bc

My Crazy Sweet, Caranova

book_age18+
305
FOLLOW
2.8K
READ
HE
kickass heroine
heir/heiress
drama
sweet
kicking
city
small town
like
intro-logo
Blurb

"Tell me what you will, my crazy sweet, Caranova."

Si Caranova ay isang simpleng probinsiyana, na may simpleng pamumuhay, pero ang lahat ay magbabago sa pagdating ni Rebel, isang binata na mayroong masalimuot na buhay at sekretong pagkatao.

Si Rebel ay anak sa labas ng sakim na bilyonaryong si Mr. Fujihara. Ginawa nito ang binatang huntsman sa mga katunggaling businessmen kaya ilang taon na namayagpag ang Fujihara sa industriya pero dumating ang Hapex at kinatunggali ang kompaniya.

Kinailangan ng binata na tumakas at sa probinsiya ni Caranova ito napapadpad.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Tay, pasok na ho kami. Pasabi na lang po kay Nanay. Saka kumuha na po ako ng baon sa benta ng suman.” “Ubos ba?” “Opo. Abot nga ho kina Tiya Lolit sa dulo sa pagtitinda. Sige ho.” “Cara anak, saglit,” “Ano ho iyon, Tay?” “Anak, baka naman makasaglit ka mamaya sa Ate Teresa mo bago ka umuwi galing school,” “Bakit po?” “Humiram ka muna kahit dalawang libo. Sabihin mo, babayaran naman agad kapag nakapatimbang kami ng kopra,” “Ah..tingnan ko ho Tay. Mahirap po kasi magsabi ngayon at baka mamaya kapos rin po sina Ate,” “Meron sila. Kasasahod lang ng asawa ng Ate mo, balita ko kay balaeng Edwin mismo,” “Tay,” “Cara, isa! Sumunod ka na lamang.” Nanlulumong lumakad si Cara palabas ng kanilang munting kubo. Batid niya ang kalagayan ng kaniyang Ate Teresa at ang totoong pakay ng kaniyang ama kaya nagpapahiram ng pera. “Ate, papasok na tayo?” Natigilan si Cara sa may pinto at lumingon sa bunsong kapatid. Pilit siyang ngumiti para hindi nito mapansin ang lungkot na kaniyang nararamdaman. “Oo, Boching. Tara na,” “Ano Ate, baleng hindi na muna ako pumasok,” “Ha? Bakit naman?” “Ate, bebente pesos na lang po ang baon ko. Tapos bukod sa karampot na kamoteng-kahoy at tuyo na umagahan natin, wala pa tayong baon para sa pananghalian. Sasama na lang sana ako sa pag-uling kina Tiyo Berto o kaya sa paglukad para magkapera,” “Teka, bakit bebente na lang ang pera mo? Kabibigay lang ni Nanay sayo di ba? Sabi ko pagkasayahin mo muna kahit hanggang biyernes,” “Ate, humingi kasi si Tatay noong isang araw pang-inom,” sagot nito saka tumungo. Parang pupunit ang puso ni Cara habang nakatitig sa bunsong kapatid na si Boching. Sampong taong gulang pa lang ito pero mapait na buhay na agad ang sinasapit. Kasalukuyang nakaupo ang bata sa kawayang upuan sa labas ng kanilang kubo, lalamba-lambayog ang maliliit at maruruming mga paa habang suot ang lumang pares ng tsinelas. Lumunok ng laway si Cara at yumukyok sa harapan ng kapatid, “Ganito na lang. Sayo na lang ang baon kong pera, tapos, bumili ka sa canteen ng masarap na pananghalian.” Ngumiti ng malawak ang bata, “Talaga Ate? Pero paano ka?” “Tsk! Si Ate na ang bahala. Tara na, linisan ko lang muna ang mga paa mo tapos pumasan ka sa likod ko at maputik ang daan.” “YEHEY!” Sumalok si Cara ng isang tabong tubig mula sa imbakan nila at hinugasan ang mga paa ng kapatid. Masayang tumayo si Boching sa upuang kawayan at tumalon sa likuran ni Ara. “Wag malikot ha, baka madumihan ang uniform ko.” “Opo, Ate.” Nagsimula nang maglakad si Cara dahil mahuhuli na sila sa eskwelahan. “Boching, pag ba yumaman ako, saan mo gusto magtayo ng magandang bahay?” usisa ni Cara habang naglalakad. “Haha, nangarap ka na naman Ate,” “Bakit? Masama ba? Ang pangarap naman pwede rin naman sa mahihirap ah. Boching, wag tayong mapapagod mangarap, tandaan mo yan. Dali, ano na?” Inayos ni Cara ang pagkakapasan sa kapatid dahil medyo umuus-os na sa kaniyang likuran. “Ako Ate, gusto ko sa baba nitong bundok, yong malapit sa daan. Ang hirap kasi Ate ng daan dito satin lalo na pag umuulan,” “Alam mo, mas masarap sa bundok. Kung problema mo ang daan, aba, papasemento ko para makadaan ang kotse natin.” “Talaga Ate, bibili ka ng kotse? Di na tayo maglalakad?” “Oo naman...teka, Manong driver...saglit lang ho.” Mabilis na tumakbo si Cara para mahabol ang huling biyahe ng tricycle palabas ng kanilang baryo. Tumigil naman ang tricycle. “Manong, pasakay naman ho si Boching hanggang school,” “May pamasahe ba yan?” “Opo meron.” Ibinaba ni Cara ang kapatid mula sa likuran at inayos ng sakay sa loob ng tricycle. “Bye, Ate.” “Sige, ingat. Mag-ingat sa pag-uwi mamaya ha.” Tumakbo ang tricycle palayo at magiliw na kumaway si Cara. Nang tuluyang makalayo ay nagsimula nang tumakbo si Cara dahil malilate na siya sa kolehiyong pinag-aaralan. Ang tanging pera na lamang na laman ng kaniyang bulsa ay ang pamasahe mamaya papunta sa Ate Teresa niya. “Makikiraan. Tumabi kayo sa daan.” Hirap na usal ni Cara habang tumatakbo papunta sa kanilang department building pagbaba na pagbaba ng jeep. Mabilis siyang nakababa dahil sa backseat siya nakapwesto. Matatapos na ang unang semestre sa ikaapat na taon niya sa college at walang umaga na hindi siya nalate. Ilang araw na lang at magpapasko na. Nang makarating sa pintuan ng room, huminga siya ng malalim at marahan itong binuksan. “Psst, Zian! Abot pa ba?” Malaki ang ngisi ni Cara habang nakasilip pa na parang bata. “Oh, test paper at sagot. Bilisan mo, ilang minuto na lang.” Bulong pabalik ng matalik na kaibigan. Ngumiti ng malawak si Cara at marahang umupo sa tabi nito sa likurang parte ng classroom. “Salamat ng marami, Zi. The best ka talaga kaya mahal na mahal kita eh. Pero wag na itong sagot, kung saan lang ako umabot, ay ayos na ako doon. Kasalanan ko naman kung bakit late ako.” Matindi ang paghangos ni Cara habang pinag-aaralan ng mabuti ang test papers kasabay ng pilit na pagyuko para di makita ng professor nila sa unahan. “Tsk! Bahala ka,” himutok ni Zian. “Kaya ko to, ako pa ba.” Nagsimula nang magsagot si Cara samantalang si Zian naman ay di mapigilang mangunot ang noo habang nakatitig sa kaniya. Kumuha ito ng towel sa bag at tumayo. Lumipat ito sa upuan sa likuran ni Cara sabay hinawi palikod ang nakayungyong na buhok sa mukha ng dalaga saka tinuyo gamit ang towel dahil pumapatak pa ang ilang butil ng tubig. Pagkatapos ay pinuyod nito ang buhok gamit ang maliit na panali na nakalagay sa pulsuhan. “Salamat, Zi,” bulong ni Cara habang nakatutok sa pagsagot. Di naman sumagot si Zian imbes ay kumuha ng isa pang towel at sinapin sa likuran ni Cara sa ibabaw ng collar ng uniform. Makalipas ang ilang oras ay nag-ring na ang bell para sa lunch break. “Zi, sa library na lang muna ako.” “Bakit? Kakain tayo ng pananghalian,” “Ok lang ako. Busog pa naman ako,” Natigilan sa paglalakad si Zian. “Wala ka bang baon?” “Kinapos Zi. Di sapat iyong benta ng suman ngayong umaga.” Umiling si Zian at hinawakan ang kanang braso ni Cara. “Tara. Libre ko na.” “Oy, Zi! Wag na.” “At ano? Maggugutom ka maghapon? Alam mo, walang patutunguhan ang pag-aaral mo kung pababayaan mo ang sarili mo.” Ngumiti naman si Cara at hindi na nagprotesta, ang totoo ay gutom na gutom na talaga siya. Iniupo siya ni Zian sa isang table pagkarating sa canteen at iniwan saglit para bumili ng makakain. Pagbalik ay bitbit nito ang isang malaking tray na puno ng mga pagkain. “Sana all talaga! Thanks, Zi!” Sabik na kumuha si Cara ng French fries at isang pakpak ng manok pagbaba na pagbaba ng tray. “Hindi ka na naman nag-umagahan ano?” “Nag-umagahan naman. May napanguha sina Nanay na mga kamoteng-kahoy tira doon sa mga sinuman.” “Tsk! Cara naman.” “Ganon talaga. Kapos eh. Di bale, pupunta naman ako kina Ate Tere mamaya.” Kumuha ng burger si Zian at kabadong nagsalita, “Bakit...bakit di ka na lang kaya gumaya sa mga kapatid mo. Mag-asawa ka na para makaalis ka na sa bahay niyo. Parang ang mangyayari pa ay ikaw ang mag-aalaga sa mga magulang mo pagdating ng araw.” Tumingin si Cara kay Zian, nilunok muna ang kinakain bago nagsalita. “Seryoso ka ba? At ano namang masama sa pag-aalaga ng mga magulang? Anong gusto mong sabihin, si Boching ang mag-aalaga sa kanila pagtanda? Saka malabong may magkagusto sakin. Wag kang magpatawa. Walang sino mang nasa tamang katinuan ang kukuha ng kagaya kong magiging pabigat lamang. Bukod doon ay ayaw kong magagaya sa mga asawa ng mga kapatid ko ang lalaking magmamahal sakin. Alam mo ang patungo ni Tatay sa kanila." "Cara, pag-isipan mo. Mahirap kung gaito ka na lamang palagi," "Zi, kakayanin ko. Pero kung mayaman, gwapo, may kotse, may abs, pamatay ang ngiti, why not?” Hindi nakaimik si Zian sa mga sinabi ni Cara. Pero kita ang lungkot sa mga mata nito. “Nga pala Zian, may pera pa ako dito na pang-gasolina. Pwede bang samahan mo ako kina Ate Tere? Aangkas na lang ako sa motor mo.” “Ah s—sige. Huwag ka na magbayad ng pang-gasolina, full tank pa naman ako.” Pagsapit ng hapon ay sabay na naglakad sina Cara at Zian papunta sa parking lot ng building nila. “Oh ingat.” Di pinansin ni Cara ang sinabi ni Zian, mabilis siyang sumakay sa motor. "Ako ang magdafrive," "Ayaw ko," "Sige na," "Ayaw sinabi at sa highway tayo. Ayaw kong..." "Masaktan ako?" "Oo. At ayaw ko pa ring mamatay. Umayos ka. Ito di makapaghintay, kumukuha pa ng helmet.” Reklamo ni Zian. Ngumisi lang naman si Cara at hinigit pababa ang nakapailalim na pantalon sa suot na palda habang inaayos ang upo. "Sa sunod, magpatahi ka ng mas mahabang palda," "Hindi naman ako masisilipan at may pantalon ako sa ilalim," "Kahit pa. Kita pa rin hita mo," Isinuot ni na Zian ang helmet kay Cara “Alam mo Zi, swerte ang magiging girlfriend mo.” Nakangiting sabi ni Cara rito. “Maswerte ka.” “Yiee! Sana true! Sige na tara na at baka gabihin pa ako pauwi.” Ngumiti na lamang si Zian saka pinatakbo ang motor. Malayo-layo rin ang binyahe nila bago nakarating sa tapat ng isang simpleng bahay. Kumatok si Cara at kabang-kaba na inintay ang kapatid na pagbuksan siya ng pinto. “Oh Cara, anong ginagawa mo rito? Tuloy.” Bakas ang pagod at puyat sa kaniyang Ate Teresa pagbukas ng pinto pero pilit pa rin itong nakangiti sa kaniya. Tumango lang naman ito kay Zian bilang pagbati. “Ano Ate, wag na. Di naman ako magtatagal. May...may ipapatanong lamang si Tatay,” Napayuko si Cara sa sobrang hiya. “Cara...walang-wala rin kami ngayon. Yong sinahod ni Kuya Jerry mo, pinangbayad lamang namin sa mga utang. Magkakano ba?” “Dalawang libo raw Ate eh. Magbabayad daw pag nakapagpatimbang ng kopra,” “Nako, wala talaga Ara. May five hundred ako, kahit dalawang araw na pangkain niyo, aabot na siguro yan sa pagtimbang ng kopra,” “Eh paano ka? Meron ka pa ba diyan?” “Sige na kunin mo na. Saka kahit meron naman ay di ko papahiramin ng ganon kalaki si Tatay, mamaya ipang-inom niya pa. Alam mo naman pag nakainom si Tatay.” Tinanggap ni Cara ang five hundred at yumakap sa kapatid. “Salamat Ate. Una na kami.” “Siya mag-ingat kayo. Sa pasko, baka umuwi kami at doon icelebrate ang birthday ni Joshua,” “Ay sige Ate, sabihin ko kay Nanay, matutuwa yon.” “Sige, sige. Tulog ang mga pamangkin mo kaya di na kita mapapahalik, mahirap baka magising pa.” Pagkasara ng pinto ay agad na nagpakawala ng malalim na hininga si Cara. “Ha! Jusko, kailan pa kaya kami raraos sa hirap?” bulong ni Cara. “Lilipas din yan, Cara. Sa ngayon, iraos muna natin ang araw-araw. Tara,” sabi ni Zian. “Saan?” “Basta.” Sumakay sila sa motor at nagbiyahe papunta sa baryo nina Zian. “Zi, ayaw sakin ng pamilya mo. Anong ginagawa natin dito?” Napahigpit ang hawak ni Cara sa uniform ni Zian sa sobrang takot. “Relax, hindi tayo sa bahay pupunta.” “Eh saan?” “Basta.” Di naglaon at tumigil sa pagmamaneho si Zian saka bumaba sa tapat ng bahay ng isa sa mga tiyahin nito. “Anong ginagawa natin dito?” usisa ni Cara habang hinuhubad ang helmet. “Ang daming tanong, Cara.” Pagkahubad ng helmet ay hinawakan ni Zian ang kaniyang baywang pababa ng motor saka hinigit ang kaliwang kamay para hilahin palusot ng isang eskinita papunta sa tabing dagat. Parang nag-init ng tenga ni Cara sa ginawang ito ni Zian pero agad na pinigil ang sarili. “Hindi tayo sa bahay ng tita mo?” tanong ni Cara para ibaling ang atensiyon. “Mamaya pa diyan.” Malamig at malakas na ang simoy ng hangin. Di mapigilan ni Cara na mamangha sa itsura ng dalampasigan habang palubog ang araw. Napakabanayad ng dagat na tila ba kung pwede lang magpalutang-lutang muna para lang makalimot sa hirap ng buhay kahit saglit ay gagawin niya. “Ang ganda talaga dito, Zi.” “Mas maganda ka,” nakangiting sagot ni Zian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook