..."Hulog ng Langit "...
Noong minsang ako'y nagmamadali dahil late na saking pupuntahan,
Diko napansin ang lalaking nakatayo saking dadaanan,
Nagulat na lang ako ng kami'y nagkabanggaan,
Tumalsik talaga ako dahil sa laki ng kanyang katawan...
Diko agad nakuhang tumayo kahit ako'y pinagtitinginan,
Dahil sa sakit na aking naramdaman sa bandang likuran,
Nagulat na lang ako pagtingin saking harapan,
May mga kamay na umaabot sakin para ako'y tulungan...
Nang ako'y tumingala para malaman kung sino,
Nanlaki ang mga mata ko dahil siya ang lalaking nakabanggaan ko,
Kaytamis ng ngiti sa labi nito,
Diko napigilang mapatitig dito...
Ang bango niya sobra,
Napapapikit ako dahil sa amoy niyang nakakahalina,
Diko napansing ako'y tinititigan na pala niya,
Pati kamay ko'y hawak pa rin niya...
Ilang araw na ring nangyari yon,
At nakalimutan ko ng insidenteng iyon,
Pero isang araw nagkita kami ulit ng lalaking yon,
And this time dina siya pumayag na basta ko na lang iwan doon...
Niligawan niya ako't napa ibig,
At sa piling niya ang kaligayahan ko'y abot hanggang langit,
Pagmamahalang parang isang pangarap na aking nakamit,
Isa siyang anghel na sakin ay hulog ng langit...
❣❣❣
...PATAWAD MAHAL KO!...
Alam kong marami akong pagkukulang,
Maraming bagay na nakalimutan at nakaligtaan,
Diko man lang naisip na kita'y napabayaan,
Unti unting nawala ang tamis ng pagmamahalan...
Nasaktan ko ang yong damdamin,
Sana mahal ko ako ay yong patawarin,
Bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon na kita'y ibigin,
Madugtungan ang pagmamahalang iningatan sati'ng puso't damdamin...
Wag mo sanang isipin na di kita pinahalagahan,
Ikaw ang buhay ko at tanging kaligayahan,
Nagkamali man ako ito'y aking pinagsisisihan,
Ang mawalay sa piling mo ay diko makakayanan...
Sana bumalik ka na sa piling ko,
Sana mapatawad mo na ako,
Sana bumalik na ulit ang mga ngiti sa labi mo,
At dina luha ang makikita sa mukha mo...
Sana maging masaya't maligaya ulit tayo,
Sana matupad at mangyari pang mga pangarap nating binuo,
Sana lahat ng hiling at dasal ko,
Ay dinggin ni LORD dahil tanging sya lang ang sandigan at makakapitan ko...
❣❣❣