MFLP : Stranded On You - Chapter 9

1557 Words
Madaling araw nang nagising si Liam sa ingay ng mga nag-uusap. Naririnig niya ang mga lalaking nagsasalita ng hindi pamilyar na wika mula sa labas ng kaniyang tinutuluyan. Sa lakas ng mga nagkakalampagang kahoy, bakal at pukpók ng martilyo, walang sinuman ang hindi magigising. Sinikap niyang bumangon upang tingnan ang nagaganap sa labas. Pupungas-pungas pa siya habang dinudungaw ang labas at nalaman niyang nagsimula na pala ang renovation ng lodging house ni Angie. Maya-maya may kumatok sa pinto. "Who is it?" wika ni Liam. "Would you care to help me prepare the breakfast?" "Alright I'm coming. Just a sec," matabang tugon niya, palibhasa'y hindi pa halos gising ang diwa niya. Gusto niya pang matulog nang matagal. "Come on, I need a hand," sigaw ni Angie sa labas ng pinto. 'I'll be right there," sumunod si Liam nang hindi namamalayang boxer short lang pala ang suot. Narating niya ang kusina na nakapikit pa rin ang isang mata. "Ay inang!" Gulat na gulat si Angie sa nakikita at napisigaw. Ang sigaw na iyon ang gumising sa diwa ni Liam. "What?" "Would you care to wear decent clothes?" Right then Liam realizes that he's half naked. "Oh I'm sorry. I only have two pairs of clothes in my backpack. I still have to wash my laundry later," he is a little shy realizing he is showing off some flesh to her. "Follow me," utos ni Angie. Sumunod naman siya dito hanggang sa makarating nila ang pinto ng silid ni Angie. Pumasok si Angie at nanatili siyang nakatayo sa labas. Ilang segundo ang lumipas ay bumalik si Angie dala-dala ang t-shirt at jogger. "Go change quickly," inabot ni Angie sa kaniya ang damit. "Thank you," maikling tugon niya. "Please hurry, I need help." Bumalik si Angie sa kusina at nagpatuloy sa paghahanda ng pagkain. Sumusunod din siya pagkatapos magpalit ng damit. Hindi siya komportable sa suot niyang jogger dahil medyo masikip at maikli ito sa kaniya, ngunit wala naman siyang pagpipilian. Ayaw naman niyang pagala-gala na kalahating hubad. Nakikita niyang pinipigilan ni Angie na matawa nang makita siya sa ganoong ayos ngunit hindi niya na lang ito pinapansin baka maging dahilan na naman iyon ng pag-aaway nila. Minalas niya na lang na hindi naman kabawasan sa p*********i niya kung palampasin niya na lang ito. Kung sabagay, kahit papaano ay sinagip naman ng babaeng ito ang buhay niya. Bahagi ng tradisyon sa islang ito na ang nagpapagawa ang magbibigay ng tanghalian para sa mga manggagawa, kaya abala sina Liam at Angie sa pag-aasikaso ng pangangailangan ng mga manggagawa. Gayunpaman, walang ideya si Angie na may isang tao sa kaniyang likuran, dahil siya ay abala sa pag-aasikaso ng pagkain. "Hi beautiful," bulong ng lalaki sa kaniyang likuran. Sa gulat ay halos mabitawan ni Angie ang plato. "Ay kagwang!" napasinghap siya. ("Ay bakulaw!" napasinghap siya.) "Kagwang gud tawon. Ka-gwapo nako." At lumingon si Angie sa pinanggagalingan ng boses. ("Bakulaw ka diyan! Ang guwapo ko kaya." At lumingon si Angie sa pinanggagalingan ng boses.) "Kevin!" napangiti siya nang makita ang dating kaklase. "Wa na'y lain pa!" bulalas ng lalaki. ("Wala ng iba pa!" bulalas ng lalaki.) "Kumusta naman ka? Maayo ka'y niagi ka," sabay tapik nito sa balikat ni Kevin. ("Uy kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita. Mabuti at napadaan ka," sabay tapik nito sa balikat ni Kevin.) Pinagmamasdan sila ni Liam na masayang nagkukuwentuhan. Kahit na hindi niya naiintindihan ang pag-uusap ng dalawa, pero sigurado siyang malapit ang mga ito sa isa't-isa. Napapangiti pa nga si Angie habang nakikipag-usap sa lalaki, bagay na umagaw din ng atensiyon ni Liam. Hindi niya lang naiintindihan pero may kung anong kakaibang damdamin ang unti-unting tumutubo sa kaniyang puso. Ang natitiyak niya lang ay nakakapanghalina ang ngiti ni Angie. Hindi nga lang para sa kaniya. Gayunpaman, hindi niya maalis ang kaniyang tingin sa mukha ng babae. "Single ra gihapon. Naa man gud ko'y gihulat," kumindat pa si Kevin kay Angie na para bang nagpapasaring. ("Heto, single pa rin. In fact I'm waiting for someone," kumindat pa si Kevin kay Angie na para bang nagpapasaring.) "Niagi ra ko para icheck ang mga trabahador," patuloy ni Kevin. ("Dumaan lang ako para tingnan ang mga tao ko," patuloy ni Kevin.) "Salamat kaayo sa discount, dako na kaayo ni ug ikatabang para makuhaan ang expenses. Unta sa after two weeks makasugod na mi. Dako man gud si lolo ug utang sa bangko," kuwento ni Angie. ("Thank you sa discount ah. Malaking tulong iyon para mabawasan ang gastusin namin. Ang laki kasi ng utang ni lolo sa bangko," kuwento ni Angie.) "So sorry to hear about your grandfather." At niyakap ni Kevin si Angie nang mahigpit. Pagdaka'y humahagulgol si Angie. Hindi na kinaya pa ni Liam ang eksena ng dalawa sa harapan niya. Hindi niya gusto kung paano yakapin ng lalaking ito si Angie. "Ehrrm," tumikhim si Liam para maistorbo ang dalawa na nagyayakapan. Agad na kumawala si Angie sa pagkakayap kay Kevin. "Oy kinsa man na siya?" tanong Kevin kay Angie habang tinitingan si Liam. ("Sino ba siya?" tanong Kevin kay Angie habang tinitingan si Liam.) "Ah, bisita na ko," tugon ni Angie habang pinapahid ang mga luha. ("Ah, bisita ko," tugon ni Angie habang pinapahid ang mga luha.) "Kevin, this is Joe. Joe, this is Kevin," ipinakilala ni Angie ang isa't-isa. "Nice to meet you, man," inilahad ni Kevin ang kamay para makipag-kamay kay Liam. "Same here," tinanggap naman ito Liam. "Where you from?" tanong ni Kevin. Hindi sigurado si Liam kung ano ang isasagot dahil hindi niya naman tanda kung saan siya galing. Kaya't tumagal ng ilang segundo bago siya sumagot. "U-United States," nauutal na tugon ni Liam. "Which part? I've been to L.A." Hindi na talaga alam ni Liam kung ano ang sasabihin kaya sumingit si Angie. "Uh, Joe thanks for your help. You can go back to your room. I can handle this," sinalo siya ni Angie. "Right, uh...just call me if you need a hand. I'll get inside now. Nice meeting you, man," at dali-dali niyang iniwan ang dalawa. Nang nasa loob siya ng bahay, patuloy niyang iniisip ang dalawa kung ano na ang ginagawa ng mga ito sa labas. Kaya sumisilip siya sa maliit na b****a ng bintana para mag-usisa. Ilang minuto ang lumipas, nabagot siya at nagpasiyang matulog na lang. Sa kaniyang mahimbing na pagtulog, may isang imahe na lumilitaw ngunit malabo. Nakasandal ang babae sa bintana ng barko. Pinagmamasdan niya ito dahil pakiramdaman niya ay kilala niya ang babaeng iyon, kahit pa malabo sa paningin niya ang mukha ng babae. Nahahalata niya na problemado ang babae. Gusto niyang pasayahin ito pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano pagaanin ang loob ng iba, lalo na sa isang estranghero. "Hey, excuse me. That's my seat." Ayaw niyang maging bastos ngunit iyon lang ang tanging nahagilap niyang sasabihin. Tensiyunado siya nang walang dahilan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba ng mga sandaling magsimula siyang magsalita. Ngunit hindi siya pinansin ng babae kaya kinuha niya ang kaniyang cellphone at lihim na kinuhanan ang ilang litrato ang babae. Ni hindi niya alam kung bakit kailangan niyang gawin iyon, ngunit may kung anong nag-uudyok sa kaniya para gawin iyon. "Hey, that's my... Oh you're that clumsy girl..." at biglang nagising siya nang hindi man lang nakita nang malinaw ang mukha ng babaeng iyon sa kaniyang panaginip. Gayunpaman, malakas ang pakiramdam niya na may koneksiyon sila. Abala ang mga manggagawa sa pagliligpit ng mga kagamitan. Napagpasyang lumabas si Liam upang alamin kung bakit hindi pa nakakabalik sa loob ng bahay si Angie. Nakita niya ito sa parking malapit sa truck kasama ang lalaking si Kevin. Inaayos ng dalawa ang mga tools sa kahon. Hindi niya matiis na panoorin na lang ang dalawa na masayang- masaya habang nagtatrabaho. Pakiramdam niya naghaharutan ang mga ito. "Hey guys, you need help?" wika ni Liam habang papalapit sa dalawa. "No, thanks man. You're our guest," wika Kevin. "No, I insist." "No, thank you." Akmang ilagay ni Kevin ang mga tools sa truck, ngunit sa bigat ay nahihirapan ito, kaya't mabilis na tumulong si Liam. Kaya lang, nang hayaan ni Kevin na buhatin ni Liam ang kahon ng tools, hindi kinaya ni Liam ang bigat at ibinagsak niya ang mga ito lupa. Sa kabutihang palad, si Kevin ay mabilis na umiwas at walang nasaktan. "Joe, let's talk privately," mariin na wika ni Angie. Dali-dali itong naglakad papasok ng bahay kung saan walang makakita o makaririnig sa kanila. Nang makapasok si Liam sa loob, sinalubong siya ni Angie. "What's wrong with you? Did you just try to limp him?" galit na wika ni Angie. "No, I was just trying help," inosenteng tugon ni Liam. At too naman iyon. "Help? Do you call that help? You almost cause accident again. Why you're always bringing disaster? I can't afford to lose this lodging house," hindi na napigilan ni Angie ang galit. "Sorry, I didn't mean to harm anyone." Nakaramdam ng lungkot si Liam nang mapagtantong muntik na naman siyang makadisgrasiya. "Stay away from the construction site, okay? If you can't do that then leave," pagdiriin ni Angie. At pagkatapos ay iniwanan si Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD