MFLP : Stranded On You - Chapter 8

1731 Words
Awkwardness ang namayani sa eksena. Isang minuto na ang nakalipas ngunit wala sa apat na nakaupo sa sofa ang naglakas-loob na simulan ang pag-uusap. Ang dalawa, si Liam at Angie ay nakaupo sa tapat ng mag-asawa na sina Anna at Johnny. Tila naguguluhan si Anna sa nangyayari. Gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa ng lalaking ito sa bahay ni Angie. Pumunta sila sa bahay ni Angie para lang kumustahin ang kalagayan nito, ngunit nagulat sila nang makita ang presensiya ng lalaking ito na kinamumuhian nila. Tumingin siya kay Angie at pagdaka'y tumingin kay Liam. At pagkatapos ay tiningnan niya ulit si Angie ngunit sa pagkakataong iyon ay may halong hinala. "Hoy, ayaw ko lantawa ug sama ana ba," sa wakas nagpagsalita na rin si Angie dahil hindi nito nagustuhan ang tingin ng kaibigan. ("Hoy, huwag mo akong tingnan many ganiyan ah, " sa wakas nagpagsalita na rin si Angie dahil hindi nito nagustuhan ang tingin ng kaibigan.) "Wa pa ko'y gi-istorya ana ha. Defensive na kayo ka," wika ni Anna. ("Wala pa nga akong sinabi niyan ah. Napaka-defensive mo naman," she says.) "Kanang imong nilantawan man gud, lain kayo ug pasabot," depensa ni Angie. ("'Yang tingin mo kasi eh, parang may-ibig sabihin," depensa ni Angie.) "Ulahi na ba ko sa balita? Ngano'ng naa man ning taw-hana diri?" usia ni Anna. ("Huli na ba ako sa balita? Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?" usisa ni Anna.) Pareho pa ring tahimik ang dalawang lalaki at hinayaan na lamang nilang mag-usap ang dalawang babae. Kaya lang, walang ideya si Liam sa kung ano ang pinag-uusapan nila. "Nakurat bitaw ko aniya niya gahapon. Nikalit ra biya ni siya ug butho diri. Unya nihangyo ug mopoyo kay wa daw siya kaypoy-an. Gihatod biya siya sa police gani. Hasol kaayo, mao nga nisugot na lang ko. Motabang man daw pud siya diri," paliwanag ni Angie sa kaibigan. ("Nagulat nga lang ako kahapon bakit bigla na lang sumulpot 'yan dito eh. Hinatid siya ng police kahapon at nagmamakaawang patuluyin ko Siya hangang sa malaman ng police ang hotel na tinutuluyan niya. Ang kulit niya kaya pinatuloy ko na lang baka magpalaboy-laboy pa 'yan. Tutulong naman daw siya dito eh," paliwanag ni Angie sa kaibigan. ) "Uhm...English please," hindi na nakatiis si Liam sapagkat natatakot siya na baka may balak silang masamang gawin sa kaniya. Pinadilatan ni Anna si Liam habang napatiim-bagang. "Hey! One move, just one wrong move and I'll send you back to where you from with my foot," banta ni Anna sa lalaki. Sa takot napataas pa ng kamay si Liam na para bang sumusuko. "Hon, calm down. Can't you see? He needs help," nipigilan ni Johnny ang asawa na akmang sipain si Liam. "Hi, I'm Johnny," nilapitan ni Johnny si Liam para makipag-kamay dito. "Nice to meet you Johnny. I don't remember my name yet, but rest assured I'm not planning something bad to Angie or to everyone here. I just don't have a place to stay. I'm waiting for the police to find my hotel," seryoso ang tono ng boses ni Liam. "I understand. This is my wife, Anna," ipinakilala niya ang asawa niya ngunit nagsungit ito at hindi man lang naglahad ng kamay para makipag-kamay sa estranghero. "We found you at field that night of your accident and Angie drove you to the hospital," patuloy ni Johnny. "Oh really? I can't thank you enough guys for saving my life," maluha-luhang wika ng Liam. "Argh, if only I knew you're that jerk who left Angie with sprained ankle, I could have let you die down there peacefully," himutók ni Anna. Ngunit hindi nagustuhan ng asawa ang mga sinabi niya. "Hey, enough of that. We're not that type of persons. Can't we just be happy he's alive? Life is far more important than resentment," pagtutuwid ni Johnny sa asawa. "Sorry, I went overboard. You know mister, our Angie here went through a lot these days. I sincerely hope you'll not add to her burdens," diretsahang wika ni Anna kay Liam. "I know and I'm so sorry of what had happened back then. I may not remember anything but I am not that kind of person you think I am. I may did it unintentionally. Please give me a chance. Let's start over," inilahad ni Liam ang lamang kamay nito para makipag-kamay kay Anna. At tinanggap na ito ni Anna. "I think we're all close in age, so what are we gonna call you then?" tanong ni Johnny kay Liam. "White potato," sabad ni Angie. Sabay pang nagtawanan ang dalawang babae sa tuksong iyon. "Can you please give me a decent?" muntik nang mapikon si Liam pero sinikap pa rin nitong kontrolin ang sarili. "We call you Joe instead," mungkahi ni Johnny. "Sounds fine to me," sang-ayon ni Liam. "Guys please stay for lunch. Let this Joe here cooks for us, I am not sure if he remembers how to cook but let's try him," umusta na namang boss si Angie kay Liam. "I don't know how to cook local dish," wika Liam. "Then try your creativity. We have vegetables and chicken in the coop," tugon ni Angie. "That's a good idea!" sang-ayon naman ni Anna. Wala namang pagpipilian si Liam kundi ang sumunod na lang. Nangako pa man din siyang gagawin ang kahit ano para makabawi at simula pa lamang ito. Sinusubukan niya ang lahat na makakaya niya upang makaluto ng masarap na pagkain. Hindi niya pa nasubukang magluto ng foreign dish kahit pa sa kaniyang pre-amnesia life. Ang lagi niyang ginagawa ay i-dial ang telepono at hintayin ang delivery boy na kumatok sa kaniyang pintuan o kaya naman kumain na lang sa labas. Hindi siya pamilyar na sangkap na mayroon sila, kaya umaasa na lamang siya na anuman ang kalalabasan ng experiment niya ay maaari pa rin itong kainin. Nag-aalangan siyang dalhin ang pagkain nang makita niya ang tatlo sa mesa na nasasabik sa kaniyang ihahain. "F-food is coming," nauutal na wika niya habang papalapit sa Kanika. "Unsa kaha ang giluto niya?" curious si Anna sa ihahain. ("Ano kaya ang ihahain niya?"curious si Anna sa ihahain.) Nang mailapag niya ang pagkain, gaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ng mga ito ang inihain. "What is this?" tanong ni Angie habang nakakunot-noong tinitingan ang pagkain. "C-Chicken stew?" siya man din ay duda kung talaga nga bang mukhang nilagang manok nga ang kaniyang inihain. "Is that a question? Are you sure this is safe to eat?" alangan kumain si Johnny. "What happened to the chicken? You murdered them!" pintas ni Anna sa luto niya. "Well, you have to eat first," utos ni Angie. Napakamasunurin niya anupa't agad-agad na tumikim at sumunod naman ang tatlo. "Oh, it's not bad at all. Just the chicken looks deformed," wika ni Angie habang kinuha uli ang mangkok para kinuha uli ng ulam. "Thanks. I am relieve that at least you like the taste. It'll be better next time," Nakangiting sabi ni Liam na tumingin ng diretso sa mga mata ni Angie. Matagal na mula pa noong huling makakita si Angie ng genuine smile, bagay na nakakuha ng atensiyon ni Angie. Ang kaniyang asul na mga mata ay kumikislap tulad ng mga bituin sa kalangitan ng hatinggabi. At idagdag mo pa ang kaniyang cute na dimples at divided chin. "Cute naman diay siya kung magsmile,"on the back of her mind, she says. ("Cute naman pala siya kung ngumiti," on the back of her mind, she says.) Ito ang unang pagkakataon na nagtama ang kanilang mga mata. Gayunpaman mabilis na nakabalik sa katinuan si Angie at tumingin agad sa ibang direksiyon. Kahit na ilang segundo lamang nagtama ang kanilang mga mata ngunit ang sandaling iyon ay tiyak na hindi malilimutan. Ala-una ng hapon at umalis na ang mag-asawa. Yamang magsisimula ang renovation sa susunod na araw, hinihiling ni Angie kay Liam na tulungan siyang ayusin ang ilang hindi natapos na gawain kahapon. Nililinis pa nila ang silid kung saan tutuloy si Liam, ang silid ng kaniyang mga magulang. Mula nang mamatay ang kanyang ina, pumasok lamang siya sa silid upang maglinis. At nitong mga nagdaang buwan, hindi niya ito nalinis dahil nakatuon siya sa pag-aalaga sa kaniyang may sakit na lolo. "Joe, can you help me move that table?" wika niya hang tinuturo ang study table kaniyang ina. "Where do you want me to put this?" "Right in front of the window. Be careful, there is a brok..." "Aww!" She's unable to finish his words because Liam accidentally touches the edge of the broken mirror and blood flows from his cut. She quickly rush towards him. Hindi niya natapos ang kaniyang mga sinabi dahil hindi sinasadyang nahawakan ni Liam ang gilid ng basag na salamin at dumadaloy ang dugo mula sa hiwa nito. Mabilis siyang sumugod papunta kay Liam. "I said, be careful!" sigaw niya dito at hinawakan ang kamay ni Liam upang suriin ang sugat. Sa gulat ni Liam ay hinayaan na lang niyang suriin ng babae ang sugat niya. Mayroon lamang ilang pulgada ng agwat sa pagitan nila. Masusing pinagmamasdan niya ang mukha ng dalaga na abala sa kaniyang sugat. Dahil ang babae ay may tindig na 5'6", hindi siya nahihirapan na tumingin dito. Ito ang unang pagkakataon na makita niya ang dalaga nang malapitan. Kayumanggi ang balat ngunit tila malambot. Inilibot niya ang mga mata sa mukha ng dalaga at napagtantong hugis-pusong ang mukha nito at may mahahabang pilikmata. Ang kaniyang ilong ay katamtaman, hindi ganoon katangos, ngunit ang kaniyang mga mata ay kulay brown. Isang salitang mailalarawan niya sa babaeng nasa harapan niya, maganda! "It's just a small cut," wika ni Liam sa dalaga para tumigil na ito sa pagsuri sa sugat niya. "Wash it right away and put band aid on it so won't get infected. I don't wanna to drive you to the hospital again," sabi niya habang binitawan ang kamay ni Liam at tumalikod palayo. Nakakapagtaka, coldness ang nakikita ni Liam mula sa reaksiyon nito. Kahit na wala siyang natatandaan, ngunit nararamdaman niya na mayroon siyang kakayahan na hindi kayang labanan ng sinumang babae sa tuwing tinitingnan niya. Bagay na hindi ito umipekto kay Angie. Bago ito para kay Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD