SUPER CHAPTER 01

1688 Words
BEBE’S POV “HELLO po… `Andito po ako ngayon sa SM Calamba. SM C… SM Cal… Mag-isa lang po ako dito. So saaad—“ “Ano’ng mag-isa ka lang, eh, `andito kaya akow! Ang laki-laki ko tapos hindi mo ako kasama? Pabebe ka talaga always, Bebe!” Naiinis na sumimangot ako nang sumingit ang bestfriend kong si Majamba Onor sa pagvi-video ko sa aking sarili. Isa siyang baklang may double chin at ginagawang sleeping area ang kusina nila. Opo, mataba si Majamba, obvious naman sa name niya, `di ba? Maitim din ang batok, siko, tuhod at kili-kili niya na parang may namumuong tropical storm. Pero kahit gano’n siya, malakas pa rin ang fighting spirit niya na magsuot ng mini-skirts at damit na spaghetti straps. Ako naman, siyempre pretty and cute ako. Tapos mestisa kahit hindi ako mayaman. Palagi kasi ako dito sa mall para maki-aircon kaya pumuputi ako. Kamukha ko daw si Alex Gonzaga. Pretty ko talaga, `di ba? Pero, marami ang nagsasabi na pabebe daw ako at masyadong pa-cute. Eh, sa ganito talaga ang boses ko, medyo maliit at cute. Bad nila sa akin. So sad… I just flip my hair na lang kapag may nagsasabi sa akin ng gano’n. Maybe, inggit lang sila kasi nga pretty ako, `di ba? Ganoon naman talaga ang ibang tao, if you’re pretty. Balik tayo sa eksena namin ng kaibigan kong baboy na si Majamba. Anyways, nasa food court kami at may hinihintay na tao. Business partner kasi kami ng friend kong si Majamba sa pagbebenta ng whitening soap online. At kami pa talaga ang gumagawa ng sabon namin at very effective ito. Naiinis talaga ako sa kanya kasi nagvi-video nga ako ng self ko para i-upload sa f******k ko later. “Bakit ka naman sumingit, Majamba? Nagvi-video kaya ako. Kunwari, sad ako kasi alone ako dito sa mall. Para maawa sa akin ang followers ko and makikisimpatya sila sa akin.” Kinuha ko na ang cellphone ko at ki-nancel ang recording ng video. Ibinalik ko na iyon sa shoulder bag ko na may malapad na mukha ni Hello Kitty. Pink. Luminga-linga si Majamba. “Mag-isa? Sa tingin mo may maniniwala sa’yo na mag-isa ka dito sa mall? Ang daming tao, o!” At normal na pagsasalita na rin niya ang akala mo ay high blood siya. Ang taas-taas ng tono niya. “High blood ka naman lagi, Majamba!” sabay irap ko. “Paanong hindi ako maha-high blood?! Bukod sa pabebe ka diyan ay dalawang oras na tayo dito sa mall, wala pa `yong pesteng ka-meet natin na bibili ng sabown!!” Kinuha nito ang tissue na nasa ibabaw ng table upang punasan ang tumatagaktak nitong pawis sa mukha. Pawisin talaga siya dahil siguro maraming fats ang kumakawala sa katawan niya. Para siyang lechong baboy na nagmamantika lagi. Kaderder to the highest level lang! “Ako ba ang tinatawag mong peste? Ehem, ehem!” Parehas kaming natigilan ni Majamba nang may magsalita sa likuran namin. Sabay kaming lumingon at doon ay nakita naminang isang santo este tao. Sorry po pero sa unang tingin ay mapagkakamalan siyang santo talaga. Maitim kasi ang skin niya tapos gold pa ang color ng hair na kulot-kulot na hanggang shoulder niya. Imagine that. Hindi ko tuloy mapigilan na tumayo at lapitan siya sabay labas ng panyo ko at ipinunas iyon sa katawan ng taong iyon. “Naku! Ang Itim na Nazareno, nabuhay! This is miracle!” Mangiyak-ngiyak kong sabi. After kong ipunas ang panyo sa katawan nito ay idinampi-dampi ko naman iyon sa aking pretty and cute face. Sumunod na rin sa akin si Majamba. Face towel naman ang ipinunas niya sa taong santo. “Paghimalaan niyo po kami, poon! Paghimalaan niyo kami! Sana makadami kami ng benta ng whitening soap!” Pang-award naman si Majamba. OA much. “Anooo baaa?!” Naiinis na sigaw ng taong santo. “Hindi ako ang Nazareno! Ako si Blackie Lou!” Para kaming binuhusan ni Majamba ng malamig na tubig. Ow Em Gee! Si Miss Blackie Lou! Ang ka-meet namin na bibili ng whitening soap sa amin. Ano ba itong nagawa namin? Ten boxes pa naman ng whitening soap ang bibilhin niya tapos ganito ang ginawa namin sa kanya. Nakuuu… baka hindi na siya bumili sa amin. “Naku, sorry po! Kayo po pala si Miss Blackie Lou,” nag-sorry agad ako. “Upo po kayo. Dito po…” At inalalayan ko siya sa upuan namin. Nang makaupo na siya ay saka namin siya hinarap ni Majamba. Mas lalong pinapawisan si Majamba dahil alam kong kinakabahan siya. May possibility kasi na i-cancel ni Miss Blackie Lou ang order niya dahil sa ginawa namin. No one can blame us kasi, mukha naman kasi talagang poon ang girl na ito. Para siyang nasunog na kahoy tapos naging tao. `Yong hair pa niya, parang buhok ng mais ang kulay. At ang coat niya na parang nasa Korea siya ay kulay maroon pa with a touch of yellow sa gilid-dilid. Kulang na lang talaga ay bulaklak at pwede na siyang dasalan. “I expected so much on you pero ang ginawa niyo ay very unprofessional! Client niyo ako pero ginawa niyo akong katatawanan. Pero dahil isa akong mabait na tao, pagbibigyan ko kayo. I-sales talk niyo sa akin ang sabon niyo na PUKI Whitening Soap or PUputi KIkinis Whitening Soap!” mataray na pahayag ni Miss Blackie Lou na favorite dessert yata ang charcoal. Nagkatinginan kami ni Majamba at nagngitian. “Sabi ko sa’yo, mabait talaga ang poon…” bulong ko kay Majamba. “Ano `yooon? Narinig ko iyon, ha! Kayo ba ay hindi titigil sa pang-aalipusta sa akin?” “Ah, sorry po, Miss Blackie Lou. Start na po tayo…” “Better! At kapag nagustuhan ko ang PUKI Whitening Soap niyo, kayo na ang kukunin kong supplier sa store ko ng beauty products.” “May store po kayo ng beauty products? Hindi po halata—“ Sinipa ko ang paa ni Majamba sa ilalim ng table. Minsan talaga walang preno ang bibig niya. Well, ako na rin… Kaya nga best of friends kami niyan, eh. Magkaparehas kaming mahilig manglait. Tatlong sunod na pumalakpak si Miss Blackie Lou. “Enough, enough, enough! Simulan niyo na!” At nag-start na nga kami ni Majamba ng pagbibida sa whitening soap namin. Mula sa dala kong eco bag na may laman na PUKI Whitening Soap ay inilabas ko ang sample ng product namin. “Look at the packaging, Miss Blackie Lou ng soap namin. Very elegant and classy.” Binuksan ko ang lalagyan namin ng sabon na lalagyan naman talaga ng Safeguard pero binalutan lang namin ng gold na colored paper para magmukhang sosyal. Kinuha ko ang sabon sa loob at ibinigay kay Miss Blackie Lou. Inamoy-amoy niya iyon at mukha naman siyang nabanguhan dahil panay ang tango niya. Binida naman ni Majamba ang ingredients ng soap namin na effective naman talaga for whitening ng skin. Halos thirty minutes din kaming nag-demo sa kanya before kami natapos. “Hindi ako bibili…” nakataas ang kilay na sabi ni Miss Blackie Lou. At parang wala talaga siyang gana. “Anooo?!” sabay kaming napanganga ni Majamba. “Ang sabi ko hindi ako bibili.” “Gusto niyo, suntukan na lang tayo, Miss Blackie Lou?! Pinag-demo niyo kami dito ng kalahating oras tapos hindi ka bibili?! Hayop ka!” Naghihiterikal na naman si Majamba. “Paano ako bibili ng sabon niyo, eh, hindi nga nito nagawang mapaputi ang tuhod, siko at batok mo!” Muntik na akong matawa sa sinabing iyon ni Miss Blackie Lou kay Majamba. “Sinayang niyo lang ang oras ko. Dapat pala ay sa Royale dealer na lang ako bumili!” At umalis na ito. “Hoy, sunog na anito! Kahit ilang kilo ng whitening soap ang kainin mo, hindi ka na puputi dahil hanggang buto `yang kaitiman mo! Maitim ang gilagid!!!” pahabol na lait ni Majamba. Hinimas-himas ko ang double chin niya para pakalmahin siya. “Stop na, Majamba. Baka ma-high blood ka na talaga. Sa susunod, ha, hindi na kita isasama. May hatid yatang bad luck ang tuhod, batok at siko mo, eh…” At iyon na nga, nganga kaming umuwi ni Majamba. Walang benta. So sad… “MANO po, mommy…” Iniiwas ng Mommy Chanda ko ang kamay niya nang kukunin ko na iyon para mag-mano. Nakasalampak siya sa sahig habang binibilang ang basahan na ibebenta niya later. Yes, akala niyo siguro rich kid ako, ano? No, no. Sa Baranggay Taktak kami nakatira at isa itong squatter’s area. May mga bungangera, tsismosa at lasenggo na nagkalat sa lugar namin. Dito rin nakatira ang family ni Majamba. Medyo malayo nga lang ang house nila. “Ano? May nabenta ka bang sabon, Bebe?” malamig nag boses niya. Ganyan talaga si Mommy Chanda sa akin. Ako kasi ang may gawa kung bakit mahirap na kami ngayon. Noong six years old kasi ako, mayaman kami. I mean, hindi naman sobrang yaman. Basta, I remember na malaki ang bahay namin tapos may gate ang bahay namin kaya mayaman kahit slight. And then, nahuli ko si Mommy Chanda na kahalikan ang hardinero namin sa garahe. Isinumbong ko siya kay Daddy at sa sobrang galit ni Daddy, pinalayas si Mommy at isinama ako. Dito na kami napadpad sa Baranggay Taktak. Twelve years na rin kami dito na nakatira at dito na rin ako nag-debut last last month lang. “Wala po, mommy… Pero bukas may ka-meet ulit kami ni Majam—“ “Pwede bang tigilan mo na `yang pagbebenta niyo ng sabon, Bebe? Tatlong buwan na kayo sa negosyong `yan pero hindi pa rin bumabalik ang puhunan niyo. Sinayang mo lang ang ipon mo sa walang kwentang negosyong `yan. Tulungan mo na lang ako sa pagbebenta ng basahan, matutuwa pa ako sa’yo!” I guess not… Kahit naman ano ang gawin ko ay hindi natutuwa si Mommy Chanda. Galit pa rin siya sa akin until today. Haay… so sad…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD