapos niya. Kahit parang may nais pang sabihin si Kyle ay minabuti na rin nitong magpaalam. Hindi na inihatid ni Liezel palabas ang lalaki at nanatili na lang na nakatanaw sa dinaanan nito. Natutop niya ang sariling bibig at hindi na napigilan ang mapahikbi. Bakit sobrang sakit? Bakit sobrang sakit pa rin ang nararamdaman niya sa puso niya ng mga oras na iyon? Bakit ba hindi niya na lang kalimutan ang lalaking iyon para matigil na rin ang walang-humpay na paghihirap na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD