SUPER CHAPTER 02

960 Words
BEBE’S POV “HI, Bebe! Saan punta mo?” Umirap ako nang humarang sa daraanan ko si Jiro Palicpic. Well, siya lang naman ang tambay na one and only na suitor ko. Cute sana siya. Matangkad at maputi. Aba, maraming tisoy yata dito sa lugar namin kahit na walang rich here. Pero, super imbyerna talaga ako kay Jiro. As in sobra. I don’t like kasi sa mga tambay like him. What if maging boyfriend ko siya? Paano niya maibibigay ang needs ko like load para makapag-internet ako. Mahilig kasi akong mag-upload ng selfie videos ko sa f******k. Parang blog ko na nga siya, eh. I can’t imagine na magiging boyfriend kong ito si Jiro. Medyo payatot pa. Gusto ko `yong medyo macho. Ayiiieee!!! Kilig much! “Sorry, Jiro, pero kailangan mo pa bang malaman kung saan ako pupunta?” “Ah, hindi naman, Bebe. Baka pwedeng sumama.” Kukuya-kuyakoy pa talaga ang dalawang braso niya. Of all the boys naman, siya lang talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob to court me. Siguro, naiilang ang mga boys dito sa amin kasi I am super pretty! Hindi ko naman sila masisisi, `di ba? Umiling ako. “Nakakatakot ka, Jiro. What if, may gawin kang bad sa akin kung isama kita.” “Judgemental mo naman, Bebe. Parang hindi naman tayo sabay lumaki. Nag-aalala rin ako sa’yo kasi gabi na. Mag-isa ka pa.” “Don’t mind me, kaya ko ang self ko. Bye, Jiro!” “Pero—“ “Bye!” putol ko sa sasabihin niya at naglakad na ako palayo sa kanya. Gosh! Ilang beses ko na kaya siyang binasted pero go pa rin siya sa panliligaw niya sa akin. Ganoon na nga siguro ako ka-pretty at hindi niya kayang sumuko. Kahit ano naman ang gawin niya, never niya akong magiging girlfriend. Ayun na nga, papunta ako ngayon kina Majamba. Kakausapin ko kasi ang kaibigan kong iyon about sa business namin. I just thought kasi na may point naman si Mommy Chanda, three months na ang business namin pero wala pa ring nangyayari. Puro palabas ang pera namin, wala pa kaming nababawi. Sasabihin ko kay Majamba na mag-change na lang kami ng business. O kung hindi man kami maka-isip, ipu-push ko na lang ang dream kong maging artista tutal pretty naman ako. Hihi… Ang dami namang dogs sa eskinita papunta kina Majamba. So afraid na ako… Huhu… “Hoy, Bebe! Saan ang punta?” bati sa akin ni Majamba. Nagkasalubong kami. Mabuti na lang at hindi ko na kailangang maglakad ng malayo at makidigma sa mga asong may rabies para lang makapunta sa house nila. “We need to talk, Majamba. Papunta na sana ako sa inyo,” sabi ko sa kanya. “Ikaw, sa’n ang punta mo?” “Sa tindahan, may bibilhin ako.” “Malamang, may bibilhin ka doon. Tindahan nga, `di ba?” “Bakit pwede namang umutang o magnakaw, ah!” Okey. Nakalusot si Majamba sa pambabara ko sa kanya. “Ano ba kasing bibilhin mo? Pwede bukas na lang para makapag-usap na tayo now?” Mariin na umiling si Majamba. Hindi ko alam kung paano siya nakakailing, eh, wala naman siyang leeg. Natabunan na ng taba. “No way! Bibili ako ng oatmeal for my dinner!” ngingit-ngiting sagot niya. “Wow! Diet?” “Yes!” Pero duda pa rin ako diet-diet na iyan ni Majamba. “Sure? Oatmeal lang?” “Oatmeal pero may ulam.” “Anong ulam?” “Half kilo of rice!” “What?” “Alam mo, pinapakialaman mo pa diet ko! Samahan mo na lang akong bumili tapos sa bahay na tayo mag-usap!” Hinila na ako ni Majamba papunta sa tindahan. OMG! Mapipilitan pa pala talaga akong pumunta sa kanila. Well, wala naman akong choice, `di ba? So sad… “BEBE and Majamba’s Lugawan!” Humagikhik ako sabay padyak. “Wow, ha! Ang unique naman ng name ng negosyo natin!” sarcastic na sabi sa akin ni Majamba at talagang tumalsik-talsik mula sa mouth niya ang tiny bits of rice na kinakain niya. So takaw talaga ng friend kong ito. Biruin niyo, ginawang toppings sa oatmeal ang kanina. Ikina-healthy niya talaga iyon, `no? “You know, Majamba, iyon na ang best name para sa lugawan natin na itatayo natin malapit sa may terminal ng jeep. It’s awesome and lovely. Don’t ya think?” “At kailan ka pa nagsimulang mag-e-English? Nakuuu… lalo kang masasabihan ng pabebe diyan, eh!” “Pabebe na kung pabebe wala akong pake! Hayaan mo na nga lang ako. Sometimes lang naman ito. Just support, okey?” “Sometimes, sometimes… Bahala ka na nga. Basta, ituloy na natin `yong lugawan!” Lumamon ulit si Majamba. Yes. Lamon talaga ang word kasi ang gamit niya sa pagkain ay iyong sandok talaga. So piggy-piggy niya talaga pero kahit ganiyan siya, friend ko pa rin siya. Sa dami ba naman ng pinagdaanan naming dalawa, eh. Bata pa lang kami ay magkasama na kami niyang baboy na iyan. “Tuloy na tuloy na iyon, Majamba. May money pa naman tayo for that. Sandali nga…” sabi ko sabay labas ng cellphone. Kailangan kong mag-selfie… Click… Pose. Click! Pout ng lips. Click! So happy-pose. Click! In-open ko ang f******k ko at in-upload ang photos ko at nilagyan ng caption… So happy! New business, new life! Ipagdasal niyo po mga dear followers na mag-boom ang business namin ng friend ko. One like, one prayer… Upload! Super excited na talaga ako sa lugawan business namin na ito ni Majamba. I can feel it, magiging matagumpay ito. Positive vibes lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD