MFLP : Stranded On You - Chapter 14

1628 Words
Nasa loob na sila ngayon ng bahay ngunit pinoproseso pa rin ng utak niya kung ano ang nangyari. Hindi ito inaasahan ni Angie kaya nagulat din siya. Oo, hinalikan lang naman siya ni Liam at ito'y napakatamis. Ito ang kaniyang unang halik at mahihinuha niya na walang makakatalo sa unang halik. Gayunpaman, nanauli siya sa kaniyang katinuan. Paano kung ginagamit lang siya ng taong ito? O normal lang para sa lalaking ito na makipag-fling sa isang may gusto sa kaniya? "Wait! What are you doing? Are you doing this to every girls you know who likes you?" kinumpronta niya ang lalaki. "What? No! You see, I may not be a good person before but this whole accident thing is maybe my turning point. I like you," tapat na wika ni Liam at tumingin pa ito nang diretso sa kaniyang mga mata. "You know, there's a huge difference between like and love. I don't want to be one of those girls who just passed by in your life. If you're not sure of your feelings then stop this right now," mariin niyang sabi. "Please give me a chance to prove it. Why are you holding back?" "Why am I holding back? Because most of the guys are just like my father. They can't be contended with one woman," laging emotional si Angie kapag ang pag-uusapan ay ang kaniyang mga magulang. "I'm not like your father. Please let's give it a try," naging emotional na rin si Liam, palibhasa'y nahihirapan siyang kumbinsihin si Angie. "I don't know you. You're just a stranger. How am I suppose to trust you?" "Sometimes, the people whom you know are the ones who will hurt you. And because you trusted them for so long, you can't easily forgive them," sabi niya habang hinahawakan ang dalawang kamay ni Angie. Ang kaniyang asul na mga mata ay sobrang expressive. Ang init ng kaniyang mga kamay ay dumagdag din dito. "Can't you give us a try?" maluha-luhang wika ni Liam. Tumatagal nang ilang sandali bago nakasagot si Angie. Sapagkat naglalaban ang kaniyang puso't isip. Sinabi ng kaniyang isip na 'hindi' ngunit sumasalungat naman ang kaniyang puso. "Okay," wika niya habang umiiyak. "What do you mean 'okay'?" halu-halong emosiyon din ang naramdaman ni Liam. "L-let's try," nauutal siya dahil nakaramdam siya ng pagka-asiwa. Ito ang unang pagkakataon na pumasok sa siya sa isang relasyon, ang bagay na kinaiinisan niya noong una. Akala niya ay ayos lang na mag-isa siya sa buhay. Ngunit nang dumating si Liam sa kaniyang mapayapang mundo, nagbago ang mga bagay sa isang iglap lamang. "Thank you babe," he kisses her once again. He just can't contain his feelings and wants to take it to the next level. However, Angie is quick enough to halt him. "Wait. Let me just clarify this to you. Yes, we are in a relationship but that doesn't mean you can do what you want to do to me. Don't get me wrong, if you really want to try this relationship you'll have to respect me. I strongly believe in marriage and I disgust premarital s*x," pagdiriin ni Angie. "Oh I'm sorry, I just can't contain my hapiness. Promise, I'll set my limit," itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay para sumumpa. "Thank you," napangiti si Angie. Si Liam naman ay nakatingin pa rin sa kaniyang at manghang-mangha. Hindi tuloy maiwasang maasiwa si Angie. "What?" "I just can't believe I can now look at your beautiful face freely," he projects that signature smile again. "Mao'y nakahatag dangat ning imong pahiyum ba," pabulong na wika ni Angie. ("'Yang ngiting 'yan, pahamak talaga eh," pabulong na wika ni Angie.) "What?" hindi ito naintindihan ni Liam. "I said, go back to the inn now. I'll prepare your dinner, sir." "Can I have that one last kiss before dinner?" he pleads. "Hey, you're too much already. You'll gonna end up getting bored with it later," pinandilatan ito ni Angie. "Okay, I going now. See you in a bit, babe." Masayang bumalik si Liam sa loob ng tinutuluyang inn. Hindi niya inaasahan na maging sila na ni Angie. Malaya na siya ngayong ipadama dito ang kaniyang pagmamahal. Tila naging teenager siya uli sa nararamdaman niya ngayon. Marahil ganoon nga siguro pag-umiibig, magmumukhang engot at magiging corny dahil sa kaligayahan na nararamdaman. Sa kabilang banda, ganoon din ang naramdaman naman ni Angie. Abot-langit ang kaligayahan niya kahit pa may konting kaba sa pinasok na sitwasyon. Hindi niya rin inaasahan na maging ganoon kabilis gibain ng pag-ibig ang matibay na pader na nakapalibot sa puso niya. Ala-siete na nang gabi ng tawagin na si Liam para sa hapunan. Imbes na sa inn niya dalhin ang pagkain, pinili niyang sa bahay na lang ito yayaing kumain. Naninibago siya sa pagiging maalalahanin ni Liam. Sinasalinan nito ng tubig ang baso niya at nilagyan ng pagkain ang plato niya. At nang akmang susubuan siya nito, may biglang pumasok sa bahay niya. Nakalimutang isarado ni Liam ang pinto noong pumasok siya kaya ang taong iyon ay nakatingin na sa kanilang sweetness moment ngayon. "Am I missing something?" pinutol ng Anna ang sweetness moment ng dalawa. Sa sinabing iyon ni Anna gulat na gulat ang dalawa at hindi agad naka-react. Hindi lamang dahil may biglang pumasok kundi dahil nahuli sila sa ganoong sitwasyon. Ang akward! Naibagsak pa ni Liam ang kutsara nang hindi namamalayan pero hindi pa rin makapagsalita si Angie. "Hmmm. Carry on, I'll go back now. I just came to give you this," inilapag ni Anna ang pagkain sa mesa at nang akmang aalis ito, nagsalita agad si Liam. "What you see is what you get. We're together now," confidently, he says. Hindi makapaniwala si Anna narinig. Ibinaling niya ang kaniyang paningin sa direksiyon ni Angie at umaasang makakarinig na magandang paliwanag. "I uh... I can explain. Sit down please," nanginginig si Angie sa kaba, palibhasa'y nahihiyang mahuli sila sa ganoong sitwasyon. Umupo naman si Anna sa tabi ni Liam, kaharap ni Angie upang bigyang pagkakataon na marinig ang panig ng kaibigan. "Go on," seryoso wika ni Anna na nakatingin nang diretso sa mga mata ng kaibigan. "Kalit ra giyod kaayo. Wa man ko'y planong mahigugma niya ba, ambot ba ug ngano pero nakamata na lang ko nga ingon ani," pagtatapat ni Angie. ("Ang bilis lang ng mga pangyayari. Ni hindi ko namalayang isang araw nagising na lang ako na in love sa kaniya," pagtatapat ni Angie.) "Kabalo ko, ako'y niingon nimo nga pangita ug kauban sa kinabuhi pero wa ko niingon nga ka nang imong pangitaon ay estranghero. Ug binuangan ka ana niya, kaya nimo? Asa man nimo siya pangitaon? Bugo ka ba?" naging prangka si Anna. ("Alam kong ako ang nag-udyok sa'yo na maghanap ng mapapangasawa, pero hindi ko sinabi sa'yo na estranghero ang hanapin mo. Paano kung lokohin ka lang nito, makakaya mo ba? Saang lupalop mo siya hahanapin kung buntisin ka lang? Bobo ka ba?" naging prangka si Anna.) Nang marinig ni Liam na pinagtaasan ng boses ni Anna si Angie, napilitan siyang sumabad. "I don't understand what you're saying but, please don't shout at her. Talk to me instead," wika niya kay Anna pero pinandilatan lang siya nito. "Timan-i ni ha. Ayaw lang giyod ihatag imong pagkababaye samtang di pa mo kasal. Kay looy kaayo ka kung biyaan ra ka pagkahuman. Utok gamita dili ang kasing-kasing, mao biya nga ang utok gibutang sa taas para mokontrol sa kasing-kasing masalaypon," sinermunan ni Anna si Angie at makatuwiran naman talaga ito. ("Isaksak mo sa kokote mo 'to ha. Huwag na huwag kang pabubuntis hangga't hindi kayo kasal. Dahil ikaw ang kawawa kung iiwanan ka lang nito. Utak ang gamitin mo. Kaya nga inilagay ang utak sa ulo para kontrolin ang mapandayang puso eh," sinermunan ni Anna si Angie at makatuwiran naman talaga ito.) "Thank you. I'll keep that in mind," naging mapagpasalamat pa rin Angie at may kaibigan siya na tapat magpayo sa kaniya. Totoo naman talaga, ang mga padalus-dalos ang siyang nagiging miserable. "I'll get going," wika ni Anna sa dalawa. "We'll send you home. It's dark outside," pagkukusa ni Angie. "Okay." "Babe, we'll send her home," nakangiting wika ni Angie kay Liam. Nakahingang-maluwag si Liam pagkatapos ng kumprontasiyon na iyon. Wala siyang naiintindihang salita sa sinasabi ni Anna pero alam niyang nag-aalala lang ito sa kapakanan ni Angie at resonable naman ito dahil dayuhan lang naman siya sa islang ito. Pero tapat ang hangarin niya para kay Angie. Ginamit nila ng trak upang maihatid pauwi si Anna. Si Angie pa rin mag magmamaneho habang sina Anna at Liam ay nasa likuran. Nang mapadaan sila sa bukid, biglang nakakita si Liam ng mga imahe sa kaniyang isipan. Umiling-iling siya ngunit nahihilo siya sa mga nakikitang larawan. "Argh!" napasigaw si Liam. At gulat ay nataranta si Anna kung kaya sumigaw sa likuran upang sabihan si Angie na itabi ang trak. "What's wrong?" wika ni Anna. "I think... I think I was here before. Those images are quite scary," sinikap niyang magsalita. At umakyat agad si Angie sa kinaroronan ng dalawa sa likuran ng trak. "Babe, are you okay?" nag-aalalang wika ni Angie. Inilibot ni Anna ang paningin sa paligid at nakumpirma na ito ang bukid nila kung saan natagpuan nilang na-aksidente si Liam. "This is where you got accident," wika ni Anna. Iginala ni Liam ang mata sa paligid at biglang naalala niya lahat ng nangyari sa kaniya. Maging ang traumatic na aksidenteng iyon ay naalala niya. Na-overwhelm siya sa mga eksenang nakikita niya kaya parang kinakapos siya ng hininga at hinihingal siya. "I remember it all!" bulalas niya. "What!" sabay na tugon ng dalawang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD