CHAPTER THREE

1702 Words
Casanova's Heart _Gladizar Chapter Three ***KATELYN*** An awkward silence reign over the four corners of our room. Kahit ni isa ay walang nag-salita. Parang mga espadang naglaban-laban ang mga mata namin ni Reijon.  Pahamak ang mokong. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao ngayon? Baka may something sa amin? Naku! Ayaw kong ma-involve sa buhay na mayroon siya. Kahit gaano ako ka-tapang ay hindi ko kayang harapin ang mga babae niya. Remember, isa siyang casanova. "May problema ba tayo doon?" tanong ng guro. "W-wala naman po." sagot ko. "If that so, Mister Xi, sit beside Miss Carter." Napatingin ako sa lalaking katabi ko, kay Grae. Maka-Grae naman ako parang close kami. Ang ulol ko sa part na iyon. Nakatingin ako sa kaniya kasi naman ay kabago-bago niya palang dito ay parang siya ang may-ari ng paaralan. Natutulog lang naman kase siya. "What is RNA?" Tanong ni ma'am kaya lahat kami ay napatingin sa pisara. I hate this feeling! Iyong tipong in an instance ay tatawagin ka para sagutin ang tanong. Hindi naman sa hindi ako matalino, it just happened that, para akong nakalutang sa hangin. Nakakainis! "Mister Xi." Nakahinga kami ng malalim nang may binanggit na apelyido si ma'am. At si Grae nga ang natiyempuhan ni ma'am. Good luck sa sleeping handsome na ito. Nakatingin ako sa kaniya habang natutulog siya at nagpapatugtog pa. Sumusungaw pa ang tugtog kaya alam kong nakikinig siya ng musika. "Kapag ito hindi nakasagot, pagtatawanan ko ito." Marahan kong bulong. "I heard you," sabi niya sabay tingin sa akin kaya kinilabutan na naman ako nang marinig ang boses niya. "Ribonucleic acid is a polymeric molecule essential in various biological roles in coding, decoding, regulation and expression of genes. RNA and DNA are nucleic acids. Along with lipids, proteins, and carbohydrates, nucleic acids constitute one of the four major macromolecules essential for all known forms of life." He answered while his eyes were closed. Hindi ko alam baki sa halip na mainis ay namangha ako. Ang lakas kase maka-pogi sa lalaki ang pagiging matalino. "Imagine, he's sleeping yet he is able to answer!" "Uwaaaaah! Hindi ko na kaya, naiihi ako!" Sabi ng isang babae at agad na tumayo sabay sabing, "excuse me ma'am!" Na tinawanan naman ng lahat. "Sara mo bibig mo, papasok na langaw kaka-nganga mo!" Napalingon ako sa nag-salita. Hindi ko alam ano nakain ni Reijon, bigla nalang natahimik at namumula. Ang mga kindat niya ay nawala na rin. Naka-simangot pa ang mokong. Hindi naman siya inaano. "Bakit ka ganiyan? Kinakausap ba kita ha?" "Hindi! Bumilib ka pa sa pakitang gilas na iyan. Tingnan mo nga ang kutis niya, 'di hamak na mas makinis ako, iyong mukha niya tingnan mo rin, mas guwapo ako riyan! Bilib na bilib ka pa riyan!" Muktal niya. "Pinagsasabi mo?"  Natugmaan ko kung bakit siya nagkakaganito. "E nakakabilib naman talaga! Hindi tulad ng iba riyan na panay pa-pogi lang ang alam at pangongolekta ng babae. Inggetero pa!" Pang-aasar ko sa kaniya. "Ako maiinggit? Hello! Ako ito 'no, ang guwapong mayaman na si Reijon Bryce Wu! Pinapangarap at hinahangaan ng lahat ng kababaihan!" Hambog niyang pagtatanggol sa sarili. "Noon iyon, hindi na ngayon. Lamang na lamang si Grae sa iyo! Utak pa lang, wala ka na! Diyan ka na nga," sambit ko at agad na nag-concentrate sa lesson ni ma'am. Hindi ko alam kung sa lesson ako ni ma'am nag-concentrate. Sa tingin ko, sa katabi kong guwapo e. Akala ko hanggang sa pagiging suplado lang siya kaso hindi e. Matalino rin pala siya. After ng klase ay agad akong nag-lakad papunta sa office ko. Naisipan ko kasi mag-pahinga muna, since may two hours na vacant. Habang naglalakad ako papunta sa office ko ay hindi ko sinasadyang marinig ang ingay na tila ba nag-aaway mula sa vacant room kaya pinuntahan ko ito. "Ngayon ka magma-tapang! You fuckin' nerdy dog!" Pagmamaliit ni Ayesha sa kawawang nerd sabay buhos ng pintura sa ulo nito. "Ayesha, I find it so boring," sambit ni Anika sabay hablot ng isang bagay mula sa kaniyang bag. "It would gonna be so fun if we'll make her uniform tattered!" Halos manlumo ako sa aking nakita. I still remember how I got bullied by the bullies. Nakakawalan ng gana mabuhay kapag na-encounter mo ang masalimoot na karanasan  na ito. Nasaksihan ko paano nila binuhusan ng pintura at ginupit-gupit ang uniporme ng kawawang biktima nila. Nasasaktan ako para sa babae kung kaya't naisipan kong lumapit at pigilan ang mga masasama kong pinsan. But then I couldn't do so... ...because of the victim is. Napaatras ako nang makita si Adeth na puno ng pintura at punit-punit na ang uniporme. Ramdam ko paano kumulo ang aking dugo habang mainit na dumaloy sa aking mga ugat. Gusto kong puntahan si Adeth, but I can't do it for now. Kilala ako ni Adeth lalo na't nakakaramdam ako ng awa sa mismong oras na ito. Memoryado na namin ang isa't isa. Kaya kahit nag-bago ang aking anyo ay makikilala niya ako dahil konektado ang mga puso at kaluluwa namin. Because Adeth and I are soul sisters. Hindi pa ako handa na makilala ako ni Adeth.  Alam kong hindi niya ako maiintindihan at alam kong magagalit siya kapag sinabi kong, ako si Katie na bestfriend niya. "Guard, anong ginagawa niyo dito?!" nilakasan ko ang ang aking boses kung kaya'y agad na nag-takbuhan ang mga pinsan ko. Bakit kasi nasira ang cctv sa area na ito? I saw Adeth on her knees while crying. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. I miss her so much. Gusto ko siya yakapin subalit hindi puwede. Gusto ko siya kamustahin agad subalit hindi puwede. Tumingala siya at tila nagulat sa kaniyang nakita. "H-Heiress Katelyn Carter?" Umupo ako at lumuhod sa kaniyang tapat. Hinubad ko ang aking chaleco at sinukbit ito sa kaniyang magkabilang balikat. Nakayuko lamang siya at animo'y ilang na ilang siya sa akin. Kahit ako rin sa posisyon niya ay iyon ang mararamdaman ko. Tinulungan ko siyang umahon at agad siyang gi-nuide tungo sa aking opisina. Sa aming paglalakad ay nakatanaw ang mga estudyanteng samo't saring reaction. Ngayon lang yata sila nakakita ng binully. Nakakainis na paaralan ito. "Ew, ano nangyari sa kaniya?" "Poor nerdy dog." "Scholar girl kase kaya ganiyan hahaha. Good for me, I can afford the payments here!" Nagtipon-tipon ang mga estudyante sabay kuha ng video. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya naman ay pinahinto ko ang walang imik na si Adeth. "You! All of you, put your f*****g phones down kung ayaw niyong isa-isahin kong sirain ang mga lintik niyong cellphones!" Hingal na hingal ako dahil sa galit ko. Dahil sa aking malakas na sigaw ay napaatras sila sabay bulsa ng kanilang mga cellphone. "Sa lahat ng bullies dito, siguraduhin niyo lang na hindi ko kayo maaktuhan! And if that so, hindi ko sasantuhin ang apelyido at mga magulang ninyo! Let me remind you also that this school is for learning not for bullying! I'm so disappointed!" Agad kong dinala si Adeth sa opisina ko. Nang makarating kami sa loob mismo ng office ko ay agad ko siyang dinala sa banyo para makaligo. Habang nasa banyo siya ay napasandal ako sa aking upuan. Damn those people! "Ang bait mo talaga my future wife. Akalain mo iyon, nag-ala Darna ka kanina?" Ini-ahon ko ang aking sulyap. Nasa harap ko naman si Reijon at heto na naman ang mga pang-aasar niya.  Naiinis na naman ako sa pang-aasar niya na kanina'y hinanap ko. Admittedly, hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Kapag hindi niya ako inaasar, hinahanap-hanap ko iyon. Kapag inaasar niya naman ako ay naiinis ako. "I just don't get it, bakit may mga taong mahilig mambully? Dahil ba gusto nilang ipakita na mas lamang sila? Para sabihin na kaya nilang e-under sa kanila ang ibang estudyante? So that they can show how powerful they are?" Sinulyapan ko ang lalaki na naka-upo sa aking harap. Nakatingin siya ng deretso sa aking mga mata kung kaya't bigla na lamang akong kinabahan. "I don't know. The only thing I know is that, you're heart and soul are beautiful." And everything turned into fireworks. Alam kong walang nakakakilig sa sinabi niya pero ramdam na ramdam ko iyon hanggang sa kaibuturan ng aking puso. I feel so appreciated. Don't get caught Katelyn, you might suffer the rest of your life. "Uhm." Sabay kaming napalingon sa babaeng naka-tuwalya. In fairness, maganda talaga si Adeth without glasses. I will remake her. I will let Ayesha and Anika see Adeth blooming and sprouting as a new her. Lumapit ako sa closet at binuksan ito. Humablot ako ng isang mamahaling dress at ini-abot ito sa kaniya at sinabing, "wear this." Umiling-iling siya at tinulak ang aking kamay. "H-huwag na po. Lalabhan ko nalang ang uniporme ko at susuutin ulit." "Please?" Pilit siyang ngumiti kahit na naiilang at agad na kinuha ang damit na hawak ko. After niyang makapag-bihis ay agad siyang naglakad papunta kung saan niya iniwan ang kaniyang bag. Ang hindi niya alam, habang nasa banyo siya ay pinalitan ko ang bag niya ng chanel mula pa sa Paris, kaya naman agad siyang yumuko at hinanap ito. "Tumayo ka na diyan, and bag sa upuan ay bag mo." Sabi ko. Tumingin siya sa akin at agad na tumayo. "Maraming salamat po, pero hindi ko po kayang bayaran ang lahat ng ito!" Histerikal niyang saad. Ang sarap batukan ng babaeng ito! Miss ko na siyang batukan. "Be my personal assistant. That is how you can pay me." "Waaaaaaah! Salamat po!" Masaya niyang saad. "Kapag nalaman ito ni Katie, sigurado akong matutuwa iyon." Biglang lumungkot ang kaniyang boses. I'm happy because you will be freed from those people. "Start ka na tomorrow. All you need to do now is to go home and relax. Ipapahatid kita kay Reijon...ooops, huwag ka nang tumanggi. Lahat ng sasabihin ko ay susundin mo." Sabi ko kaya naman napatango na lamang siya. "Kindly wait outside Miss PA. May sasabihin lang ako kay Katelyn." Biglang agaw eksena ang mokong. Nang makalabas si Adeth ay nabigla ako sa ginawa ni Reijon. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap ng napakahigpit. Simula noong nagkasundo ang mga magulang namin tungkol sa aming dalawa ay ngayon niya lang ako niyakap. I want to push him away but my heart says don't do that. Sa halip na itulak siya papalayo ay binaon ko pa ang aking mukha sa gitna ng kaniyang dibdib. And it feels right. "Puwede ba kahit ayaw mo sa akin ay huwag kang magka-gusto sa iba?" Naawang na lamang ang aking bibig nang sinambit niya ang katanungang iyon. *END OF CHAPTER THREE*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD