BEBE’S POV
NAGLALAKAD na ako pauwi mula sa lugawan. Ten na rin yata ng gabi. Grabe, so scared naman maglakad mag-isa. Wala na akong kasabay kasi nakauwi na si Majamba kanina pa. Umuwi siya ng maaga kasi masakit ang ngipin. Ginawa ba namang toppings sa lugaw ang candies!
Ewan ko ba sa kaibigan kong iyon.
Kung anu-ano na lang ang iniisip na gawin sa pagkain.
Pero, kainis pa rin kasi natatakot ako. Sana biglang dumating si Super Jiro tapos siya na ang maghatid sa akin sa bahay. Hihi…
“Ay, si Bebeng Pabebe, oh!”
Narinig ko ang pang-aasar na iyon ng grupo ng tatlong babae na nakatambay sa isang bukas na sari-sari store. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.
Madadaanan ko pa lamang ang sari-sari store kaya nakita ko kung sinu-sino ang mga babaeng iyon. Ang mga chaka na sina Badet, Heidi at Sonia—mga kasabayan ko sila na lumaki dito sa Brgy. Taktak at noon pa man ay alam ko na mainit na ang dugo nila sa akin.
Mga inggitera kasi sila. Maganda kasi ako tapos sila ay mga chaka!
Inirapan ko na lang sila.
Dedma na lang. Dedma.
“Bebeng Pabebe! Famewhore! Feeling sikat sa f*******:, mga Arabo naman ang likers! Hahaha!” kutya pa nila sa akin.
Gusto ko sanang ipasok na lang sa isa kong tenga sabay labas sa kabila ang sinabi nila pero hindi ko nagawa. I am so tired galing sa business namin ni Majamba, tapos ganito pa ang mangyayari sa’yo sa daan pauwi?
Ay, hindi talaga ako matutuwa!
Nag-iinit talaga ang ulo ko ngayon.
Pabebe Warrior mode on!
Bwaaaa!!!
Nanggagalaiti na hinarap ko silang tatlo. “Ako ba ang pinariringgan niyo, ha?!” gigil na tanong ko sa kanila.
Tumayo si Badet. “Eh, sino pa ba ang nag-iisang pabebe dito sa Brgy. Taktak, ha? Sino ba ang mahilig mag-upload sa f*******: ng pabebe videos? `Di ba, ikaw lang?”
At nagtawanan sila na akala mo ay malalanding pato.
Nag-pout ako at tiningnan sila ng masama.
“Ay, nagagalit na si Bebeng Pabebe! Kakain na `yan ng mamon!” Kitang-kita ko ang mga bulok na ngipin ni Sonia nang magsalita siya.
Bakit kaya hindi niya muna ipa-dentista ang ngipin niya bago niya ako asarin? Ito namang si Badet, bata-bata pa, kung makapag-make up ay wagas. At si Heidi, hindi yata kilala ang suklay. Eh, mas pabebe pa nga yata ang mga ito compare sa akin. Hindi nila nakikita ang sarili nila. Hmp!
“Alam niyo, wala kayong pake kung pabebe man ako? At hindi niyo ako mapipigilan na magpabebe! Bakit inggit ba kayo, ha?! Diyan na nga kayo! Hmp!” sabi ko sa kanila.
Marami pa silang sinabi na kung anu-ano pero hindi na ako sumagot. Nakairap na nilayasan ko na lang sila dahil kung makikipag-tarayan pa ako sa kanila ay baka mabawasan pa ang ganda ko. Chos!
Haay… Lakad na lang ulit pauwi.
Iisipin ko na lang kung paano namin mapapalago ni Majamba ang aming lugawan. Para kapag bumongga `yon ay matutuwa na sa akin si mommy. Hindi na failure ang tingin niya sa akin.
Papaliko na sana ako sa eskinita nang mula sa itaas ay bumagsak ang isang nilalang. At ganoon na lang ang pagkabigla ko nang malaman kong si Super Jiro pala `yon. Nakangiti siya sa akin at napalunok ako nang makita ko ang kanyang mamaskels na katawan!
Grabehan na talaga this!
Sa lahat ng superhero, siya lang yata ang kinulang sa tela.
Boxer shorts lang talaga?
“S-super Jiro!” bulalas ko.
“Magandang gabi, Bebe!”
OMG! Baka super haggard na ako. Nekekeheye nemen!
Dahil ayokong maging chaka ako sa paningin ni Super Jiro ay mabilis kong hinanap sa aking shoulder bag ang make up kit ko.
Nang makuha ko iyon ay tumalikod ako sa kanya for a while. Powder-powder din pag may time. Lipstick ang blush on. `Ayan, pretty na ulit ako. After maglagay ng light make up ay saka ako humarap sa kanya.
“Hi, Super Jiro. How are you naman?” kunwari ay nahihiya kong hinawi ang hair ko.
“`Eto, medyo pagod… Ang dami kong iniligtas dito sa Brgy. Taktak ngayong araw. Uuwi ka na, `di ba?”
Uhh… He’s so kawawa naman pala.
Super pagod si Super Jiro.
Pero, bakit niya alam na pauwi na ako? Sinusundan ba niya ako?
OMG! Kilig much naman!!!
“Ah, yes. Medyo natatakot nga ako kasi gabi na talaga…”
“Gusto mo ba, ihatid na kita sa inyo, Bebe? Wala pa naman akong nasasagap na kailangan ng tulong,” prisinta ni Super Jiro.
Pilit kong itinago sa kanya ang kinikilig kong mukha sa pamamagitan ng pagyuko. Heto na naman ako, ha. Pansin ko lang, nagiging super pabebe ako kapag kaharap ko siya, though second time ko pa lang siyang makausap. Pero, ewan ko lang, ha. Parang matagal na kaming magkakilala. Ang gaan-gaan agad ng loob ko sa kanya. As in!
“Nakakahiya naman, Super Jiro. Baka pagod ka na… Baka kailangan mo nang magpahinga,” sabi ko pero echos ko lang `yon. Pa-demure muna dapat. Baka kasi isipin niya easy to get ako.
Tumango-tango siya. “Ganoon ba? Sige, aalis na ako—“
“Ay sige na! Ihatid mo na ako!” Mabilis pa sa alas-kwatro na umangkla ako sa braso niya.
Nagkatinginan kami at napapahiya na binitiwan ko ang braso niya.
“Papayag ka din pala, eh. Tara na? Ready ka na ba?” nakangiti niyang tanong.
“Ready saan?”
“Dito!” Pagkasabi no’n ni Super Jiro ay niyakap niya ako sa beywang.
Napayakap tuloy ako sa kanya at bigla siyang lumipad paitaas kaya naman super sigaw at tili ang ginawa ko. Napapikit na lang ako at ayoko na talagang ibukas ang mga mata ko. Hindi ako ready, promise!!! Feel ko ang hangin sa ere at nang sobrang taas na namin ay saka siya tumigil.
Alam ko, nakalutang kami at napakataas na namin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanyang leeg.
OMG! Ang init ng katawan niya at feel na feel ko ang tigas ng muscles niya!
“Buksan mo na ang mga mata mo, Bebe…” utos niya.
“A-ayoko! May fear of heights ako. I-ibaba mo na ako, please…” pakiusap ko sa kanya. Nakapikit pa rin ako.
“Hindi mo malalagpasan ang takot mo kung hindi mo `yan haharapin. Sige na, imulat mo na ang mga mata mo. Napakaganda dito sa itaas, oh…”
“Natatakot talaga ako, eh…”
“Sige na… Hindi naman kita papabayaan. Kung mahuhulog ka man, `wag kang mag-alala dahil sasambutin kita, Bebe!”
OMG again! Kilig! Kilig! Kilig!!!
Oh my, Super Jiro! Unang pagkikita pa lang natin ay nahulog na ako sa’yo!
“T-talaga?” ani ko.
“Oo…”
“Hay… Sige na nga,” sabi ko at dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Pero sa mukha lang niya ako nakatingin. Ayokong tumingin sa ibaba.
“Tumingin ka sa ibaba…”
“Baka kasi—“
“Bebe, `andito ako. Hindi kita papabayaan. Pangako!”
Haaay… Ano ba naman itong si Super Jiro? Bakit siya ganito sa akin? Feeling ko ay may gusto siya sa akin talaga, eh. Pero kahit medyo feel ko na like niya ako, hindi ko naman iyon sasamantalahin at ako na ang unang magtatapat sa kanya na love ko siya. Kahit pabebe naman ako, dalagang Pilipina pa rin dapat.
“Sabi mo `yan, ha…”
Sinunod ko na nga siya. Tumingin ako sa ibaba at labis akong namangha sa nakita ko. Puro maliliit na ilaw na parang group ng alitaptap at stars. Para kaming nakalutang sa kalawakan and I find it super romantic!
“`Di ba, hindi naman nakakatakot?” ani Super Jiro.
“Kasi `andiyan ka…” bulong ko.
“Ha?”
“Wala! Sabi ko, oo… hindi nga nakakatakot.”
Dito na lang kami forever, pwede? Hihi!