..."IKAW"...
Noong una kitang makita,
Ikay binali wala ng pusong salawahan,
Dahil takot ng madanasan,
Ang sakit na naranasan...
Araw ay lumipas,
Sa isip ko ay di kumupas,
Mukha mung nasulyapan,
Lagi kung binabalikbalikan...
Mukha mong kay amo di ko na malimutan,
Sa puso ko tila ikaw ba ang kailangan!
At sa pungay ng yong mata lubos na nabighani,
Tila ba mga bituin sa akin laging nag niningning...
Pag ibig kung aba,
Sayo ay may pangamba,
Dahil nais kung ipadama,
Tunay na pag sinta...
Nang kitay nakilala na,
Buhay koy nag-iba,
Pusong dati'y may pangamba,
Ngayon binigyan mo ng pag asa...
Oh aking mahal,
Sa kin di dapat na mabahala,
Pag ibig mung wagas,
Sa akin ay may katumbas...
Buong buhay koy iaalay sayo
Pag mamahal na wagas at totoo
At magpakailan man,
Ako'y iyong karamay mo...
Sa hirap at ginhawa,
Tayo'y laging magkasama,
Di tayo patatalo,
Kahit anung pagsubok man sa mundo...
Sinta kung iniirog,
Puso koy labis mong kinalabog,
Ng pag ibig mung dalisay,
Sa puso ko nanalaytay...
Ikay lang ang mamahalin ng tunay,
wagas at dalisay,
Di padadala sa nino mang mapamintas,
Dahil d2 sa aking puso,
walang ibang bukod tangi kundi,
Ang nag-iisang "IKAW"...
❣❣❣
.."Pagmamahalan"...
Sabi mo mahal mo ako,
Na wala ng iba pa sa buhay mo,
Na tanging ako lang ang nagpapasaya sa'yo,
Na ako ang katuparan ng mga pangarap mo...
Sabi mo pa masaya ka na pag magkasama tayo,
Yong magkahawak ang kamay habang nglalakad at di alam kung san patungo,
Masayang nagkukwentuhan habang kumakain ng banana Q,
Sabay inom ng buko juice kapag nabubulunan na ako...
Sa mga jokes mong nakakatawa,
Sa mga kuwento mong kakaiba,
Sa mga katangian mong ito napapahanga akong talaga,
Sana lagi tayong ganito kasaya at walang pinoproblema...
Bawat salita mo pinapaniwalaan ko,
Bawat utos mo sinusunod ko,
Lahat ng gusto mo binigay ko sa'yo,
Mapatunayan ko lang ang pagmamahal ko sa'yo...
Lagi kong tanong sa'yo,
"mahal mo ba talaga ako?,
Biglang tingin kana lang sa'kin sabay sabing "OO",
Dalawang letra lang yang narinig ko,
Pero hanggang langit ang kaligayahang nararamdaman ko...
Masarap ang umibig,
Lalo na't totoo ito at di pilit,
Kahit na nga kung minsan nagdudulot ito ng pasakit,
Balewala pa rin dahil sa kaligayahang nakakamit...
Kahit na kung minsan,
Ang tampuhan ay di maiwasan,
Pero madali lang nasosolusyunan,
Konting lambingan lang ang kaylangan...
Sa dalawang taong nagmamahalan,
Tiwala't respeto lang sa isa't isa ang kaylangan,
Para tumagal ang relasyong iniingatan,
Ng di mabubuwag ng kahit na sino pa man...
❣❣❣