SUPER CHAPTER 17

1368 Words
BEBE’S POV NAPAHIKAB ako dahil antok na ako sa kakabilang ng kinita namin sa lugawan. Pero dahil pabebe ako ay maliit lang ang buka ng bibig ko sa aking paghikab. Nandito na ako sa bahay namin. Binabudget ko na rin ang pera namin ni Majamba. “Bebe, hindi ka pa ba tutulog?” tanong sa akin ni Mommy Chanda na katatapos lang yatang maghilamos ng face dahil basa pa iyon. “Hindi po muna saka maaga pa naman po…” hindi tumitingin sa kanya na sagot ko dahil busy ako sa pagpindot sa calculator. “Siye, sige… Ako ay mauuna nang matulog, ha.” “Okey po, mommy. Good night.” Pero hindi pa man nakakapunta si Mommy Chanda sa higaan namin nang biglang may kumatok sa pintuan ng aming bahay. Nagkatinginan kami at napakunot ng noo. Wala kasi kaming ini-expect na bisita ng ganitong oras. Alas-otso na kasi ng gabi… Tatayo sana ako para buksan ang pinto pero pinigilan ako ni mommy at sinabi niyang siya na ang magbubukas. Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko dahil gusto ko na rin itong matapos para sabay na kami ni mommy na matulog. Maya maya ay nagtaka ako dahil kanina pa yata si Mommy Chanda sa harapan ng pinto at parang kausap niya `yong kumakatok. Hindi ko makita iyong kausap niya kasi maliit lang ang pagkakabukas ng pinto. Hindi ko rin sila marinig dahil sa ingay ng nagvi-videoke sa kapitbahay. Meron yatang may birthday. So, `yon na nga. Dahil super nagtataka na talaga ako ay nagdecide na akong tumayo at tingnan kung sino ang kausap ni Mommy Chanda… “Mommy, sino ba `yang—“ Bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang kausap ni mommy. Para akong natuklaw ng snake. OMG! This can’t be… “Good evening, Bebe…” bati ng bisita namin to me. “S-super Jiro?” gulat na gulat na bulalas ko. “Ako nga, Bebe.” “Anak naman, bakit hindi mo sinabi agad sa akin na siya pala ang boyfriend mo,” parang nanunukso ang mukha ni Mommy Chanda. Super shock ako sa nangyayari. Hindi ko kasi talaga in-expect na pupunta siya ngayon dito tapos siya pa mismo ang nakipag-usap sa mommy ko at sinabi pa niyang boyfriend ko siya! OMG again! “Eh kasi, mommy—Wait! Wait nga. Bakit ka `andito, Super Jiro?” “Sinusundo ka,” sagot niya. “Bakit?” pakurap-kurap na tanong ko. “Magde-date tayo, `di ba? Nakausap ko na si mommy mo at pumayag na siya!” “Date? Hindi na tuloy `yon, `di ba?” “Itutuloy na natin ngayon iyon, Bebe…” Saglit akong natigilan at nag-isip kung sasama ba ako sa kanya o ano. Tiningnan ko si Mommy Chanda at tinanguhan lang niya ako at nakangiti pa talaga siya. Obvious naman na payag siya kahit hindi ko na siya tanungin. Well, kahit naman ako, kung may anak ako at ang boyfriend niya ay isang superhero, go na go na agad ako. Hihi! Nasapo ko ang aking ulo. “S-sige na, sasama na ako. Just wait here at mag-aayos lang ako,” sabi ko. “`Wag na, Bebe,” pigil ni Super Jiro. “Maganda ka na naman sa ayos mo, eh. Saka baka masyado tayong gabihin kapag nag-ayos ka pa. Nangako kasi ako kay mommy mo na iuuwi kita dito bago mag-alas diyes…” Wow, ha! nakapag-usapan agad nila `yon kanina? OA much?! “Hala naman… Pangbahay lang kaya ang suot ko!” “Hay naku, Bebe… Tama na ang pabebe. Sumama ka na kay Super Jiro,” ani Mommy Chanda. At dahil si mommy na ang nagsabi ay wala na akong choice kundi ang sumama kay Super Jiro. Inilipad niya ako hanggang sa makarating kami sa rooftop ng isang building kung saan niya ako sinagot. Pagkababa ng mga paa namin doon ay napanganga na lang ako sa romantic set up para sa isang dinner na naroon. And I am so sure na si Super Jiro ang gumawa niyon. May isang round table na may mga pagkain. Kwek kwek, fishballs at kikiam at may isang pitsel ng iced tea yata. May mga nakakalat na petals ng iba’t ibang bulaklak sa paligid at may tig-isang heart balloon na nakatali sa sandalan ng upuan. Mukhang jologs pero… so romantic! Medyo nagulat ako nang akbayan ako ni Super Jiro. “Nagustuhan mo ba, Bebe? Sorry nga pala kung hindi natuloy `yong date natin dati, ha?” aniya. Wait nga lang… Oo nga pala at may kasalanan pa siya sa akin. Hindi naman pwede na papatawarin ko siya agad at baka masanay siya ng ganoon, ha. No, no, no. Kaya naman inalis ko ang hands niya sa shoulder ko. Medyo lumayo ako sa kanya at nag-crossed arms ako. “Akala mo ba nakalimutan ko na `yong pag-indian mo sa akin, ha! Nagpa-pretty pa naman ako that night tapos hindi ka pumunta! Hmp!” todo-irap pa ako sa kanya. Todo-pout din ako. Hinawakan ni Super Jiro ang shoulder ko mula sa likod pero pumiksi ulit ako. “`Wag mo nga akong hawakan!” pabebe kong sabi. “Sorry na talaga, Bebe… May iniligtas lang kasi ako nang gabing `yon.” “Eh, bakit ang tagal mo?” “May hinostage kasing bata malapit sa Brgy. Taktak. Ang hirap kausap no’ng hostage taker kaya natagalan talaga ako. Nang maging okey na naman ang lahat, sobrang gabi na kaya inisip ko na sa ibang araw na lang natin ituloy… At ngayon na ang araw na iyon este gabi pala…” “Ewan ko sa’yo!” Pabebe pa rin ako pero ang totoo ay medyo lumalamig na ako dahil sa reason niya. “Sorry na, Bebe… Please…” Lumipat siya sa harapan ko. Nang makita ko ang nagmamakaawa niyang mukha ay bumigay na talaga ako. Sobrang cute niya kasi at nakakaawa. “Please, Bebe…” patuloy pa niya. “Eh, keshe nemen…” “Yiiieee… Ngingiti na `yan… Smile na…” tudyo pa niya. Hindi ko na nga napigilan at nag-smile na ako. Mahina kong pinalo siya sa dibdib. “Basta, last na iyon, ha! Pwede mo naman kasi akong sabihan na ganoon. May super speed ka naman, eh. Mabilis mo akong mapupuntahan.” “Yes, my Bebe. Sorry talaga. Basta, ngayong gabi… iyong-iyo ako!” “Talaga? Promise?” “Promise!” sabay taas niya ng kanang kamay niya. Maya maya ay lumapit siya sa akin at inaya niya akong sumayaw. Parang imposible naman kasi walang music, sabi ko. Pero sabi ni Super Jiro ay okey lang iyon. Pakinggan lang daw namin ang t***k ng puso namin at iyon na ang magiging musika namin. Super romantic nemen! Hihi! Super kilig na din ako kaya pumayag na ako. Inilagay ko ang dalawang ko sa magkabilang balikat niya habang ang kamay niya ay nasa sexy kong beywang. Very slow lang galaw namin para sweet. Inihilig ko rin ang aking tenga sa kanyang dibdib para pakinggang ang tugudug ng kanyang puso… “Bebe, salamat nga pala kasi napatawad mo agad ako…” aniya. “Wala iyon, Super Jiro… Mahal kita, eh. At kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo matatagalan na magalit sa kanya. Mananaig pa rin ang pagmamahal mo para sa kanya!” Wait nga. Ako ba ang nagsabi no’n? OMG! Lumipat ang kamay ni Super Jiro para i-hug ako. “Ang sarap naman ng sinabi ng girlfriend ko! Alam mo ba, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na akin ka.” “Ha? Bakit naman?” “Kasi kakakilala lang natin tapos… `eto na tayo.” “Bakit ba? Kailangan pa bang patagalin kung puso ay parang pabebe girls na hindi mapipigilan?” OMG na naman! Ganito nga yata kapag in love, nagiging makata. Haaay… ang sarap-sarap talaga sa feelings ng ganito. `Yong kasama mo ang taong love mo tapos kayong dalawa lang. Sana hindi na matapos ang gabing ito dahil akin lang tonight si Super Jiro at wala akong kaagaw sa kanya because he make pangako to me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD