CHAPTER TWO

1725 Words
Casanova's Heart _Gladizar Chapter Two ***KATELYN*** For Pete's sake, alisin mo na sa isip mo ang ginawa ng mokong na iyon, Katelyn. If puwede lang lasunin si Reijon Bryce Wu ay ginawa ko na, kaso malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya, lalo na kay Tito Elijah. Tinawag ba naman akong asong nag-collapse for the sake na may mai-reason lang sa babae niya? That's not fair! Look what he did, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip sa sinabi niya. Asong nag-collapse? Ako? Sa ganda kong ito? Baka siya iyong aso, kahit sino nalang kasi pinapatulan. Walang pili! I hate him! Anyways, this day is my first day na mag-aaral sa Carter High, not pretending as anyone but myself. Yeah, magiging Katelyn Carter na ako, for real, for my Daddy. Alam ko na ito ang gusto niya. Hays, naiiyak na naman ako kapag naiisip ko ang sitwasyon ni Daddy. "Siguro Daddy, ang saya mo ngayon dahil bumalik na ako sa bahay natin at saka papasok na ako sa school not pretending as anyone but your daughter. Pero Daddy, alam mo mas masaya sana kung nakikita mo ako ngayon. I'm here. Your daughter, the COO of Carter High and your heiress is finally back. I love you Daddy." Minuklat ko na ang aking mga mata at agad na nag-park sa exclussive na parkingan ng mga stakeholders sa loob mismo ng campus. And yes, I parked my Jaguar XJ but I don't feel like going outside. 'Sandamakmak na estudyante ang naka-abang. Sana sa private gate nalang ako dumaan. Akala ko kasi wala pang estudyante dahil ang aga-aga pa. Imagine, five-thirty in the morning pero ang dami ng estudyante. This is why I hate being Katelyn. But the less I can do is to bear these all with patience. "Heiress, huwag kayong mag-alala they are reminded na hindi sila puwedeng lumapit sa inyo. You can enter to your office anytime." Nakahinga naman ako ng malalim sa sinaad ng isang staff ng school. Hays, new life, new status, new everything and new new new new new! Basta lahat bago! Kumaway-kaway ako dahil nakakabingi ang sigawan ng mga estudyante. I want to hate them for giving their attention to me. Just so I know, pareho lang naman kaming tao. "What a beautiful creature she is! Nakakainggit talaga ang heiress ng Carter High! Nawawalan na ako ng kompiyansa sa sarili ko!" "I just thought, bakit pala ayaw niya mag-pakita noon pa? If I have that look, I mean, that perfect look. Hinding-hindi ako magtatago, sa halip ay ipagmamayabang ko na maganda ako! Mayaman at maganda ako!" Natatawa talaga ako sa mga taong ito. Bakit kailangan nilang ikumpara ang sarili sa iba? At bakit kailangan pa nila mainggit sa ibang tao? Dahil ba mayaman? Mas maganda sa kanila? That is the most silly thing I ever heard. Hanggang makarating ako sa officce ko puro admiration ang narinig kong sinasabi nila. Wait, I've noticed something. Where are my cousins? For sure they were informed about my return too. Aren't they? Wala pang thirty minutes ay tumunog na door bell na sa pinto ng aking opisina. For sure, isa sa mga staff ng school. "Come in." Matamlay kong sambit. "Hey, welcome back pretty heiress s***h COO of Carter High at higit sa lahat my future wife! Tantantaraaaan! Tantantaraaan!" "Sira na nga ang araw ko, sisirain mo pa?" Umupo siya sa aking harap kaya naman ay mas sumama ang pakiramdam ko. Para akong magkaka-sakit kapag lumalapit siya sa akin. Hello, allergic ako sa isang Reijon Bryce Wu, kaya siguro ako nagkakaganito. "You know what, I don't get you. All the girls outside is creaming for fame, shouting for image and yelling for attention but you, you have that all yet it seems you are not happy. Do you want more?" Sabi ni Reijon with all the actions pa na nakakairita. "Hindi ako sila, okay? So please stop comparing me to your girls! Kung gusto mo sila, edi doon ka! Umalis ka nga dito! Ang aga-aga, naninira ka ng araw? If that is what your goal is, you did it! Congrats, pagmu-mukha mo pa lang, sirang-sira na ang araw ko!" Sabi ko sa kaniya. Wala na ba talagang hiya sa sarili itong lalaking ito? Ni hindi yata naapekto sa mga sinabi ko. Sa halip na magalit at maapektuhan ay parang sa akin pa nangyari ang mga bagay na iyon. Para pa siyang bata na nakatingin lang habang pinagsasabihan. Okay lang naman sana kung nakatingin lang, pero iyong inaasar ka? Hindi na normal ito! "Hindi ako aalis dito 'no! Babantayan ko ang aking wife to be. Makita ka pa ng mga lalaki diyan, baka agawin ka pa nila sa akin." Kunwari ay nagtatampo pa. "LOL!That is your funniest joke ever! Umalis ka nga baka e-rason mo na naman ako sa mga babae mo. I hate being addressed as a pet!" Mariin kong sambit. Hindi ko batid kung ano ang nakakatawa sa mga sinabi ko kung bakit tawang-tawa ang mokong na ito. Nakakainis na, iritang-irita na nga ang tao mas iniinis pa. "Nagse-selos ka lang ata e." Panunukso pa nito. Tumayo ako at na-maiwang sabay sabing, "ako? Magseselos? Kanino? Hello, this is me, the heiress and COO of Carter High. Ako ang pinagse-selosan Mister Wu. Umalis ka na bago pa kita matapunan nitong mainit na cappuccino ko," banta ko sa kaniya. Kumibit-balikat lang siya bago tumayo at nag-lakad papunta sa pintuan. "Pero aminin mo, nagseselos ka." Sabi pa niya bago tuluyang buksan ang pinto at lumisan na. "Hayop ka talaga Reijon Bryce Wu! I will never get jealous of anyone! At bakit naman ako magse-selos kung marami kang babae, ano ba kita?" muktal ko sa loob ng office ko. Nagising ako nang mag-ring ang alarm clock sa table ko. First subject ko na pala at kailangan kong mag-madali dahil nga sa ground floor ang room namin. Patakbo akong bumaba ng hagdan kung kaya't hindi ko sinadya ang matapilok sa harap ng isang...lalake. Nakakahiya. Heiress and COO of Carter High pero nadapa dahil sa katangahan. "What the f**k! Look what you did girl! You ruined my look for today!" Sabi niya. Natapunan ko kasi siya ng sobra nung cappuccinong hindi ko maubus-ubos kanina. Sana kay Reijon ko nalang tinapon kanina nang sa ganoon ay hindi na na'ko nakapinsala pa. Kinilabutan ako sa angas ng malamig niyang boses. Marahan kong ini-ahon ang aking mukha patingin sa kaniya. Napalunok ako sa ka-guwapuhan niyang taglay. Naku naman po, baka teacher siya dito? Pero hindi naman siguro kase suot niya ang uniporme ng school namin. "Ba-bakit ganiyan ka makapagsalita sa akin? Hindi mo ba ako kilala?" Pagmamatapang kong tanong at agad na umahon mula sa pagkaka-dapa. Buti nalang wala akong sugat. At buti nalang kaming dalawa lang ang nandito. At kung sakaling maraming tao ang nakakita ay tiyak akong lubos itong nakakahiya. I hate my first day! Bukod kay Reijon ay may guwapong cold na masungit pa akong naingkwentro. Ang malas naman! Sana naging Katie nalang ako for real! "I don't care who the hell you are, what the hell they are calling you, and where the hell you came from!" Pasigaw niyang sabi. LUH! Galing yata sa impiyerno ang lalaking ito, puro hell ang nasa bunganga. "For your information, I am the heiress and COO of Carter High. And to be honest with you, Mister Cold na masungit pa, my word can make your a*s depart this school. Kaya kung hindi mo pa ako nakikilala, puwes ngayon alam mo na kung sino ako at kung ano ang kaya kong gaw-" Yumuko ito kung kaya't ang lapit-lapit namin sa isa't isa. In fairness ang bango ng hininga niya, parang amoy baby na bagong ligo. "I don't give a damn. Get lost!" And it feels like I'm lost in the hell of ice dahil sa lamig ng kaniyang boses. "Y-you!" Tanging nasabi ko subalit wala na siya sa aking harap. Ni hindi ko nahagilap kung saan siya nag-punta. Nakakainis na talaga. If I were used to be like this famous individual for sure I'm not gonna supposed to feel this way. Pakiramdam ko, ako parin si Katie na nerd at pinaglalaruan lang ng kung sino. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na ang malayo kong destinasyon. Lahat ng estudyante sa loob ng room ay nakatitig lang sa akin. Nakakailang kaya napayuko ako. Hindi ako sanay sa ganito e. At hindi ko kailanman ninais na magkaroon ng mayaman at sikat na personalidad. If stable lang ang lahat, I'd rather be that Katie, even no one look high on me. At least bukod sa magiging simple ang lahat ay maiiwasan ko pa si Reijon. "Buti pa siya bagay mag-suot ng uniporme." "She's so gorgeous. But she's quite shy." "I'll be breaking with Samantha dude. Look at the goddess, she's the perfect girl na ipagmamayabang ng kahit sinong lalaki." "Miss Carter, take your seat. You are placed in the middle of...Mister Wu..." Sabi ni ma'am at animo'y may hinahanap pa sa classrecord niyang halos mahulog dahil sa kaba. Ini-angat ko ang aking sulyap sa sinabi ni ma'am kung saan ako dapat umupo. Nandoon nga si Reijon at panay pa-pogi sa mga babae. Ni hindi niya nga namalayan na nakatitig na sa akin ang lahat. Bakit ba siya ganito? Kung kaming dalawa lang panay ang pang-aasar niya sa akin, pero kung nasa public places na kami ay parang hindi ako lumilitaw. Well, just who am I, right? Ako lang naman ang pinagkasundo sa kaniya. At tiyak akong, ang layu-layo ko sa mga babaeng natitipuhan niya. Hays, why I have these thoughts anyway? Bahala siya sa buhay niya. I walked off to my chair at umupo. See? Parang wala siyang nakita. Ni hindi ako inasar ng mokong. Well, dapat nga maging masaya ako 'di ba? Kase hindi ako aasarin ng isang Reijon Bryce Wu! "...oh, you're here na pala. Come...introduce your self." At nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha nung Guwapong Cold kanina sa may hagdan na kakapasok palang. And we are classmates. Look at the girls, tila ay nakakita sila ng 'sandaang anghel. "Grae Hendryx Xi." ang tipid naman mag-salita. "Gosh, ang guwapo!" Puro na lang pag-puri ang naririnig kong sambit ng mga kababaihan sa loob ng room namin. Agaw eksena kase ang Mister Cold na ito. "And you'll be sitting beside Miss Carter." Napatayo ako nang walang preno nang marinig ko ang mga salitang iyon ni ma'am. "Whaaaaaat????! No way!!!!" Napalingon ako kay Reijon na nakatayo rin. At sabay pala naming sinigaw ang mga salitang iyon. In the end, lahat ay nagulat sa reaction namin ni Reijon. *END OF CHAPTER TWO*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD