SUPER CHAPTER 18

1417 Words
BEBE’S POV NAKAMASID lang ako kay Super Jiro habang nilalagyan niya ng iced tea ang baso ko. After naming magsayaw nang walang music ay kumain na kami. Sobrang na-appreciate ko talaga ang effort niya sa date na ito kahit na mga street foods ang pagsasaluhan namin. Bakit ba? Masarap naman ang kwek-kwek, fishball at kikiam, ah. And besides, hindi rin naman ako sanay kung sosyal na pagkain ang kakainin namin. Baka sumakit lang tiyan ko dahil hindi ako sanay. “Thank you, Super Jiro…” sabi ko after niyang mapuno ng iced tea ang baso ko. Ngumiti siya at inabot ang kamay ko na nakapatong sa table. “Sobrang saya ko talaga, Bebe! I love you…” aniya. Grabe naman! Nag-I love you na siya sa akin, oh! Kilig na naman ako! “I love you too, Super—“ Biglang ngumiwi si Super Jiro kaya hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. Inilagay niya ang kanyang isang kamay sa noo at parang nagko-concentrate siya nang bongga. “Super Jiro, o-okey ka lang?” kinakabahang tanong ko. Kasi naman, first time ko siyang makitang ganito. Tumango siya. “Okey lang ako, Bebe…” Tumingin siya sa akin. “Bebe, pwede bang umalis muna ako saglit?” “Ha? Why?” “May nasagap kasi ang super hearing ko… May babaeng hinoholdap hindi kalayuan dito.” “S-sige! Sige… Iligtas mo muna siya at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya!” “Thank you, Bebe!” aniya at mabilis siyang lumipad at nawala sa paningin ko. I don’t know pero bigla akong na-sad nang maiwan akong mag-isa dito sa rooftop. Mas na-feel ko ang lamig nang hindi ko na kasama si Super Jiro. At kinakabahan na naman ako dahil susuong na naman siya sa panganib. Yes, alam ko na superhero ang boyfriend ko. Hindi siya tinatablan ng bala, super lakas at bilis siya pero lahat ng superhero may kahinaan, right? Wala pang limang minuto ay bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Super Jiro. “Super speed!” Nakangiti niyang turan. “Super speed nga, ha! Ang bilis mo!” pilit kong pinasaya ang boses ko. “Kain na tayo?” “Okey!” Kumuha ng stick si Super Jiro at tumusok ng isang fishball at isinubo sa akin. Ang sweet niya, `di ba? Siyempre, hindi ako papatalo sa sweetness overload, `no! Tumusok din ako ng isang kwek-kwek at ako ang nagsubo niyon sa kanya. Nagsubuan kami pero maya maya ay may nasagap na naman siyang kailangan ng help… “May batang masasagasaan, Bebe! Kailangan ko siyang iligtas!” “Si—“ Hindi pa man tapos ang sasabihin ko at agad siyang nawala sa harapan ko. “Sige!” At naiinis na sumandal ako sa upuan habang nakahalukipkip. Medyo nakakainis na, ha! Akala ko ba akin siya the whole night? Hindi rin pala dahil kaagaw ko pa rin sa kanya ang mga taong nangangailangan ng tulong na kailangan niyang iligtas at tulungan. The perks of having a superhero boyfriend! Tumingala ako sa langit upang libangin ang sarili ko sa pagtingin sa stars. “`Andito na ako, Bebe!” pagtingin ko sa upuan niya ay naroon na siya. “Baka mamaya may humingi na naman ng—“ Napangiwi na naman siya sabay lagay ng kamay sa noo. Huminga ako ng malalim at ipinakita ko talaga na naiinis na ako sa mga interuption sa romantic date sana namin. “Go, umalis ka na. May kailangan ng tulong mo, `di ba?” naiinis kong turan. “Sorry talaga, Bebe… May lola kasi na natatakot tumawid sa—“ “Go! Unahin mo na sila!” sabi ko. “Sorry…” sabi niya at muli siyang lumipad palayo. Haaay… may magagawa pa ba ako? Tumusok na lang ako ng tatlong fishball, dalawang kikiam at dalawang kwek-kwek at doon ko ibinuhos ang super inis ko kay Super Jiro. Hihintayin ko na lang siguro siya… Pero lumipas na ang ten minutes at mauubos ko na ang mga fishballs, hindi pa rin bumabalik si Super Jiro. Wala pa naman akong patience sa paghihintay. Hmp! Fifteen minutes… Twenty minutes… Thirty minutes! Okey, ayoko na! Sobra-sobra na ang thirty minutes para sa pagtulong sa pagtulong sa isang matanda na tumawid! Aalis na ako—Wait! Paano nga pala ako aalis dito, eh, nasa rooftop ako? Hindi naman pwedeng pumasok ako sa mismong building at mag-elevator. Baka makita ako ng guard at mapagkamalan pa akong magnanakaw, `no! Tumayo na lang ako sa upuan at sakto naman na dumating na si Super Jiro. “Bebe, sorry kung—“ “Iuwi mo na ako, Super Jiro,” super cold na sabi ko. “Ha? Hindi pa tapos ang date natin, ha.” “Ubos na ang foods natin, inubos ko na. Iuwi mo na ako. Hindi ako masaya sa date-date na ito. Sorry pero gusto ko lang maging honest!” Natahimik siya. Feel naman siguro niy na nagtatampo ako. “Sorry talaga, Bebe…” “Super Jiro, wala ka na bang ibang alam na sabihin kundi sorry? Nag-promise ka kasi na akin ka tonight pero anong nangyari? Ang daming interuptions! Hindi ko ma-feel ang romantic vibes dahil sa dami ng humihingi ng tulong sa’yo.” “Alam mo naman na obligasyon ko ang magligtas at tumulong, `di ba?” “Alam ko iyon at sana alam mo din obligasyon mo sa akin. Noong una, ang saya-saya ko na boyfriend kita kasi superhero ka. Pero ngayon, nakikita ko na ang hirap din pala… Ang dami kong kaagaw at ayoko kang papiliin kung ako o ang mga tao dahil alam ko ang isasagot mo. Ayokong masaktan ng super… And dahil hindi ka pwedeng mamili, ako ang mamimili!” “A-anong ibig mong sabihin?” Seryoso kong tiningnan si Super Jiro. “Pinipili ko na… makipag-break na sa’yo, Super Jiro!” Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Super Jiro nang sabihin ko iyon. Kahit naman ako, super hurt sa desisyon ko pero ito ang tama. Ito ang dapat. Hindi ko pala kaya na magkaroon ng isang superhero na boyfriend. Ang dami kong kaagaw at wala akong kalaban-laban sa mga kaagaw niya. “Bebe, `wag naman…” Nagmamakaawa niyang sabi. “I-respect mo na lang desisyon ko, Super Jiro. Ihatid mo na ako sa amin,” sabi ko. Nang gabing iyon, after akong ihatid ni Super Jiro sa bahay ay alam kong tapos na ang lahat sa amin. Maybe, isang ordinaryong tao ang naka-destiny talaga sa akin. Isang tao na hindi ko kaagaw ang buong mundo sa atensiyon at oras niya. “NAKU! Napanood niyo ba `yong bagong video ni Bebeng Pabebe? Umiiyak siya at sinasabing broken hearted siya. Grabe na talaga ang kapal ng mukha ni Bebeng Pabebe! Hindi na tinatablan ng hiya at pati mga ganoong ka-cheapan ay pinopost!” Iyon ang narinig ko na sabi ni Badet kina Heidi at Sonia. Dadaan kasi ako sa tapat ng tindahan kung saan sila nakatambay na naman. I know, ako ang pinaparinggan nila. Tumigil ako sa tapat nila at nameywang. “Hoy, mga babaeng chararat!” sigaw ko talaga sa kanila. “Wala kayong pakialam sa mga videos ko, ha! Kung gusto niyo, gumawa din kayo ng sa inyo. Wala kayong pake! At hindi niyo ako mapipigilan!” Biglang tumayo ang tatlo at pinalibutan ako. “Aba! Aba! At sumasagot na ang Bebeng Pabebe! Bakit? Totoo naman, `di ba? Pabebe ka, at ang mga pabebe ay nakakabwisit dahi ang arte-arte!” ani Sonia. “Hindi ko naman kasi dini-deny na pabebe ako. Oo na, pabebe na kung pabebe. Atleast, hindi niyo katulad na babaeng parang lasenggero na maghapon na nakatambay sa sari-sari store. Atleast, kahit pabebe ako, hindi ako pabigat sa nanay ko!” “At anong pinagmamalaki mo? `Yong lugawan mong chaka?!” si Heidi naman ang sumagot sa akin. “Yes naman! Super proud ako sa lugawan ko. Eh, kayo? Mga wala kayong silbi!” “Aba’t!” naiinis na sabi ni Badet. Umangat ang kamay niya at alam kong sasampalin niya ako. Mariin akong napapikit nang makita kong lalagapak sa pisngi ko ang malapad niyang palad. Pero lumipas pa ang ilang segundo at walang sumampal sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at isang tao ang nakita kong nakahawak sa kamay ni Badet kaya pala hindi natuloy ang sampal sa akin. At napa-OMG na lang ako nang makilala ko ang taong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD