Chapter Two

1855 Words
Maaga pa lang ay boses na ni Mia ang gumising sa napakagandang panaginip ni Helena. Napaginipan na naman nito ang kaniyang prince charming na wala namang muka dahil hindi niya maaninag. “Bebelabs naman, eh. Ando’n na si Meme, eh! Iki-kiss na ako ni kuyang pogi.” pupungas-pungas niyang sita sa anak. “Meme, gising ka na po, please?! Mali-late na po ako sa school.” Oo nga at may pasok ang anak niya na nakadagan at nakayakap sa kanya. It's been six years since her sister abandoned them and she shouldered all the responsibility sa napaka-cute niyang anak. Limang buwan lamang nitong naalagan si Mia at saka nag-apply papuntang Dubai. Pero makalipas lang ng isang taon ng ate Helga niya sa abroad ay tumigil na itong magpadala ng sustento sa kanila at kahit tawag ay wala na. Ang balita niya ay nakipag-asawa na ito sa isang dayuhan hanggang sa tuluyan na itong naglahong parang bula. Ang galing, ’di ba? Pagod at puyat man siya sa pang gabing trabaho at pagmo-monitor sa lagnat ng anak kagabi ay kailangan niya nang bumangon para ipaghanda ito sa pagpasok. Hindi pa naman ito nakakapasok ng walang baong pagkain. “Oo na po, mahal kong prinsesa. Babangon na po si Meme,” sagot niya sabay pisil sa matambok nitong pisngi bago niyakap. “Wala na bang lagnat ang bebe ko? May masakit ba sa ‘yo ‘nak?” Ilang araw na itong on and off ang lagnat kaya medyo nag-aalala siya. “Wala na po, Meme,” medyo matamlay ito kumpara sa nagdaang araw. Sinalat niyang muli ang noo at leeg ni Mia, normal naman ito para sa kanya. “Sure ‘yan anak ha? Kapag may masakit sa ‘yo sabihin mo lang agad sa ‘kin o di kaya kila tita Shiela at nanay Este mo pag wala ako dito, ha!” bilin niya sa anak. Mga mababait niyang kaibigan ito, natutulog kasi ang anak minsan sa kabilang bahay sa gabi pag nasa trabaho siya. At kung meron naman ang kaibigan niyang si Rutchiel o Rc tulad ngayon ay katabi nitong matulog si Mia. “Opo, Meme. M—Meme?” “Hmm?” pinagmasdan niya ang anak. “Meme, sorry po, ah?” “Sorry? Para saan naman ang sorry ng baby ko?” Hinaplos niya ang muka nito at saka hinagkan sa buhok. “Sorry po, kasi maaga kang nagising kahit late ka na natulog kaninang umaga kasi may fever po ako, tapos ipaghanda mo pa ako ng food ngayon.” Napangiti siya sa kalambingan nito. Niyakap siya nito para ipadama ang sensiridad sa sinabi. Nagdradrama na naman ang anak niyang manang-mana sa kanya. Kahit nabibigatan na siya ay hindi niya sasabihin dahil magtatampo ito. Anim na taong gulang lang ito pero literal na malaki at malusog kumpara sa mga kaedaran nito. Marahil na rin siguro sa may lahi sila ng ate niya at ang ama nito. Madalas umuuwi itong lamog ang pisngi dahil sa panggigigil ng kanyang mga guro. Kahit naman kinakapos siya sa mga gastusin at bayarin nila ay hindi niya ginugutom ang kanyang anak. ‘Yon nga lang at nasosobrahan na ata niya ang pagpapakain dito. “Baby. You don't have to say sorry. Remember? ‘Yon ang ginagawa ng Mama sa mga baby nila. Dapat ang Mama inaalagaan lang ang baby nila. Kaya ‘wag kang mag sorry ok!?” “O—Opo, Meme.” Dahan-dahan itong tumango. “I love you po!” “Love you more, bebe ko-” Saka niya ito hinalikan sa ulo. Ganito palagi ang tagpo sa umaga niya. naglalambingan sila lalo na pag namimis nila ang isat- isa. Mahal na mahal niya ito higit pa sa buhay niya. Hindi ito mahirap mahalin dahil ubod ito ng lambing, bait, talino, bibo at napakamasayahing bata. Sa loob nang anim na taon ay mag-isa niyang binuhay si Mia. Kaya hindi niya kailanman naranasan ang buhay ng isang normal na teenager, natutunan niya ang buhay sa pinakamahirap na paraan. Helena struggled to change Mia in her school uniform dahil sa nananaba na ito. Medyo maliit na ang blusa nito. “Anak, mukang kailangan mo ng mag-diet, ah!?” aniya habang ibininubutones ang blusa nito. “Meme naman, eh! Busog lang po ako.” Nakabusangot na ang matabang muka nito. Gusto niyang matawa sa itsura nito. Nagmumuka kasi itong babaeng version ni Jolibee. Siguro pinaglihi ito sa Jolibee ng ate niya. “Anak, lagi ka na lang busog? Hindi ka ba naiinggit sa friends mo kapag naglalaro sila ng Chinese garter o habulan sa school niyo at diyan sa tapat ng bahay?” aniya at saka inayos ang uniform nito. Sabi niya lang iyon dahil ayaw niya namang maging tampulan ito ng tukso. Gusto niya lang umiwas sa gulo lalo na sa ugali niyang hindi palalamang. “Hindi po. Meme. Ayoko po,” napakunot siya ng noo sa sagot nito. Kung gaano kagusto ng ibang bata ang paglalaro sa labas ay siya naman kinatamad ng kanyang anak. Kaya siguro ito lomolobo. “Hmmp? Bakit naman hindi? Eh, ang saya no’n.” “Nakakapagod po kaya Meme at ayoko po maging dugyot. ‘Pag nagpawis po ako babaho ako tapos po madudumihan damit ko po, Meme. Bibili pa tayo ng maraming sabon, mahihirapan kang maglaba. Saka po Meme I’m not feeling well,” pagrarason nito sa kanya. Talent talaga nito ang magrason. Pero may point nga naman ang anak niya. Manang mana sa pinag manahan. Mukha nga talagang hindi maganda ang pakiramdam nito. “Sabagay. Tama ka, ‘nak. Pero minsan kailangan mo din mag-exercise kasi konti na lang muka ka nang si humpty dumpy. Lahat ng mamahaling damit na bigay ng ninang Rc at Jacky mo hindi mo na masusoot. Gusto mo ba no’n?” aniya na at tiningnan ang kanyang anak na mangiyak-ngiyak na. Sensitive din ito ayaw napagsasabihan. “Okay lang po. Nandiyan naman po ikaw para magtahi ng damit ko,” rason pa rin nito. “ Saka hindi naman po ako mataba, healthy lang po ako,” naiiyak na ito kaya agad niya itong niyakap para lambingin. Nag umpisa na itong humikbi. Natawa tuloy siya dahil napaka asar talo nito. “'Nak naman, ‘di na mabiro. Charot lang ni Mama ‘yon, ‘nak! Ikaw naman ‘di na ma-charot.” Pinanggigilan niya ang mga pisngi nito “Cute mo nga ,eh. Saka ang payat-payat mo po, ‘nak, parang ako ‘di ba? Siguro kailangan na ni Meme bumili ng bago mong uniform kasi malaki ka na. O ‘di kaya, si Meme na lang magtatahi. Tahan na papasok ka pa eh—” pero hindi pa rin ito tumahan. Mabilis siyang umisip ng paraan para tumigil ito. At ayon na nga. “Tahan na, bebe ko. Ano gusto mo mamaya, ‘nak? Jolibee? Sasahod si Mama mamaya ano bet ng anak ko?” Mabilis pa sa alas singko ay tumigil ito sa paghikbi. Oh, kitams? Magic word talaga itong si Jollibee! “Meme, gusto ko po ng spaghetti po at saka dalawang chicken joy po, tapos French fries at saka stawberry shake po.” Hindi naman halatang mukang pagkain ang anak niya sa lagay na 'to. Ang kaninang muka nitong hindi maipinta ay napaka-aliwalas na ngayon. “Ano pa? ‘Yan lang ba, anak? Bakit ang konti naman? dagdagan mo pa!” Sus maryosep Helena, andami mong pera, ‘no? Pinagtawanan niya lang ang kanyang kayabangan sa anak. “Okay na po ‘yon, Meme. Wala ka na po pera wala na tayo pambayad ng koryente at pagbayad ng hulog dito sa house mamaya magalit na naman si Aling Josefa 'pag dinagdagan koNi pa po,” mabuti na lang at alam ng anak niya 'yon. -remind na nga pala siya sa buwanang interest ng hulog sa sanla ng bahay. Napangiti siya sinabi nito, matakaw lang ito pero hindi makasarili. “Pero papa-check up ka ni Mama ‘nak, ha? ‘Wag ka na rin kaya pumasok ‘nak at punta na tayo ng center ngayon?” Papayag ba naman ito gayong ayaw lumiban sa klase. “Okay na po ako, Meme at saka hindi po puwede, Meme may gagawin po kami nila teacher ngayon.” See? Mula nang pumasok ito ay perfect attendace na. “Sige na nga mamaya na lang, ha?” Niyakap niya nito at sa ganong tagpo sila inabutan ni Sison ang kapitbahay nilang asawa ni Shiela na anak ni aling Esther o Este na may-ari ng apartment sa katabi ng bahay nila. Ito rin ang kumupkop ng ilang buwan sa kanila ng tumigil na sa pagpapadala ang ate niya. Dahil sa wala siyang pera noon ay libre silang pinapakain ng matanda sa bahay nito hanggang sa makahanap na siya ng trabaho. “Naks! Ang sweet naman ng mag-ina. Puwede ba kaming sumali ni Tintin sa hug n’yo?” biro nito habang hawak ang kamay ni Astrid o Chichi na anak nito na kaedad din ni Mia. Lunes hanggang biyernes ay sinusundo't hatid nito ang anak niya bago pumasok sa trabaho. “’Wag kang charot, Sison, busog na busog ka na sa yakap ni Shie. Kulang pa ba? ‘Yaan mo sabihin ko sa kanya sakaling maupakan ka niya.” banat niya dito pero siyempre biro lang. Tumawa lang ito sa sinabi niya. Sa tagal niya ng nakasama ang mga ito ay normal na ang biruan sa kanila. “Charot lang!” Natatawa din ito sa biroan nila. “Tara na Mia, alis na kami, Helen. Oo nga pala, Ikaw nga raw pala ang magsundo mamaya, may lakad si Shiela. Pupunta raw kila Sayuri at may meet up daw sa isa nilang buyer.” Tukoy nito sa isa pa nilang kaibigan na si Sayuri, tulad niya ring online seller. “Saka pinapasabi niya pa pala, ‘yong bagong collection mo raw, mine na raw ni Amyel,” pahabol nito. “Ah. Okay, sige. Ako na bahala. Tamang-tama pupunta ako ng ukayan mamaya, sakto sa school. Hehe. At sige, itatabi ko na, buti at hindi sure ‘yong unang nag pm.” Ihinatid niya ang tatlo sa may gate para umalis. “Oo. Sige. Alis na kami,” sabi nito at inakay na ang dalawang bata. Hinalikan niya muna ang anak at si Chichi. “Ay. Wait, ang snack bag n’yo mga bebelabs,” pahabol niya sa dalawang bata. Pinaghahanda niya rin si Chichi ng meryenda. “Thank you po, Meme.” “Thank you po, Tita Lena,” magkasabay na pasalamat ng dalawang cute na bata. “You’re welcome, batching ko at Chichi ko. Sige na, alis na kayo. Salamat, Son!” pasasalamat niya sa kaibigan, tinaguan siya nito bilang pagtugon. “Bye, Bebelabs. Be a good girl sa school, huh?” aniya habang pinanunood silang papalayo. After they left mabilis siyang naglinis ng bahay at naghanda para pumunta ng palengke. Biyernes ngayon at schedule ng pagdi-display ng mga bagong bukas na ukay bale. Madami nanaman siyang makukuhang magagandang klase para sa paninda niya at upcycling. Nangangati nanaman ang mga kamay nyang makabuo ng magandang damit. Na-e-excite tuloy siya sa kikitain niya. Panibagong umaga panibagong buhay na naman Helena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD