SUPER CHAPTER 03

1141 Words
JIRO’S POV MINASDAN ko ang singsing na nakasabit sa aking leeg. Isang singsing na ginawa kong pendant sa kulay itim na tali. Halos isang taon na pala simula nang malaman ko ang nagagawa ng singsing na iyon at isang taon na rin ang nakakalipas simula nang malaman ko ang tunay kong pagkatao. Habang naghihingalo ang nanay ko na si Nanay Jina ay ikwenento niya sa akin lahat. Nagkaroon kasi siya ng cancer sa buto na lumala na dahil wala kaming pampagamot. Ang sabi niya ay hindi kami normal na mga tao. Kami daw ay mula sa planeta na kung tawagin ay Super Planet at si Nanay Jina ay reyna doon. Kaya naman isa akong prinsepe. Astig, `di ba? Kaya daw kami napunta dito ay dahil sa kapatid niyang bakla na si Super Duper. Sakim ito at ganid kaya naman tinangka nitong kunin ang makapangyarihang singsing na simbolo ng pagiging pinakamataas na nilalang sa Super Planet—ang Super Ring. Iyon ay ang singsing na nakasabit sa aking leeg. Pero hindi pumayag si Nanay Jina na makuha iyon ni Super Duper… Tumakas siya gamit ang isang spaceship ngunit sinundan siya ni Super Duper. Buntis na siya noon at ako ang nasa sinapupunan niya. Nagkaroon ng aksidente, nagkabanggaan ang kani-kanilang mga spaceship at bumagsak siya dito sa Earth. Dito ay ipinanganak niya ako at namuhay gaya ng mga normal na mga tao. Nagkaroon siya ng asawa… Si Tito Ador na si Nanay Jina lang ang tinanggap. Mainit ang dugo no’n sa akin porket hindi niya ako tunay na anak. Ibinigay niya sa akin ang Super Ring at sinabi niya na kapag isinuot ko iyon sa aking daliri at sumigaw ng “Super Jiro!” ay magbabago ang aking anyo. Magkakaroon ako ng napakalakas na kapangyarihan. Astig! parang superhero lang. Pero kahit minsan ay hindi ko pa nasusubukang gawin iyon. Isa pa sa napapansin ko ngayong bente anyos na ako ay parang lumalakas ang pandinig ko. Nakakarinig ako kahit milya-milya ang layo pero puro paghingi ng saklolo ang nakukuha ng tenga ko. Bago malagutan ng hininga si Nanay Jina ay ibinilin niya sa akin na `wag na `wag kong hahayaan na makuha ng iba ang Super Ring lalong-lalo na ng kapatid niyang si Super Duper. Nararamdaman niya kasi na nasa Earth din ito kaya dapat daw ay mag-ingat ako… “Hoy!” Isang malakas na batok mula sa likuran ko ang pumutol sa aking pagmumuni-muni. Paglingon ko ay nakita ko doon si Tito Ador at nakangisi. “Tito Ador!” “Ano? Nakatunganga ka na naman? Ikaw muna ang pumasada nitong pedicab! Wala ka namang ginagawa kundi tumambay nang tumambay! Isang taon nang wala ang nanay mo pero hindi ka pa rin maghanap ng trabaho. Nasasanay ka na, ha!” bulyaw niya sa akin. Nang mga oras na iyon ay nakapila ako habang sakay ng pedicab ni Tito Ador. Tama siya, ako muna ang magpapasada nito. “Kung hinayaan niyo sana akong makatapos ng high school, makakahanap sana ako ng trabaho kahit papaano…” sagot ko. “Aba at sumasagot ka na! Sige na! Sipagan mo para makadami ka.” At umalis na ito. Napailing na lang ako. Ganoon talaga si Tito Ador pero sanay na ako. Tanggap ko naman na hindi na niya ako ituturing na anak. Baog yata iyon dahil hindi naman niya nagawang mabuntis si nanay. Hehe… Ganito lang ang buhay ko. Tatambay tapos minsan magpapasada ng pedicab. May mga kabarkada din naman pero sa inuman lang… Wala akong bestfriend na matatawag. Pero… siyempre, may inspirasyon din ako sa buhay. Si Ivy Marie Dimaculangan o Bebe. Madami ang nagsasabi na maarte si Bebe at pabebe masyado pero wala akong pakialam. Eh, sa kanya tumibok ang puso ko, eh. Ewan ko ba pero napakaganda niya kasi talaga. Kahit na hindi ko siya mapormahan kasi palagi niya akong sinusungitan. Minsan nga, inaasar ko na lang siya para kausapin niya lang ako, eh. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking shorts at kinuha iyon. Mabuti na lang talaga at may load ako ngayon. Makakapagbukas ako ng f******k at makikita ko na naman ang account ni Bebe… Naka-bookmark na ang account niya sa browser ng phone ko kaya naman nakita ko agad iyon. Maya maya nga ay nagsawa na ang mata ko sa selfies niya. Ang ganda-ganda talaga ni Bebe! Wow! Nagtatayo pala sila ni Majamba ng lugawan sa may terminal ng jeep. Ayos! May bago na naman akong tatambayan nito. Hehe… May selfie kasi sila ni Majamba tapos ang background ay ang ginagawa nilang malaiit na lugawan. Siyempre, ni-like ko ang picture na iyon. Nag-log out ako at ang sunod na ginawa ko ay in-open ko pa ang sampung dummy accounts ko para i-like din ang picture na iyon ni Bebe. BEBE’S POV “LOOK, Majamba, matatapos na natin itong lugawan natin. Kahit pala, girl tayo ay kaya nating magpukpok here and there. Girl power!” “Magpasalamat ka kay mayor at pinayagan tayo na magtayo dito ng lugawa ng libre!” ani Majamba na tagaktak na ang pawis sa mukha. Para siyang baboy na bagong ligo sa hitsura niya. Nagpapahinga na muna kami ni Majamba. Very happy na tiningnan ko ang ginagawa naming lugawan. Skeleton pa lang iyon pero ang sarap na agad sa feeling. I wish talaga na mag-boom ito para naman matuwa na sa akin si Mommy Chanda ko. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Ay, notifications pala ng f******k. “Majamba, look… Eleven na agad ang likes ng selfie nating dalawa na kalahati lang ng mukha mo ang kasama kasi hindi kasya ang malapad mong mukha sa picture! I am so famouse talaga sa oonline world!” pagmamalaki ko kay Majamba. “At talagang may kasama pang panlalait talaga?” “Sorry naman po…” nakalabi kong sabi habang tinitingnan ang iba ko pang notifications. Isa kasi ito sa hapiness ko… Ang magkaroon ng maraming likes ang posts ko sa f******k! Wait nga po. Parang gusto kong magselfie while nagpapahinga kami nitong si Majamba… In-open ko ang camera ng phone ko sabay stretch ng aking arms para makakuha ng selfie. Nag-pout ako ng labi. Pero hindi pa ako nakakapag-picture nang may biglang humablot ng cellphone ko. Shemay! Na-snatch ang cellphone ko! “Magnanakaaaaw!!!” malaaks kong sigaw. Pero wala man lang nag-abala na habulin nag walanghiyang snatcher. Palayo na siya nang palayo. No! Ang cellphone ko! Biglang hinabol ni Majamba iyong magnanakaw pero maya maya ay bumalik din agad at nagreklamo na hinihingal daw agad siya.Doon na ako nag-umpisang sumigaw ng: “Heeelp!!! Help!!! Saklolo! Ang phone kooo!!!” At ganoon na lang ang gulat ko nang mula sa kalangitan ay bumagsak ang isang lalaki na tanging green na boxer shorts, green na boots at pulang kapa ang suot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD