Mabilis na hinablot ni Cara ang kamay ni Jed at hinila ito palayo ng tinutuluyang condo. Sa may bus stop sila tumigil at nakailang lingon pa si Cara bago nagsalita. “Jed...n-nakakaalala na ako.” Segundo rin bago nakasagot si Jed. “Talaga? Paano? Gaano ang naalala mo?” “Hindi ko alam kung paano pero nang makabangga ko iyong lalaki sa kompaniya nina Rebel. Bumalik na ang lahat.” “Naalala mo na rin ang totoong pangalan ni Lawrence.” “Oo.” Malungkot ang boses ni Cara. “Saan ka pala pupunta?” “Noong nakaraang gabi ay alam kong umaalis ka na kaya inabangan kita. Nag-aalala ako na baka kung saan ka magpunta ay mapahamak ka.” “Matalik naman tayong magkaibigan Jed, mas mabuting ilihim na muna natin na nakakaalala na ako. At mas gusto ko na rin na Cara ang itawag sa akin.” “Sige. Maaasahan m

