CHAPTER ONE

1625 Words
Casanova's Heart _Gladizar Chapter One ***KATELYN*** "We will try our best for his fast recovery, Miss Carter. Pero ipagdasal nalang naten na hindi na kakalat ang cancer cells sa utak ng pasyente. Lalo na't my heart failure pa siya. I'm sorry to say this, kahit na gagaling pa ang pasyente ay limitado na ang oras niya para mabuhay. Excuse me." Hinawakan ko ang kamay ni Dad at hinalikan ito habang patuloy akong lumuluha. This is all my fault! Kaya pala ilang beses siyang bumalik sa inuupahan kong room dahil pala sa kondisyon niya. Kaya pala ganoon nalang umasta si Dad, it seem like his eyes told me about these all. Kasalanan ko lang kase hindi ko iyon inintindi at binalewala ko nalang siya. "Hija?" Lumingon ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko kung kaya't bigla akong napayakap kay Tito Elijah, he's my Daddy's bestfriend. Bukod kay Dad ay si Tito at pamilya niya rin lang ang nakakaalam kung sino at ano talaga ako. "Tito, this is all my fault. Kung alam ko lang na may karamdaman si Dad, hindi na sana ako nag-matigas pa!" I cried. Ramdam ko ang unti-unting pag-galaw ng kamay ni Tito para hagurin ang likod ko. Tito Elijah is a second father to me. Pakiramdam ko ay kapatid siya ni Dad kaya ganoon na lamang ako ka komportable sa kaniya. "Pull yourself together. Kailangan ka ng Daddy mo. Nandito lang kami para gabayan ka Katelyn. We will never leave you." Humiwalay siya sa akin sabay ngiti. "Thank you Tito Elijah." "Sige na, mag-pahinga ka na muna sa mansion niyo. Ako na ang bahala kay Daniel." He stare at his bestfriend with a sincere sympathy. "Reijon is waiting outside, naka-park sa labas ang kotse niya." Napansin yata ni Tito Elijah ang biglaang pag-bago ng aking ekspresiyon kung kaya't tumango ito ng isang beses. "I know you don't like Reijon. But please, don't refuse on my offer. Alam ko na wala ka pang tulog, you might be harmed. Lalo na 'pag nalaman nilang anak ka ni Daniel. Look at you, you are not disguised anymore." Pangunguna ni Tito Elijah. Ngumiti na lamang ako ng hilaw. Wala ako sa lugar para humindi kahit ayaw na ayaw ko sa anak niyang, feeling guwapo. Isa pa, kailangan ko sila Tito Elijah ngayon. "Yes! Of course naman! For sure girls alam niyo na ang pamilya namin ay isa sa mga mayayamang pamilya sa Pilipinas. And mark it, kasali kami sa 300 richest family in the whole world." Pagyayabang ni Reijon tungkol sa apelyido nila. Heto namang mga babaeng ito na animo'y sinumpong ng epilepsy habang nakikinig sa mga walang katuturang kuwento ni Reijon. And he is one of the reason why I don't want to become rich. I mean he is the very reason bakit ako nagtatago sa likod ng salamin at maluwag na uniporme. Mga malanding babae lang siguro at hayuk sa guwapo ang makakatiis makasama ang lalaking ito. "Reijon, puwede ba magpa-picture?" "Puwede sana, kaso I have to go." Sabi niya sabay kindat sa kanila. Kainis, ang feeling talaga. And worst, kanina niya pa pala ako nakita. Mas inuna niya pa ang pakikipagkuwentuhan sa sandamakmak na kababaihan. What a casanova! Pumunta siya sa aking gawi sabay akbay sa akin. "Come here my dearest wife to be." Sabi niya. "Humiwalay ka nga sa akin lalaki ka. And will you please cut that f*****g wife to be! Nakakasuka!" Muktal ko habang papasok sa loob ng kotse. "Oh my!" "Who's the lucky girl?" "Ang suwerte naman niya! Nakakainggit!" Edi sila nalang ako if they find me lucky. Hello, I am the most unlucky high schooler who have been tied because of an arranged marriage with this guy. Mula grade school pa lamang ay nakatadhana na kaming ikasal ni Reijon Bryce Wu. Hindi kasi makatutol si Daddy sa gusto ni Mommy bago siya pumanaw. Gumawa sila ng kasunduan nina Tito Elijah at Tita Miracle na sa tamang panahon ay ipapakasal kami ni Reijon. God knows how I hate that thought. But the hell, I can't refuse it. Baka bigla nalang bumalik si Mommy at multuhin ako dahil napakasuwail ko. Siguro kaya ako nagtatago dahil sa katotohanang hindi pa ako handa at ayaw kong maging handa na dumating ang nakatakdang araw. "Ano ba Reijon, napapagod na ako at gusto ko na mag-pahinga. Bakit ka pa huminto dito?" I made a deep sigh. He made a pokerface then he opened the car's door. Nang makalabas siya ay tumungo siya sa kabila at pinagbuksan ako ng pinto. "I know you need fresh air. Come, take a look outside. Ang ganda." Sabi niya habang lumanghap ng sariwang hangin. "Ayaw ko. I want to go home." Yumuko siya at pinasok niya ang ulo niya sa loob ng kotse kung kaya't napaatras na lamang ako dahil halos mahalikan na namin ang isa't isa. And my heart beat unusually. I hate him for making me feel this way. I hate him so much. "I'm not gonna kiss you, tinatanggal ko lang ang seatbelt mo para makalabas ka na diyan." He said. Napahiya ako ng kaunti dahil sa sinabi niya. Lecheng seatbelt kase ito. "Still, I'm not gonna go out. Kung gusto mo lumanghap ng hangin o mag-unwind, gawin mo mag-isa mo!" Tumingin na naman siya ng napakaseryuso sa akin. "Lalabas ka o hahalikan kita?" Bigla akong napalunok ng laway nang sinabi niya iyon. Sa lahat ba naman ng babaeng nahalikan niya ay tiyak akong itutuloy niya ang sinabi niya. At isa pa, to be honest ha, mukha siyang b*a at panty. And I don't wanna lose my virginity on this young age and wrong place. Hello, I can't even imagine myself doing that thing with anyone, lalo na sa kagubatan na ito. Lumapit ito sa akin kaya naman agad ko siyang tinulak. "Okay lalabas na." I'm watching the blue sky while embracing myself. He's right. Kailangan ko ng sariwang hangin. But I guess I don't deserve it. Dapat nga ako ang nasa sitwasyon ni Daddy ngayon because I caused too much burden to my Dad. Dahil sa akin lumala ang sakit ni Dad. "Don't ruin those beautiful blue eyes. They don't deserve the tears." Saad ni Reijon at marahang pinahid ang mga luhang dumaloy pababa ng aking pisngi. I want to throw his hands but I need it so much. I need hands like these, but why it's his hands? Puwede bang iba nalang. Why it is Reijon Bryce Wu's hands? Bakit hindi nalang iba? Marami naman sigurong iba diyan, hindi ba? "This is all my fault, nang dahil sa akin nasa ganoong sitwasyon ang Daddy. Ni hindi ko man lang inisip na ang dami niyang problema tapos may dinaramdam pa siya, I caused too much trouble instead. I made him suffer because I want to live too far from Katelyn Carter. Kasalanan ko ang lahat ng ito." At tuluyan na ngang bumigay ang aking mga mata. Kung kanina'y isa-isang butil ng luha ang dumadaloy sa aking mga pisngi ngayon ay animo'y maliit na talon na 'di matuyu-tuyo. I am so downed right now. I regret about so many things. More than 10 years akong nagkubli sa likod ng pagkatao ni Katie, masaya at malaya. Habang ang aking Daddy ay nahihirapan, nagdurusa at nasasaktan pala. "Wala ako sa tabi niya habang kailangan niya ako." Marahan niya akong hinila papalapit sa kaniyang dibdib. And now, I am leaning on his chest while he's comforting me. Pasalamat siya kailangan ko siya ngayon at kung hindi lang ay asa naman siyang mayayakap niya ako ng ganito. "I don't know how to comfort girls. But I am a child also, if I am you, I will be blaming myself too. Pero hindi pa naman huli ang lahat Katelyn, just pray na gagaling si Tito Daniel. After niya magising, enjoy living with him. Cherish every moment habang makakasama mo siya." He said. Alam pala ng isang bad guy at casanova ang mga salitang iyon? I wonder saan siya natuto. Bukod pala sa pambababae niya ay marunong siya maging gentleman at mag-comfort. Hays naku, if hindi ko lang siya kilala ay tiyak akong magpapatali ako sa kaniya. But knowing Reijon Bryce Wu, half bad guy pure casanova, I will never gonna take the risk to become his property. At isa pa, sa dinami-dami pa ba naman ng babae niya, hindi ko alam kung minsan ba ay may sineryuso siya. "I'm quite relieved now. Puwede ba tayong umuwe na?" Sabi ko. Sabay ng paghiwalay niya sa akin ay ang pag-ring ng kaniyang phone. Agad siyang tumalikod sa akin at sinagot ito. Ako naman ay pumasok na sa kotse at sinabit ang seatbelt sa kaliwang bahagi ng upuan. Nanalamin ako gamit ang aking phone at napansin ang haggard kong mukha. "Babe naman. May inasikaso lang ako....sabi ko naman sa iyo na ang alagang aso ni Mommy ay biglang nag-collapse kaya naman kailan ko dalhin sa clinic ni Mister Montero. Kawawa naman ang aso..." "Ginawa pa akong aso." "Sige-sige. Babawi ako sa iyo honey...I mean babe. You're my honey and my babe too." Maya-maya ay pumasok na siya sa kotse. Nakakainis, nakakaabala pala ako sa kaniya bakit kailangan niya pa akong ihatid sa bahay. Kaya ko naman umuwi mag-isa ko. "Just drop me there," sabi ko sabay turo sa isang coffee shop. Hindi siya nakinig, sa halip ay may binilisan niya pa ang pagmamaneho. Bingi yata ito! "Sabi ko drop me there!" "Bakit na naman ba, Katelyn? Kanina okay ka, tapos ngayon bigla ka naman nagsusungit?" Aba kung umalma 'to akala mo naman ano naiambag niya sa buhay ko. Paano ako magiging okay kung tinawag ba naman akong aso? "Alam ko napilitan ka lang, kase...baka pinilit ka ni Tito Elijah. So please, ibaba mo na ako at unahin mo ang mga babae mo. Atat na atat silang makita at makasama ka o!" "Nagseselos ka ba?" Natahimik ako dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung bakit pero nainis ako at bigla na lamang ako nairita. "Just drive me home. I want a tight sleep." "Silence means yes!" *End of Chapter One*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD