[SEOUL, SOUTH KOREA] Linggo, alas onse ng gabi nang si Baek Hae Ra (백 해라) ay palihim na umalis ng bahay upang simulan ang night life sa labas. Minamaneho niya ang kaniyang 2019 model ng Audi 8 patungong Gangnam upang maghanap ng magandang lugar para makapag-release ng stress. Trenta anyos na siya at miserable ang buhay niya. Bagama't nag-iisang anak siya pero hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpasiya para sarili niya. Waring isa siyang sundalo na nabubuhay lamang upang sumunod sa mga utos. Mismong isusuot niya, kanino makikipagkaibigan, at maging ang kaniyang kurso noong kolehiyo ay ang ama niya nagdedesisyon. Habang nagkakaedad siya ay lalong dumadami ang panggigipit. Nais ng kaniyang ama pangasiwaan niya ang mga negosyo, na kailanman ay hindi niya iniisip. Pinangarap niyang maging

