..."May Kahati Pala Ako sa Puso Mo"...

510 Words
..."May Kahati Pala Ako sa Puso Mo"... Akala ko tapat ka sa sumpaan natin, Na magmamahalan kahit pa hanggang libing, Na wala ng makakahadlang pa satin, Magkatuwang sa buhay at lahat ng pagsubok magkasama nating haharapin... Paniwalang paniwala ako sayo, Ginawa at binigay ang lahat para lang ika'y makuntento, Akala ko masaya ka sa lahat ng ginagawa ko, Na ako lang ang tanging nag mamay ari ng puso mo... Ngunit nagkamali ako, Dahil natuklasan ko ang lihim mo, Kahit anong galing mo sa pagtatago nito, Lalabas at lalabas din ang baho mo... Huling huli ko kayo sa akto, Ang sweet sweet niyo pa na parang kayo lang ang tao sa mundo, Di nahihiyang magharutan sa publiko, Nakakasuka ang mga ginagawa niyo... Siya pala ang babaing umagaw sa atensyon mo, Kahit masakit kailangan kong tanggapin ito, Na may kahati pala ako sa puso mo, At matagal niyo na pala akong niloloko... Sayang kung bakit ikaw pang minahal ko, Isang lalaking huwad ang pagkatao, Di makontento sa kung ano lang ang mayroon ito, Pinapalaya na kita di ka karapat dapat sa pagmamahal ko... ❣❣❣ ..."Kapag Tumibok ang Puso"... Noong minsang gusto kong mapag isa, Sa luneta ako dinala ng aking mga paa, Umupo sa isang sulok at iginala ang mga mata, Nag iisip ng kung anu ano habang pumapapak ng chichiria... Ang sarap mag relax habang nagbabasa, Simoy ng hangin nagpapagaan sa'king mga nadarama, Hay ang sarap talaga, Ng buhay kapag malaya ka pa... Habang aliw na aliw ako sa'king pagbabasa, Diko napansin ang taong pabalik balik na pala, Padaan daan sa harapan ko at patingin tingin pa, Hihinto't tititigan muna ako saka biglang talikod na... Nagtaka ako kung bakit siya ganon, Bigla akong kinabahan at umalis agad doon, Naglakad lakad ulit at palingon lingon, Kailangang makalayo ako sa lugar na 'yon... Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakasunod ka, Nataranta ako at di alam kung saan pupunta, Naisip ko, kung harapin na lang kaya kita, At least malalaman ko kung anong pakay mo sa'kin di ba?... Huminto ako't bigla kang hinarap para matapos na, Nasabi ko pa sa sarili ko na"baka sira ulo to ah", Tiningnan kita mula ulo hanggang paa, Sa tingin ko hindi naman kasi gwapo ka't maporma... Hay mga lalaki nga naman, Makikipag kilala lang pala kung anu ano pang gimik ang nalalaman, Madali lang naman magsabi basta't magalang ka lang, Di presko at hindi rin mayabang... Niyaya mo'kong mag jolibee, Pero agad akong tumanggi, Sabi ko"pauwi na kasi ako eh", Sagot mong bigla "hatid na lang kita pwede!.. "araw araw nagpapadala ka ng mga bulaklak, At kung anu ano pang regalo ang aking natatanggap, Bawat padala mo may mga note's at sulat pang nakaipit, Napapa wow na lang ako't napapapikit... Hay heto na naman ako, Tumitibok na naman ang puso ko, Dina nadala sa paulit ulit na pagka-bigo, Pero mahirap kalabanin at utusan ang puso... Nong maging tayo ng dalawa, Binusog mo ako sa pgmamahal na kakaiba, Di ako nagkamali ng mahalin kita, Dahil sa piling mo ako'y masaya't maligaya... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD