Mapanglaw ang umaga ni Angie. Tumingin siya sa paligid ng bahay at umaasang makita kahit ang anino man lang ni Liam. Napagtanto niya na miss na miss na niya ito. Bawat sulok ng bahay ay naaalala niya ito. Naalala niya ang mga panahong magkasama silang nagkakape, tinulungan siya sa mga gawaing sa bahay at ang maghapunang magkakasama. Alam niyang nang mga panahong iyon ay sinisikap ni Liam na mapanatili ang kanilang distansya sa isa't-isa, subalit hindi napigilan ni Angie na manaka-naka ay lihim niyang pagmasdan ang mga ngiti nito na ngayon ay miss na miss na niya. Talagang pinahalagahan ni Angie ang mga pagsisikap ni Liam na gawin ang mga bagay na marahil ay hindi karaniwang ginagawa. Bagama't hindi sanay si Liam na gawin ang mga bagay na iyon, ginagawa niya pa rin ito nang masaya, ni hindi siya nagreklamo. At itong ang hindi makakalimutan ni Angie. Iniisip ni Angie na baka nagkamali lang siya ng akala tungkol sa pag-uugali nito noong una silang nagkita. Dati-rati, hindi siya nagkaroon ng anumang interes sa sinumang lalaki na umaaligid sa kaniya, dahil napakatibay ng pader na nakapalibot sa puso niya. Ngunit ngayon tila ang pader iyon ay unti-unting nang bumabagsak. Ang nakakalungkot lang ay kung kailan naman nagsimula siyang buksan ang kaniyang puso para magmahal, saka naman naglaho ang taong handa niyang papasukin sa puso niya.
"Move on day kay dili 'to siya para nimo," payo niya sa sarili.
("Move on, 'te. Hindi siya para sa'yo," payo niya sa sarili.")
Ipinagpatuloy ni Angie ang kaniyang pagsasa-ayos ng mga dekorasyon sa bagong renovated na inn. Habang nagsisimula na siyang ayusin ang mga alak at kopa, may taong nag-doorbell. Nagtataka siya dahil wala naman siyang inaasahang bisita. At wala namang bibisita nang ganoon ka-aga. Pagkabukas niya ng pinto, hindi agad naproseso ng utak niya ang nakikita. Hindi niya alam nanaginip ba siya o sadyang nami-miss niya lang talaga ang lalaki na maging ngayon ay nakikita na niya ito.
"Good morning! Do you accept guest? I can't see signage or name but I assume this is an inn," nakangiting wika ni Liam sa kaniya. That smile again!
"Nabuang naman siguro!" wika niya sa sarili.
("Nababaliw na ata ako!" wika niya sa sarili.")
Tulala pa rin siya at hindi makapagsalita.
"Hey, it's me Liam," kumaway pa si Liam para makuha niya ang atensiyon ng kaharap. "I asked if you're accepting guest," patuloy niya.
"Y-Yes. Welcome to BMB Inn," sa wakas nagpagsalita na rin siya. Nauutal pa siya sa kaba nang makumpirmang hindi siya nananaginip. "P-Please come in," patuloy niya habang ginagabayan niya ito papasok ng inn. Ang BMB ay daglat ng Book, Music and Bed, na kung saan ay akma sa tema ng kaniyang inn.
"I read on your website that first customer has 15% discount in all length of stay. Am I elligible for it?" umupo si Liam sa sofa ng reception area.
"Well, we're still not open yet. You probably read it too that the operation will start next week. I'm expecting the signage today but my employees will arrive tomorrow. So that's why we haven't display the sign yet."
"Are you saying that you're refusing your fist guest? I have no where else to go...again," tumingin ito sa mga mata ni Angie at naasiwa si Angie.
"Yeah! I mean, yes y-you can stay," nauutal na naman si Angie dahil nakatingin pa rin si Liam sa kaniya. Ang mga kulay asul na mga mata nito ay nakakatunaw kung tumingin.
"Great! I can pick my room now?"
"Yeah. Please follow me," pagkatapos ay inihatid siya nito para pumili ng silid. Kahit na alam ni Liam ang lugar na ito, hinayaan niya pa ring ipakita sa kaniya ni Angie mga silid. At pinili niya ang isa na overlooking sa bundok. Iniisip ni Liam na perpekto ang tanawing nasa labas upang makatulong sa kaniyang isusulat na artikulo. Pagkapasok ni Liam sa kanyang silid, nakadama ng ginhawa si Angie. Napahawak pa siya sa balluster ng hagdanan habang pababa. Dahil nararamdaman niyang nanghihina ang kaniyang mga tuhod sa sobrang kaba. Halu-halong emosiyon ang maramdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na makaramdam siya nang ganoong para sa isang lalaki. Hindi niya mailalarawan. Umiibig na nga siya!
"Ay naku!" huminto siya sa paglalakad at napangiti habang dinadama ang puso na pumipintig nang sobrang bilis.
Pinagpatuloy niya ang kaniyang trabaho at dahil hindi pa dumating ang chef, siya na rin ang magluluto. Naghahanda siya ng napakasarap na lokal na putahe, ang adobong manok sa atswete.
Dumating ang oras ng tanghalian at tinawag niya si Liam upang makakain.
"Let's eat together," wika ni Liam.
"No, you're my guest," tumanggi siya pero sa loob-loob niya ay ganoon na lang ang dalangin niya na makasama uli ito sa pagkain.
"Come on, as if we're not friends. It's just yesterday we ate together in your house."
Nang marinig ang salitang 'friend', napagtanto niyang siya lang pala ang may nararamdaman. Para tuloy na pinaghihiwa-hiwa ang puso niya ng kutsilyo.
"So ito pala ang pakiramdaman ng umiibig, bitter sweet," she cries inside her heart.
"No, it's really fine. You're my guest and I need to be professional," mariin niyang sabi. Nasorpresa tuloy si Liam sa iginawi niya. Kailangan niyang ibalik ang dating Angie, ang maging manhid pagdating sa mga kalalakihan upang hindi siya masaktan. Tumalikod siya ka-agad pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon kaya't hindi na niya nakita ang reaksiyon ni Liam. Kailangan niyang hilahin ang sarili sa kumunoy ng damdamin na puwedeng magsapanganib sa kaniya.
Makalipas ang isang oras, kumatok si Liam sa pinto. Gusto niyang maidlip ngunit patuloy pa rin itong kumakatok at tumatawag mula sa labas.
"Yes, may I help you, sir?" ang kaniyang mga pananalita ay napakamagalang. 'Yong tipong pagtrato ng isang panauhin, hindi bilang isang taong kilala niya. Ngunit sa likod ng kaniyang isipan, gusto niyang atakehin ng suntok ang lalaki. Gusto niyang maidlip at magpahinga ngunit heto, ginugulo siya.
"Why are you calling me 'sir'? You're weird," kumunot ang noo ni Liam.
"Because you're my guest," simpleng tugon ni Angie.
"Alright. Whatever is eating you, I don't to want to know. But are we good?"
"Are we not?" binara niya ito.
"Alright I'll stop asking. I think you're not in the mood. I just came to ask favor. I hope you can take me to the beach later at sunset," wika ni Liam.
"Okay. Can I sleep now?" naiimbiyerna na siya.
"Oh, I'm so sorry if disturbed you sleeping. Alright, see you later then," he smiles again. That signature smile of him! Angie rolls her eyes thinking that he can't fool her with that smile again.
Nagka-ideya si Angie. Tinawagan niya si Kevin para ipasyal si Liam sa beach dahil natatandaan niyang inalok ni Kevin si Liam na ipasyal ito.
Samantala, si Liam ay hindi makapaghintay na makasama siya. Plano niyang aminin beach ang nararamdaman niya kay Angie. Bagaman hindi niya pa maalala ang kaniyang pagkatao ngunit hindi na niya kaya pang pigilan ang damdamin niya para kay Angie. Isa pa, natapos agad niya ang kaniyang artikulo nang ganoon kabilis. Palibhasa'y inspirado siya.
Alas singko na ng hapon nang dumating si Kevin. Na-dissapoint siya nang biglang sumulpot si Kevin sa saktong planong pagtatapat niya kay Angie. Kitang-kita niya kung paano tuwang-tuwa si Angie sa pagdating ni Kevin. Nasira tuloy ang mood niya. Nasasaktan siyang makita na malayang hinahawakan ni Kevin ang buhok ni Angie habang nagmamaneho. At mukhang gustong-gusto naman ito ni Angie kaya lalong nawalan siya ng ganang tumuloy. Nahihiya lang siyang mag-backout dahil siya ang may gusto na pumasyal. Para tuloy siyang third wheel sa likuran ng dalawang lovebirds.
"Joe, you're gonna swim later?" tanong ni Kevin. Hindi pa rin nito alam ang totoong pangalan niya.
"We'll see," matipid niyang tugon.
"You'll gonna love it. We'll swim so it'd be nice if you go with us."
"Oh yeah?" sabi niya habang kuyom ang isang palad. Paano niya naman magugustuhan ang ideyang iyon kasama ang dalawang lovebirds? Tuluyan nang sinira ng mga ito ang kaniyang araw. Dapat pagkakataon niya ito upang makasama si Angie manood ng sunset. Handa pa nga siyang magtapat ng damdamin para sa dalaga, ngunit tila hindi na ito mangyayari.
Ang dalawang lovebirds ay naglalaro sa buhangin, naghahabulan na parang nagha-honeymoon. Malapit na siyang sumabog sa galit at inggit. Hindi na niya kinaya pa ang nakikita kaya naman pinili na lang niyang mag-ikot sa dalampasigan upang ibaling ang kaniyang pansin sa ibang bagay. Naupo siya at pinapanood ang dramatikong paglubog ng araw. Napakaganda nito, kagila-gilalas. Nakalimutan niya may kasama pala siya at kung saan-saan na siya hinahanap ng dalawa.
"Hey, we've been looking for. Why didn't you tell us you'll gonna go around," naiiritang wika Angie sa may likuran niya.
"Are we going home now?" wika ni Liam habang pinapagpag ang mga buhangin na dumikit sa pantalon niya.
"Yeah."
At umalis na sila sa lugar. Gayunpaman, namayani ang katahimikan habang nasa biyahe sila pauwi. Walang nagtatangkang magsalita. Nakakagulat, ang dalawang lovebirds na ito ay masayang-masaya kani-kanina lang, ngunit ngayon ay para bang may tensyon sa pagitan nila. Pagdating nila sa inn, nagkusang magsalita si Liam.
"Thanks for taking me around, man," wika ni Liam habang palabas ng kotse.
"Welcome. I gotta go. Bye guys," malungkot na wika Kevin.
Nahahalata ni Liam na may hindi magandang nangyayari sa pagitan ng dalawa. Kaya't pagka-alis ni Kevin, tinanong niya si Angie.
"What's going on with you guys? You seemed happy earlier?"
"For all you care," nagtaray na naman si Angie.
"Why are you so crabby all the time?" hindi na rin napigilan pa ni Liam ang inis.
"What is has to do with you?"
"You're unbelievable. Are you always behaving like that?"
"You don't know me, okay? Why are back? And why do you came into my world and confused me?" galit na si Angie.
"What? What have I done to you?"
"Really? Oh come, I'm sure you're so expert in doing that little falling games. You just act so innocent and let the girls fall for you. And when they do, you just leave them hanging."
"What? You got it all wrong?"
"Oh really, then why are you here?" diretsahang tanong ni Angie pero hindi nakasagot si Liam.
"See? Argh! I'm so stupid. Well, congratulations you have made me reject Kevin for nothing," akmang lalayo siya kay Liam upang pumasok sa loob ng bahay pero mabilis itong nahawakan ni Liam sa braso.
"And why are you taking it against me?"
Angie scoffs in amazement.
"Are you blind or you're just numb? Can't you see that I like you?"
"What!" nagulat si Liam sa narinig.
"Argh! I can't believe I'm confessing to an insensitive man!"
Then right there, Liam, after hearing these words can no longer control his emotion. He suddenly grabs her waist and wraps his arms on her and kiss her. Angie is somehow shock and wanting to let go but Liam is determined not to. He instead kiss her so passionately that she can't resist and get carried away. They almost runs out of air. He's been wanting to do it since then.