MFLP : Stranded On You - Chapter 11

1546 Words
Abala sila sa paglipat ng mga gamit mula sa bahay ni Angie patungo sa bagong inayos na inn. Bagaman kailangang buhatin ni Liam ang mga mabibigat na kahon na puno ng mga gamit, ginagawa niya ito nang masaya at walang reklamo. Habang inaayos naman ni Angie ang mga bagay sa loob ng inn ayon sa kaniyang plano. Ang sala, mini bar, silid-kainan at ang mini library na nakapuwesto sa bawat sulok ng inn. Matapos ayusin ang mga libro, tinulungan siya ni Liam na ilagay ang mga beddings at kurtina sa bawat silid. Ang huling bagay na kanilang ginagawa ay ang ibalik ang piano sa orihinal na lugar. "This is indeed a cozy inn, Angie!" bulalas ni Liam matapos makita ang resulta ng ginawa nila. "Yeah. Hopefully, I can pull this off. The bank will take this place if can't pay them at least half of the debt," nagpakawala si Angie ng buntong-hininga. "Of course you can! You just need to promote this online, like those booking websites. I can help you make the promotion. Do you have camera?" "I have digicam. Wait, I'll get it," at bumalik si Angie sa kaniyang bahay upang kunin ang camera. Samantala, habang hinihintay ni Liam si Angie na bumalik, umupo siya sa harap ng piano. Bagaman hindi siya sigurado kung marunong ba siya tumugtog bago ang aksidente pero naenganyo pa rin siya na subukan. Pinagpipindot niya na lang basta sa mga keys, at kahit hindi sigurado sa ginagawa ay aliw na aliw pa rin siya. Kakapasok lang ni Angie sa loob ng inn at nakita niya si Liam na nagpipindot na lang basta sa mga keys ng piano. Sa tuwa ay binuksan niya ang camera at kumuha ng ilang mga larawan. Aliw na aliw din siyang pinagmamasdan ang lalaki. "What song is that? I don't remember any song with that notes," tukso ni Angie dito. "How would I know? I just randomly pressing those keys. I don't know if I play piano before the accident," huminto si Liam sa pagtugtog. "Well, I'm sure you can't play. Because your hand formation is wrong," tumawa si Angie. "How about you?" "Of course I can play. What's the use of having piano if the owner can't play? Move a little." Pagkatapos ay umupo siya sa tabi ni Liam at dahan-dahang inilagay ang mga kamay sa mga keys at nagsimulang tumugtog. Ibinuhos niya ang kaniyang puso sa pinatugtog na kanta. Kahit na si Liam ay nadala din sa emosiyon ng tinugtog ni Angie na kanta. "That was beautiful!" manghang-mangha si Liam. Napapalakpak pa ito. "Thank you. The song is called Mariage D'Amour, Richard Clayderman version," tugon ni Angie. "I can't play piano but I feel it's mix of of emotions. I feel the love but there is sadness in there too." "Awesome observation. This is actually in a minor scale, meaning most notes there are sad tones. But surprisingly many used this song on their wedding. But Gary McCartney said, 'the interpretation of any musical piece can be left entirely to the performer'. So what you heard earlier is my sad interpretation." At pagkatapos ay agad na tumayo si Angie lumayo sa piano. "Wait, why you chose to play that way?" usisa ni ni Liam habang humahabol kay Angie. "There is no particular. I just love to play that way," tugon ni Angie at sinikap na umiwas ng tingin kay Liam. "There must be a reason..." hindi na natapos ni Liam ang sasabihin ni Liam dahil sumabad si Angie. "Just like I said, there's no particular reason. Would you please help me now? You're leaving later, I hope we can finish this before you leave," inabot niya ang camera kay Liam. "Alright. You said so," tinanggap naman ito ni Liam. "Oh wait, how about the garden? It's not finish yet," patuloy niya. "Never mind the garden. I'll do it when it's done. Online page is more important as of now." "Okay." Pagkatapos ay nagsimulang kumuha ng mga larawan si Liam sa loob ng inn. Mula sa lobby, sala, mini bar, silid kainan, mini library, ang mga silid atbp. At pagkatapos ay gumawa sila ng isang web page na puwedeng mag-book ang mga guests. Ang kailangan na lamang nilang gawin ay ang magbayad ng isang ad online para dito. "Joe, there's one thing I would like to ask," nag-aalangan man pero kailangan ni Angie ng tulong. "What is it?" "Uh...I know this is too much but..." "Tell me what is it?" he's a little impatient. "I need help on my truck. I can't force my foot to climb on and i need to clean it," she smiles shyly. "That's all?" "Yeah, please. And oh, I will prepare our lunch." "Okay. I'll do it." Pagkatapos ay tinungo ni Liam ang truck sa labas, habang si Angie ay bumalik sa bahay upang ihanda ang kanilang tanghalian. Habang nililinis niya ang truck, nakakita siya ng ilang mga patak ng dugo sa sahig. Iniisip niya na dugo niya iyon dahil sinabi nila na ginagamit nila ang truck upang dalhin siya sa ospital noong gabi ng aksidente. Patuloy siyang naglilinis nang may biglang umagaw ng atensiyon niya. Mayroong isang maliit na itim na supot sa ilalim ng upuang kahoy. Halos masabuyan niya ito ng tubig. Mabilis niya itong kinuha at tiningnan kung ano ang nasa loob. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita na ang larawan sa loob ng pitaka. Larawan niya iyon! Tiningnan niya ang pagkakakilanlan at nakikita niya ang kaniyang pasaporte. Binabasa niya ang bawat detalye dito. Naluluha siya na malaman ang kaniyang pagkakakilanlan bagaman wala pa rin siyang maalala. Kahit papaano ay alam niya kung sino siya. Mayroon ding cellphone sa loob ng maliit na pouch subalit wala itong baterya. Mabilis siyang tumatakbo upang iulat ito kay Angie. "Angie!" tawag niya habang tumatakbo patungo sa loob ng bahay. "What's wrong," sinalubong siya ni Angie. "I found something," pinakita niya ito kay Angie. "I found my wallet on the truck. Not just that, here's my passport and my phone!" masayang balita niya. "That's great." "Now I know my name," nakangiting wika niya. "Really? D-do you remember now?" tanong ni Angie na medyo garalgal ang boses. Iniisip niya na maaaring babalik sa dating pag-uugali si Liam sa oras na maibalik nito ang kaniyang memorya. "Not yet. Look," pinakita niya pa kay Angie ang passport niya. "My name is Liam Sanders, I'm from New York. I wonder what's my life back there in New York!" excited na wika niya. "I'm happy for you," wika niya kahit sa totoo ay hindi naman siya masaya. Inilahad ni Liam ang kaniyang kanang kamay kay Angie pero hindi nito naiintindihan ang ginawa niya. "What?" nalilitong tanong niya. "I'd like to introduce myself again. This time is with my real name. Hi, I'm Liam Sanders and according to my passport I'm 30 years, single, from New York." Tumatagal muna ng ilang segundo bago tanggapin ni Angie ang kamay ni Liam dahil ang mas pinag-uukulan niya nang pansin ang narinig na wala pa itong asawa. Kahit papaano ay masaya siyang malaman ang simpleng katotohanang iyon. Gayunpaman, nakakalungkot na paalis na ito. At ngayon nakumpirma din niya sa sarili ang nararamdaman para sa lalaking nasa harapan niya. Bago ito sa kaniya. At ang mga pag-aalinlangan niya sa mga kalalakihan ay hindi pa rin nawawala. Hindi niya makuhang isugal ang kaniyang nararamdaman para sa isang hindi tiyak na bagay. Isa pa, hindi niya rin alam kung ano ang nararamdaman ni Liam kaya mapanganib. Umiling siya upang manauli siya sa kaniyang katinuan. "Nice to meet you Liam," ang tanging wika niya. "Aren't you happy that I finally know my identity now? At least I will not be a complete stranger to you." "Of course I am. I just hope you won't back to that old jerk I bumped into." "Don't worry, I won't and I will never be. And I have this feeling that it's just a misunderstanding before. Well anyway, shall we eat now?" "Okay." Pagkatapos kumain sila ng kanilang tanghalian at patuloy na nag-uusap ng mga bagay-bagay. Malaki ang kaibahan ni Liam bago ang aksidente kaysa sa kasalukuyan. Alas sais na nang gabi dumating ang pulis upang sunduin si Liam. Isinalyasay pa ni Liam na nahanap niya ang kaniyang pagkakilanlan at namangha ang opisyal sa kaniyang kuwento. Gayunpaman oras na para talagang magpaalam sa lugar na ito. Pinagmasdan niya nang mabuti ang paligid dahil nais niyang matandaan ang lahat ng mga detalye ng lugar na ito magpakailanman. Nakitira din siya rito ng dalawang linggo at tiyak na magiging bahagi ito ng kaniyang buhay. "Thank you for saving me and thank you for your kindness," wika niya kay Angie. Pero si Angie ay walang masabing salita, at hindi napigilan ni Liam ang sarili anupa't niyakap niya ito. Tumagal ng isang minuto ang eksenang iyon bago kumawala si Liam. Siya ran din ay malungkot na aalis na siya, ngunit kailangan. "I won't forget you, this place and the couple. Hope to see you again guys one day." Hindi pa rin nakapagsalita si Angie. Kumaway si Liam sa kaniya sa huling pagkakataon at tumalikod. Kasama ang pulis, nilisan nila ang lugar na mabigat sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD