[ORTIGAS CITY PHILIPPINES] Lunes ng umaga nang magtipun-tipon ang mga guro sa conference room. Sabik ang lahat na marinig kung sino ang Teacher of the Year awardee ng taong ito. Hindi naman ito pormal na eskwelahan, kundi isang ESL institute na pagmamay-ari ng isang Korean company. Madalas na estudyante nila mga Chinese at Korean. Ang top awardees ay makakatanggap ng incentives, allowance, at round trip to Korea ng tatlong araw. Kaya ganoon na lang umaasa ang ilan na maging Teacher of the Year. The long wait is finally over. Naglalakad na papasok ng conference room ang manager. "Good morning teachers," bati manager. Ang lapad pa ng pagkakangiti nito. "Good morning, Ms. Gia," bati din naman ng mga teachers. "First, I'd like to commend everyone for your hard work. Your dedication take

