MFLP : Stranded On You - Chapter 10

1615 Words
Nakaramdam ng lungkot si Liam sa ginawa niya, kaya dumidistansiya siya sa kanila. Matapos tulungan si Angie sa mga gawain, hindi na siya lumalabas ng bahay. Bagkus ay pinili na lang niya na magbasa ang mga libro para hindi siya mabagot. Maraming mga libro sa kahon dahil plano ni Angie na magtayo ng isang mini library. Kaya naman ibinubuhos niya ang kaniyang panahon sa pagbabasa ng mga iyon, kahit na ang mga iyon ay mga lumang nobela. Nililimitahan niya talaga ang pakikisama kay Angie, sa takot na may magawa na naman siyang ikagagalit nito. Nag-uusap lang sila kung kinakailangan. Gayunpaman, may mga pagkakataon talaga hindi niya mapigilang lihim na pagmasdan si Angie mula sa malayo. Tuwing aali-aligid si Kevin kay Angie, hindi niya talaga gusto ang mga ikinikilos nito. Para bang may halong pang-aakit. Ngunit sino naman siya para tumutol? Isa lamang siyang banyaga na napadpad sa isla at may amnesia. Sa kabilang banda, nagkokonsensiya si Angie sa sinabi niya kay Liam ilang araw na ang nakakalipas. Gusto lang naman niyang iwasan ang anumang puwedeng maging sanhi ng kaguluhan, pero iniisip niya na sumobra ata siya at masyadong malupit sa banyaga. Nararamdaman niyang lumalayo si Liam sa kaniya. Hindi na siya nito ginugulo, ni tumututol man sa anumang sinasabi o iniutos niya. Napansin niya ring sobrang tahimik ni Liam nitong nagdaang mga araw. Matapos siyang tulungan, nagbasa na lang ito ng mga libro at binubukod ang sarili. Ito ang huling araw ng renovation at plano ni Angie na maghanda hapunan kasama ang kaniyang mga malalapit na kaibigan. At gaya ng kinagawian ni Liam, pagkatapos tumulong sa gawain ay nagkukulong na naman ito sa kuwarto at nagbabasa. "Joe," tumatawag si Angie mula sa kusina ngunit hindi sumasagot si Liam kaya't pinuntahan niya na lang ito sa silid ng kaniyang mga magulang. Kumatok siya pero hindi man lang sumagot kaya pumasok na siya. Natagpuan niya si Liam sa kama na nakahiga na may libro sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumalakad papunta sa mahimbing na natutulog. May kung anong nag-uudyok sa kaniya para pagmasdang maigi mahimbing na natutulog. "Whoa, he has long lashes. And his nose is so perfect, and the lips..." wika niya sa sarili habang giliw na giliw na sinusuyod nang tingin ang mukha ng lalaki. Nakakaramdam siya ng kakaiba tuwing tinitingan niya ang banyaga. Bumibilis ang pintig ng kaniyang puso na animo'y sumabak siya sa takbuhan. Hindi pa siya nakaramdam ng ganito sa buong buhay niya. Nagsimula lang ito noong ngumiti si Liam nang napaka-genuine. Matagal na palang nagising si Liam pero hindi niya ito napansin. Pinagmamasdan niya pa rin ito nang magiliw. "Y-yes?" Naasiwa si Liam kung bakit ganoon na lang ang tingin ni Angie kaniya. Ni hindi man lang napansin nito na gising na siya. Hindi narinig ni Angie ang sinabi niya. "Angie, are you okay? What's the matter?" patuloy ni Liam habang bumabangon at pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ni Angie. At nang maramdaman ni Angie ang mainit na pagdantay ng kamay nito sa balikat niya, nanauli bigla ang katinuan niya. "Huh?" ang tanging nasambit ni Angie, palibhasa'y hiyang-hiya ito na nahuli sa ganoong akto. Maya-maya pa ay napagtanto ni Angie na kaunting pulgada na lang ang agwat sa pagitan nila, kaya mabilis siyang umatras. "How long have you been here? I called you earlier but seems your mind is traveling somewhere," wika Liam. "I uh...,I called you earlier but you didn't answer so I decided to check you here. Still you didn't answer when I knocked so I went in. I...uh I just want to say we'll have dinner tonight at with some friends. It's a celebration because the renovation is already done," nauutal na wika ni Angie. "Oh do you want me to help you prepare the food?" "No. I just want to invite you, in case your free tonight." "Alright, I'll come." "Oh, wait. The police called, he's coming." "Really what else he said?" "Oh nothing in particular. He just wanted to inform you he's coming after his shift. Okay, I gotta go." "Thanks." Pinagmamasdan ni Liam si Angie na palabas ng silid. May mga katanungan na gumugulo sa kaniya. Sinusubukan niyang kumbinsihin ang kaniyang sarili na wala lang iyon. Alam niya rin pati na umaaligid si Kevin kay Angie. Nakikita niya na bagay na bagay ang dalawa. Bukod pa diyan, may napapanaginipan din siyang babae sa barko. Mahirap para sa kaniya na pagbigyan ang kaniyang ang kaniyang nalilitong damdamin dahil hindi siya sigurado kung ano ang kaugnayan niya sa babaeng iyon sa kaniyang panaginip. Iniisip niya na maaaring siya ay may-asawa bago ang aksidente. Alas siyete ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Angie. Siyempre, iyon ang mag-asawang Johnny at Anna kasama ang kanilang sanggol at si Kevin. Medyo naasiwa si Liam dahil pakiramdam niya date ng mga lovers ang hapunan na ito at sabit lang siya. "Joe, phow do you find this island?" bungad ni Kevin sa kuwentuhan habang nakaupo sila sa hapag-kainan. "Well, honestly I haven't explore the whole island yet." "No way! If you want I can drive you. How long are you gonna stay here?" Hindi alam ni Liam ang sasabihin. Dapat nilang ilihim ang kaniyang amnesia sapagkat siya ay nakatira sa bahay ni Angie, at iniiwasan lang nila ang tsismis na baka isiping nagsasama na sila. Malaking isyu pa naman sa isla na ito ang live-in. Mabuti na lang at may lodging house si Angie, kaya maaari nilang ikatuwiran na siya ay bisita lamang. Pinandilatan si Angie ng mag-asawa maya napilitan siya sumabad sa nag-uusap. "Uhm, a day after tomorrow, right Joe?" inapakan ni Angie ang paa ni Liam sa ilalim ng mesa. "Y-yeah," sang-ayon ni Liam. "Hey, let's not ask our guest some personal information. Why don't we talk about you instead? You're still single after all these years," iniba ni Anna ang usapan. "Alright. Well, nothing is exciting in my life. I have a boring life. Only if Angie aggrees to marry then it would be exciting," nakangiting wika ni Kevin. Seryoso man si Kevin sa sinasabi o hindi, hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay mapanatili ang lihim ni Liam. Parang nabunutan ng tinik ang mag-asawa nang maibaling sa iba ang usapan. Ayaw nilang maging usap-usapan si Angie sa buong bayan. Naging maganda naman ang takbo ng usapan at sinikap nila na hindi mapag-uusapan ang anumang bagay may kinalaman kay Liam. Habang nag-uusap sila, biglang may bosena sa labas ng bahay. Mabilis na lumabas si Angie upang tingnan kung sino ang dumating. Ang pulis pala. Agad niyang tinembrehan ang pulis na huwag banggitin ang anumang nauugnay sa amnesia ni Liam habang nariyan pa ang mga bisita niya. Nakisalo na rin ang pulis sa hapunan ng magkakaibigan. Pagkatapos, nagpasiya ang mga ito na uminom ng ilang mga bote ng alak. Pero hindi unimon ng pulis dahil kailangan niyang magmaneho pabalik sa bayan. Nang umalis si Kevin at ang mag-asawa, sinimulang talakayin ng pulis ang bagay tungkol kay Liam. "Good thing, we found your hotel!" masayang bungad ng pulis. Natigilan si Angie sa balita dahil hindi niya inasahan na maging ganoon kabilis. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon niya, pero alam niyang hindi iyon nagustuhan ng puso niya. "Really?" excited si Liam sa balita. "Yup. Good thing that after I showed to the manager the incident report and your hospital clearance, he agrees that you can come back to the hotel. I can take you there tomorrow even you still can't remember." "Can I help Angie first before I go back there? She needs help with those heavy boxes to be transferred in the inn." "No, you don't have to," Angie says. "I have to. That's the least I can do for." "Okay, if you insist." "So I'll pick you up tomorrow night?" the officer confirms. "Yes. Thank you, sir," Liam extending his hand for a handshake. "Alright. I gotta go. Thanks for the dinner, Angie. See you tomorrow night, Mr American."P Umalis na ang opisyal. Gayunpaman, nanatiling tahimik ang dalawa. Ayaw pa ring magsalita ni Angie dahil pinoproseso pa rin niya kung ano ang nangyayari sa kaniya at kung bakit makaramdam siya ng biglang kalungkutan. At ganoon din naman ang nararamdaman ni Liam. Ayaw niyang bumalik kaagad. Gusto niyang manatili ng ilang araw bagaman alam niyang hindi ito puwede. Iniisip niya na kung anong buhay meron siya bago ang aksidente. At na nais niya ring malaman kung may asawa at mga anak kayang naghihintay sa kaniya. Hindi niya basta hayaan na lamang ang kaniyang nalilitong puso na nagpasiya sa mga bagay-bagay nang ganoon kabilis. "Uh...Angie, I just want to thank you for all that you've done for me," sa wakas naibuka niya na rin ang kaniyang bibig. "You're welcome. Now you that they found your hotel, maybe you'll soon know your true identity." "I hope so. But I think my identity will still be useless if I can't remember anything." "You will recover your memory sooner. Trust me." "You know, in a weird way, I like this. I mean I like that I can't remember anything. It's because I have come to know great people like you guys. Probably in my real life, my life is boring and stressful. Because I feel I'm liking this." "What if you have wife and kids waiting for you. Would you still feel that way?" halatado sa tono ng boses ni Angie na malungkot siya. "I don't know," simple ngunit tapat ang pagkakasabi ni Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD