SUPER CHAPTER 05

1041 Words
BEBE’S POV “S-SINO ka?” Nanginginig kong tanong sa lalaking parang superhero ang get-up na nasa harapan ko. It’s like OMG! Hindi ako namamalik-mata. Galing siya sa langit. Lumilipad siya at bumagsak sa harapan ko. And oh my goodness! He’s so… yummy! Ang abs! Chest! Biceps! Triceps! At kung ano pang ceps `yan… namumutok! Hindi lang katawan niya ang yummy kundi ang napakagwapo niyang mukha na masculine tingnan. Pero teka, bakit hawig siya kay Jiro? Imposible naman na si Jiro ito dahil si Jiro ay totoy pa tingnan at wala siyang batu-batong katawan. “Ako si Super Jiro. Isa akong superhero at `andito ako para iligtas ka.” At ang boses niya… lalaking-lalaki! Super Jiro pala ang name niya. Kamukha ni Jiro. At kapangalan din niya, ha? Haaay… Parang any moment ay hihimatayin na ako! Hindi ko tuloy napigilan pa ang aking sarili at yumakap na ako sa kanya. “Help me, please… Ninakaw ng snatcher ang cellphone ko, eh. So saaad…” Pabebe kong sumbong sa kanya. Shocks! Ang bango niya at ang tigas ng maskels! “Nasaan ang snatcher?” Itinuro ko ang direction kung saan tumakbo ang bad snatcher. “There, oh. Please, I need my phone…” Iyak-iyakan ang drama ko. Pabebe na kung pabebe pero wala na akong pake! Kailangan kong magpa-cute kay Super Jiro. Hihi! Yayakap din sana si Majamba kay Super Jiro pero mabilis na itong tumakbo papunta sa direction na itinuro ko. “Sayang! Nakayakap din sana ako ng gwapo!” Nanghihinayang na sabi ni Majamba. Ako naman ay mukhang ewan na parang high sa droga na sinundan lang ng tingin si Super Jiro hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Para akong nangangarap ng gising. “Ang gwapo niya…” wala sa sarili na bulalas ko. “Ang arte mo kanina, ha! Pabebeng-pabebe ka kay Super Jiro!” “Wala kang pake, Majamba, kung pabebe ako kay Super Jiro. At hindi mo ako mapipigilan na magpabebe sa kanya dahil I think I am inlove with him!” Itinirik ni Majamba ang kanyang mga mata. Tagaktak pa rin siya ng pawis. “Kaloka ka, Ivy Marie Dimaculangan, ha! Kulang-kulang ka na yata. Unang kita, love na agad?” “Love at first sight!” giit ko. Umiling-iling na lang si Majamba. At sa isang kurap ko lang ay biglang lumitaw sa harapan namin si Super Jiro. Hwak niya sa batok ang snatcher na kumuha ng cellphone ko. Wow! Super Jiro. Super bilis! “Nahuli ko na siya.” Binatukan ni Super Jiro iyong lalaki. “Ikaw, ibalik mo sa kanya ang cellphone niya!” “O-opo! Opo!” At nanginginig ang mga kamay na inabot sa akin ng snatcher ang cellphone ko. Pakurap-kurap na tiningnan ko si Super Jiro. Nag-smile siya sa akin. OMG!!! Kinikilig na talaga at mukhang hihimatyin na talaga ako. “Thank you, Super Jiro… Hindi ko alam kung saan ka galing pero thank you!” sabi ko. “Paulit-ulit ang thank you?!” Siniko ko sa bilbil niya si Majamba. Napaigik siya. Eeksena pa, eh, moment namin ito ni Super Jiro. Hihi… “Walang anuman, Bebe, basta ikaw!” Kulang na lang ay matunaw ako nang kumindat siya at mabilis na lumipad paitaas dala `yong snatcher. Malamang ay sa pulis niya iyon dadalhin. Pero, wait! Tinawag niya ako sa name ko! OMG! Bigla kong sinabunutan si Majamba at marahas na ipinagwasiwasan ang kanyang ulo. “OMG! Majamba! Kilala ako ni Super Jiro! He knows me!” Kinikilig na sigaw ko. “Ano ba, bitiwan mo ako!!!” palahaw ni Majamba na halos makalbo na sa ginagawa ko sa buhok niya. Binitiwan ko ang buhok niya at nangangarap na tumingin sa sky. Grabe! Paano kaya nalaman ni Super Jiro ang pangalan ko? Baka naman stalker ko siya or follower sa f*******: account ko. Hindi iyon imposible. Famous naman kaya ako. Hihi! THE next day ay laman agad ng balita sa TV at dyaryo si Super Jiro. Paano ba naman, marami pala ang nakakita sa kanya nang tulungan niya ako kahapon. Talagang dinayo ng mga reporters sa iba’t ibang TV station ang Baranggay Taktak. In-interview ang mga nakakita kay Super Jiro. Siyempre, papahuli ba naman ako? In-interview rin ako since ako ang nagkaroon ng close contact sa bagong superhero ng mundo na si Super Jiro. “Ah, super pogi and super macho po niya talaga. Kinukuha nga po niya ang number ko pero hindi ko ibinigay kasi it’s too personal. Sabi ko po sa kanya, follow na lang niya ako sa official f*******: account ko. Just search ‘Ivy Marie Dimaculangan’ and click follow. Puno na po kasi ang friend’s list ko, so, follow na lang po. Hihi… And to you, Super Jiro, sana magkita ulit tayo. Invited ka sa opening ng lugawan namin bukas! See you, Super Jiro!!!” Pabebe kong sagot nang tanungin ako ng reporter kung ano ba ang napag-usapan namin ni Super Jiro. Famous na ako sa f*******: pero mas lalo pa akong naging famous dahil sa pangyayaring iyon. Grabe! From One hundred followers, lumubo siya sa One thousand followers sa isang araw lang! Mas dumami na rin ang likes sa selfie photos ko and pabebe videos. Instant celebrity ang peg ko! Pero siyempre, hindi ko pa rin nakakalimutan ang real world… After three days ay binuksan na namin ni Majamba ang “Bebe And Majamba Lugawan”. Thanks sa tutorial sa Youtube at natuto kami na magluto ng very masarap na lugaw. Maliit lang naman ang lugawan namin. Tatlo lang ang mesa at twelve na tao lang ang kasya pero okey lang naman. Start pa lang naman ito. And because first day, ang first ten people na kakain sa lugawan namin ay may free hard boiled egg! Dinumog ang opening namin kaya naman tuwang-tuwa kami ni Majamba. Haaay… Medyo sad nga lang ako kasi hindi dumating si Super Jiro. So sad talaga. Pero malakas talaga ang kutob ko na magkikita ulit kami. And like me, he likes me too! Hindi ako nagfi-feeling lang, ha! Iba `yong tingin niya sa akin, eh. May lagkit. May pagnanasa. Hihi…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD