...Mahal Kita Maging Sino Ka Man...

462 Words
...Mahal Kita Maging Sino Ka Man... Adik ka sa paningin ng iba, Barumbado ka pag kasama mong iyong mga kabarkada, Suwail kang anak para sa mahal mong pamilya, Pero para sa akin dakila ka... Hinusgahan ka nila sa panlabas mong anyo, Pero di nila nakikita ang totoong pagkatao mo, Na tanging ako lang ang nakatuklas at nakaalam nito, Na isa kang tapat at mapagmahal na tao... Para akong isang berhen kong sambahin mo, Binibigay mong lahat ng makapag pasaya sa mahal mo, Dika lang mapagbigay kundi lahat ginagawa mo, Dahil para sayo basta't nasa tabi mo lang ako kompleto ng buhay mo... Minahal mo ako ng sobra sobra, Na diko alam kung ito'y matatapatan ko ba, Pero tanging hiling mo sakin basta't di lang kita iwan yon ang mahalaga, Na dimo na kailangan ang kahit na anupa... Lahat ginagawa mo, Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, Kahit na nga itinakwil ka ng mga magulang mo, Kinaya mong lahat basta't kasama mo lang ako... Astig ka at iniilagan ng iba, Kapag magkasama tayo lahat nakatingin na para bang nagtataka, Dahil sa porma mong kakaiba talaga, Na kahit nga ako minsan napapalatak at napapahanga... Wala na akong pakialam, Basta't masaya ako sa ating pagmamahalan, Kahit na lahat sila hinuhusgahan ka at inaayawan, Ito lang ang yong laging tandaan mahal kita maging sino ka man... ❣❣❣ ..."Tayong Dalawa"... Noong dipa kita kilala, Padaan daan ka lang na parang walang nakikita, Inis pa nga ako dahil ang ingay mo't lakas tumawa, Kunwari deadma lang ako at dika nakikita pero deep inside kinikilig na nga... Matagal na'kong may gusto sa'yo, Pero ni isa sa mga kaibigan ko walang nakakaalam nito, Masekreto at magaling kasi ako magtago, Kaya nanatiling lihim ko lang ito... Ngunit diko inaasahan, Na sa'kin ay may pgtingin ka rin naman, Ibinuko ka ng iyong kaibigan, Nalasing kasi sa isang inuman... Tuwang tuwa ako sa nalaman ko, Diko akalain na gusto mo rin pala ako, Kay gaan gaan ng pakiramdam ko, Iniisip ko kung ano kaya ngayon ang gagawin mo... Naghintay ako sa'yo, At hindi rin naman ako nabigo, Dahil isang araw nilapitan mo ako, Nagpakilala't naging mgkaibigan tayo... Ang galing mo pa lang kumanta, At lagi mo akong hinaharana, Andami mo pa laging dala, Lalong minahal tuloy kita... Ang lambing mo sobra, At ang sarap mong mag alaga, Maasikaso ka pa nga, Lahat ay iyong ginagawa... "kahit minsan dimo ako pinaghintay, Pag naglalakad tayo lagi kang naka-alalay, Gusto mo pa laging magkahawak ang ating mga kamay, At sa lahat ng bagay gusto mo lagi tayong mgkasabay... Ang sarap sarap mong mag mahal, Kaya ang pag sasama natin ay tumagal, Di alintana lahat ng problema't mga sagabal, Dahil mag kasama tayong dalawa sa pagharap nito at pag darasal... ❣❣❣
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD