Chapter One

1104 Words
Six years ago. . . Tuliro si Helena kakaisip kung saan makakakuha ng pambayad sa ospital kung saan nanganak ang ate Helga niya. Kailangan ng ma-discharge ng ate niya pero hindi pa sapat ang perang nalikom niya dahil hindi naman nila inasahang hindi pala kayang manganak ng normal at kailangang i-admit sa Caesarian section ito. Napakamahal pa naman at hindi pa sila member ng Philhealth. Wala rin siyang ibang malalapitan dahil ang magaling namang boyfriend ng ate niya ay iniwan nito pagkatapos buntisin. She was only 15, still studying and has no work. Lahat na ng kaibigan at kakilala ay nalapitan na niya para mahingan ng tulong pero hindi pa rin sapat sa pambayad ng bill sa hospital. Hindi man sigurado ay nagtungo siya sa isang jewelry shop ng isang mall sa Mandaluyong. Umaasa siyang maibebenta niya iyon. Hawak ang kanyang kwintas na bigay pa ng namayapang ina ay pumaok siya sa naturang shop. Alam nyang may presyo ang kwintas dahil bigay pa raw iyon ng kanilang banyagang ama sa kanilang ina na hindi man lang niya nakilala. Walong buwan lamang siya ng bumalik sa Australia ang kanilang ama at simula noon ay hindi na nagbalik at wala na silang balita pa. Namatay naman ang kanilang ina dalawng taon na ang nakakaraan dahil sa breast cancer. Labag man sa kalooban niya ay ibebenta niya na ang kwintas para sa kanyang ate at pamangkin. Pumasok siya at Agad naman nyang nakita ang isang lalaki sa likod ng mga shelves na naglalaman ng mga alahas. Dahil sa tuliro pa rin siya ay di niya na pinansin ang itsura ng lalaki na sa tingin niya ay banyaga kaya alanganin man syang lumapit dahil mapapalaban siya sa inglesan ay nilapitan niya rin ito. “Yes, miss?” bungad ng lalaki. “Ahm... Sir, I just wanna ask if I can sell my necklace here?” magalang niyang tanong sa lalaki. Inilahad niya ang kwintas na nasa kanyang kamay. Agad namang dinampot ng lalaki ang kwintas sa nakabukas niyang palad at kinilatis ito. “May I know why you’re selling this? And do you have an idea how much your necklace costs?” “I don't have anything to sell except that necklace, Sir. I badly need money right now. My sister is in the hospital and we need to pay her bills. To be honest, this is from my mom that is why I don't have any idea how much this costs,” pag-amin niya. “Miss, firstly, I just want you to know that this is jewelry shop, not a pawnshop. We sell but we don't buy,” sabi nito. Nalaglag ang balikat niya dahil sa narinig. Hindi naman kasi niya alam ang bagay na ‘yon dahil ito pa lang ang kauna-unahang pag-subok na ibenta ang kwintas. Dapat pala ay sa sinasabi nitong shop ang pinuntahan niya. Tatalikod na sana siya nang magsalita ang lalaki muli. “But, I think I can help you. How much do you need?” dugtong nito. Agad siyang nabuhayan ng pag-asa at napaangat siya ng mukha para tingnan ang lalaki. Doon niya lang napansin na napakaguwapo pala nito. Para itong artista saHolywood. Pero sa mga oras na ‘yon ay wala doon ang atensiyon niya kundi sa kanyang pakay. “I... need fifteen thousand pesos, Sir,” lakas-loob kahit nahihiya niyang sagot. Napangiti ang lalaki saka dumukot sa bulsa nito para ilabas ang kulay itim nitong wallet. Kumuha ito ng cash na tig-one thousand bill. Nagbilang ito ng fifteen thousand at saka inabot ito sa kanya. Hindi maitago ni Helena ang saya ng makita ang pera. Hindi dahil muka siyang pera kundi may pambayad na siya sa ospital. Mailalabas niya na sa wakas ang ate niya. “Thank you so much, Sir!” masayang pasasalamat niya. Nawala ang ngiti niya nang kunin nito ang isa niyang kamay para ibalik ang kwintas sa kanya. Dahil sa pagkabigla at pagtataka ay ibinaba niya ito sa harap ng lalaki. Bigla kasi itong natakot na baka may ibang balak ito sa kanya. Pero kinuha lang muli nito ang kamay niya. “Sir?” “Here, keep it. And promise me don't lose it or sell it again.” Umurong siya at umiling. Lumabas ang lalaki mula sa counter at lumapit sa kanya. Kinuha nito muli ang isa nyang palad at nilagay doon ang kwitas. “Sir. You already gave me the money so...why you still want to return it to me?” naguguluhan niyang tanong. “This necklace is not just a necklace, okay? I hope you know what I mean. And you said a while ago that it’s from your mom. I know it's important to you. So you better take good care of it,” sabi nito. At dahil sa narinig ni Helena ay bigla na lang niyang nayakap ang lalaki at nag pasalamat. Gumanti rin ito sa yakap niya. “Thank you so much, Sir! Yes. This is really important to me and this is the only thing I have as a remembrance from my mom,” naiiyak niyang sabi. Lumipas ang ilang segundo at Agad din siyang bumitiw ng matauhan siya sa kanyang ikinilos. Nagtaka pa siya ng sinulyapan niya ang lalaki na titig na titig sa kanya. “But how can I pay you back, Sir?” “Don't worry. Just promise me you will take care of yourself and be a good girl. Can you promise that to me?” “Yes Sir. I promise.” Sabay taas pa ng palad tanda ng pangako niya. “Good.” nakangiti namang sabi ng lalaki. “Can I go now, Sir?” “Yes. You may leave.” Napakaguwapo ng muka nito habang nakangiti sa kanya. “Sige po Sir, I better go now.” pagpapaalam niya. “Oh,. wait!” sabi nito at saka mabilis na inabot ang calling card nito sa kanya. “Here's my calling card. In case you need more money or help. Don't hesitate to contact me okay?” “Yes, Sir.” Kinuha niya ang calling card saka ibinulsa. Hindi na nag-aksaya ng oras si Helena at nagpaalam saka mabilis niyang nilisan ang lugar. SAMANTALA, hindi naman maalis ang ngiti sa labi ng binata habang nakatanaw sa babaeng paalis sa kaniyang shop. Aminado siyang nakuha agad ng dalaga ang atensyon niya dahil sa taglay nitong kagandahan. Aware naman siyang minor de edad lamang ito, dahil na rin sa ayos at pananamit. Pero para siyang nahipnotismo, kaya gano’n na lamang siya kabilis na nagtiwala at nagbigay ng pera dito. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkikita nila ng dalaga. Until we meet again, Cara Mia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD