Chapter 19 Na-distract naman ako kahit papaano sa mga mumunting tinuturo ni Gab. Ni Sir Gab. I really need to stick that in my brain. Mga basics lang naman at pagse-set ng password sa computer tapos ayos na dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na sasabak akong office. “Hi! I’m Harriet! Bago ka?” Ngumiti sa akin ang isang babaeng nakacorporate attire din tapos ay kumakain sa loob ng pastry room. “Ah, kasisimula ko pa nga lang ngayon. Ako si Justice.” sabi ko naman atsaka ngumiti. Tinanggap ko ang kamay niya. Doon ko napagtantong ang lambot pala ng kamay niya at kung titingnan sa ikalawang beses ay manlalaki ang iyong mga mata. “Oh. Saang floor ka?” tanong pa niya habang kumakain. Nagkibit-balikat ako. “Five? Sekretary ni Sir Gab.” Buti ay hindi ako nadulas sa Gab. “Ikaw? Saan

