Chapter Three

2040 Words
Chapter Three Abala si Helena sa pamimili ng mga damit sa mga naka-hanger na ukay clothes ng may tumawag sa kanya. “Helena!” Boses ni Shiela iyon kaya agad niyang nilingon ang kaibigan. Napakunot siya ng noo nang makita ito, bakas sa mga mata nito ang pag-alala. Agad siya nitong nilapitan. “Oh, bakit? Akala ko ba na ‘kila Sayuri ka?” Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba sa itsura nito. “Bumalik ako, bakla. Kanina pa kita tinatawagan, tumatawag raw ang school nurse sa ‘yo pero hindi ka sumasagot kaya ako ang tinawagan nila.” Minsan nakatamaran niya na rin ang magdala ng cellphone at ayaw niyang may istorbo pag namimili siya ng mga damit lalo na kung sa ukayan. “Ha? Ano’ng nangyari?” unti unti na siyang nilalamon ng kaba. “Si Mia. itinakbo sa hospital-” “Ano? Saang hospital siya dinala?” tanong niya at saka hinila na si Shiela at nagmadaling naghanap ng masasakya. Hindi niya alam ang gagawin kapag may masamang mangyari sa anak niya. Agad silang nagpahatid sa hospital, at sa daan ay ikwenento ni Shiela ang nangyari. Nag nosebleed raw ito at mataas ang lagnat. may mga rushes din daw ito kaya agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan. “Ipapa-checkup ko dapat siya after ng klase niya hindi ko naman akalain na magkakaganon siya.” wala sa sariling nasabi niya. Masyado na siyang nag aalala, iniisip na sana hindi niya na pinapasok ang anak kanina at dinala na ito sa doctor. “Ilang araw na kasing pabalik balik ang lagnat niya dapat inagapan mo bakla. Sana maging okay lang siya, uso pa naman ang dengue ngayon. Nakoh! wag naman sana.” “Kasalanan ko kung may mangyari sa anak ko Shie.” ilang gabi nang nilalagnat si MIa pero pinagsawalang bahala niya lang dahil ang akala niya ay lagnat laki lang ito. Dahil gano’n naman ito noon pa man kapag nilalagnat. Pabalik-balik at hindi dapat ikabahala. Pero ngayon? Tanga na kung tanga pero yon na ang tingin niya sa sarili niya. Isang pabayang ina. “’Wag mo ng sisihin ang sarili mo hindi mo naman ginusto ‘yong nangyari sa anak mo. ipagdasal na lang natin na ligtas siya, baks.” Gusto niya ng humagulgol sa takot at kaba pero pinigilan niya lang dahil ayaw niyang maging mahina sa harap ng kaibigan. Hindi nagtagal ay narating nila ang hospital, bago pa man huminto ang tricycle ay inabot na ni Shiela ang bayad. Agad nilang hinanap kung saang kwarto naroon ang kaniyang anak. Sinalubong sila ni Rc na halos kasabayan lang rin dumaging. Kinausap nila ang doctor sa kundisyon ni MIa. Papasok na sana sila sa silid na sinabi ng nurse ng sakto namang palabas ang doctor sa may pintuan. “Doc. Kamusta po ang bata?” Si Shiela ang unang nagtanong. “She's doing fine. Sino po ang kapamilya ng pasyente?” Tanong ng Doctor. Agad namang lumapit si Helena. “Ako ho, Doc. Ako po ang nanay ni Mia. Kamusta po ang anak ko?” “Mrs, your daughter has dengue fever. Mabuti na lang at nadala siya dito ng agad dahil kung hindi ay mas malala pa ang maaring mangyari sa kanya, mabuti at wala pang na damage sa mga organs niya. And we need blood transfusion sa lalong madaling panahon, masyadong mababa sa normal ang platelet niya. Sino po ang type AB positive sa inyo?” Nagtinginan silang tatlo alam niya nang wala sa kanila ang may ganoong klase ng dugo base sa pananahimik ng mga ito. “Mrs?” “Type B po ako, Doc, ikaw Rc, Shie?” Sabay na umiling ang mga kaibigan. Bumagsak ang mga balikat niya sa mga sagot ng mga ito. “Your husband, Mrs? I'm sure kung hindi sa ‘yo, maybe pareho sila ng blood type,” muli siyang napasulyap sa mga kaibigan at saka napatungo na lamang. Kahit ba naman magkapareho ang dugo nila ng ama ay hindi niya naman alam kung saan hahanapin ito. Ibinalik niya ang tingin sa doctor at umiling na lamang siya. “So, we better get it in the blood bank. Asap. I hope they have stocks, dahil sa ngayon ay wala kaming available dito, Mrs.” “Sige po, Doc. Do whatever you think na makakabuti sa bata.” Si RC na ang sumagot. “Yes. We will. For now, let's just pray na maging maayos ang kondisyon niya,” sagot nito. And after a few more talks the doctor asked their permission to go for his rounds. The three of them left outside Mia's room. “Hoy, bakla! Okay, ka lang ba?” tanong ni Shiela ng tapikin siya nito sa braso. She is speechless, and she can't find any words to say. “Magsalita ka naman, Lena,” ani RC. Ilang sandali siyang pinagmasdan ng dalawa saka siya inakay sa isang bench na nasa hallway para makaupo. Pinagitnaan siya ng mga ito. “Hindi ko alam ang gagawin. Saan nanaman ako kukuha ng gagastusin at pambayad dito? Alam naman natinnapakamahal dito at napakarami ko ng bayarin.” Mahina pero dinig ng mga kaibigan niya. Nakatungo lang siya at nakatitig sa sahig habang ang dalawang kamay ay nayakap sa kanyang maliit na sling bag. Inakbayan siya ni Shiela habang si Rc naman ay hinahagod ang likuran niya. Ramdam ng mga ito ang kanyang bigat na dinadala. “Magtutulungan tayo. Gagawa tayo ng paraan.” Ani Shiela. “‘Di ba, Rc?” dugtong pa nito. Agad naman tumango si Rc bilang pag sang-ayon sa sinabi nito. “Tutulong kami, baks. ‘Wag ka na masyadong mag-alala at mag-isip” “Magkano lang ‘yong ipon ko.Pambayad ko sana yon sa monthly payment sa bahay namin at kalahati ng utang namin. Kung hindi ako makakabayad ngayong buwan, mapipilitan ng kunin ang bahay. Saan na kami pupulutin ni Mia kung mangyari yon?” Pinilit niyang pakalmahin ang sarili kahit ang totoo ay gusto niya nang maiyak. She admits that she doesn't know what to do anymore. She received an eviction letter last month from Aling Josefa. Kaya kumakayod siya ng doble para mabuo ang perang pambabayad. Eight years ago, when their mother got sick they use their house as collateral to borrow money from Aling Josefa. Napagkasunduan rin nila noon na monthly nilang huhulugan ang matanda sa interest nito hanggang sa maibalik nila ang buong halaga ng perang nahiram. “Baks. Kalma ka lang ha. Masisira ang pinagpalang muka mo kakaisip ng problema mo. Wag ka gano mag-isip ng kung anu-ano. Basta magagawan natin ng paraan ito.” Her friend trying to cheer her up but it seems no effect on her. Pilit na ngumiti na lamang siya. “Salamat at lagi kayong nandiyan para sa ‘kin” “Asus... Drama ka, teh? Sino pa ba ang tutulong sa‘yo? Kung bakit ba naman kasi ayaw mo pang bitiwan ‘yong bahay n’yo? Ilang taon mo naring binabayaran ang interest no’n. Puwede ka namang tumira na lang sa ‘min o di kaya sa paupahan nila Sheila.” Suhestiyon ni Rc. “Hindi puwede. ‘Yon na lang ang natitirang alaala ng Mama sa ‘kin at kung babalik man ang ate ko, alam niya kung saan kami hahanapin.” Napabuntong hininga na lamang ang mga kaibigan sa sagot niya. Matagal na rin siyang inaalok ng mga kaibigan na tumira sa mga ito pero tinatanggihan niya lang dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siyang babalikan sila ng ate niya. Pero mukang malabo na atang mangyari 'yon. “Sige ikaw bahala, baks. Basta 'wag mong kalimutan na nandito lang kami. Tutulong sa abot ng makakaya namin. At please lang. Wag kang mahiya sa ‘min dahil pare-pareho naman tayong pinanganak na maganda lang ang meron, pero mga walang hiya,” biro ni Shiela at sabay sabay na nagtawanan. Maasahan talaga ang mga ito. Nagpalipas muna sila ng ilang sandali bago sila pumasok sa kuwarto ni Mia. Tulog pa ang kanyang anak ng makapasok sila. Nilapitan niya ito at hinagkan sa nuo. May naka-kabit din IV fluid sa kamay nito, sinalat niya ang noo nito medyo mainit pa. Umupo siya sa monoblock na nasa tabi ng kama ng anak at pinagmasdan ito. “Baks, uwi muna kami ni RC, ha! Aasikasuhin ko lang muna si Chichi,“ agaw sa atensyon niya ni Shiela. Nilingon niya ito. “Sige, baks. Salamat, ha!” “Wala ‘yon, ano ka ba? Para kang others, ah! At saka ngumiti ka nga! Juice ko ka, Helena. Hindi kami sanay sa pananahimik mo, para kang may sanib bakla.” Talak ni Shiela. Napangiti tuloy siya. Sanay kasi ang mga kaibigan niya sa pagiging maingay at alive na alive niya. “Oo na! Parang tanga ‘to! Alangan naman mag-ingay ako dito, i-ban kaya ako? ‘Di mas lalong hindi ko makita anak ko!” Natawa si Rc sa biglang pagbabago ng awra niya. Ito kasi ang natural niya. Ang maingay, boka, kalog at masayahin kahit maraming problema. “Saka alam mo baks. Ang pag iingay inulugar ‘yan,” dugtong pa niya. “Ahh. So dapat pala, mag-iingay ako, Novaliches. Gano’n?” Sakay naman ni Shilea sa kalokohan niya. “Tanong mo kay Rc,” pamimilosopo niya sa kaibigan at tinuro pa ang nakaupong si Rc sa paanan ng kama ni Mia. “Gaga! Idadamay n’yo pa ako sa kabaliwan n’yo. Mas mainam pa na manahimik ka na lang pala Helena. Pag ganyang normal mode ka para kang may sapi. Jusko! Buti hindi nagmana ang anak mo sa‘yo.” Sabi nito na may kasama pang irap. “Naman. Bunganga niyan pasmado,” segunda ni Shiela na ikinasimangot naman niya. “Tse! Kung ‘di ko lang kayo kailangang dalawa, hindi ako magpapakumbaba,” aniya mula sa medyo malakas na tono at dahan dahang lumambing. “Bruha! Diyan! Diyan, ka magaling.” Natawa na lamang siya. Totoo naman makapal na kung makapal ang muka niya sa dami ng pabor na hiningi sa mga kaibigan pero hindi siya nahihiya dahil welling naman ang mga itong tulungan siya. “Ikaw, Sheila? Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni Nanay Este at ng anak mo, ikaw Rc. Ikaw muna bantay ni Mia, ha? Tutal wala ka namang jowa. Anak ko muna alagaan mo,” animo’y among nagmamando. “Gago!” ani Rc. Natawa na lamang siya sa kaibigan. Totoo naman kasing wala itong jowa, sa mga libro na lang nito ginugugol ang oras. “Ta, mo, 'to. Wala talagang utang na loob. Kala mo kung sinong magpalayas. Iwan kaya natin to Rutchiel?” Ani shiela. Agad niyang nilapaitan ang kaibigan at nilambing. “Char lang, bakla. Eto naman. Seryoso na. Kailangan kong rumaket ng bonggang-bonga para sa anak ko at bahay namin, kaya please lang, wag n’yo akong iwan. Paki bantay muna ang anak ko, please!” Seryosong sabi niya. Pumayag naman ang mga kaibigan, umuwi muna ang mga ito para kumuha ng mga gamit ng kanyang anak at kanyang pamalit mamaya sa pagpasok sa trabaho. Alas sais na ng makabalik si Rc dala ang mga gamit at pagkaing niluto ni Aling Este para sa kanila. Bago siya pumasok sa trabaho ay siniguro muna niyang nasa maayos na kalagayan ang anak pero tulad kanina ay tulog pa rin ito at may lagnat. Hinagkan niya ang anak at nagpaalam na kay Rc, palabas na siya nang pinto ng napahinto siya sa sinabi nito. “Utang na loob, Helena, alam ko kung ano ang tumatakbo diyan sa utak mo. May tiwala ako sa‘yo. ‘Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli. Maraming paraan para mabayaran natin ang lahat ng bayarin mo. Mag-isip ka ng mabuti wag kang padalosdalos, isipin mo ang anak mo.” Natigilan siya at prinoseso ang sinabi nito. Napatango na lamang siya dahil alam niya sa sarili niya na sa kahit anong paraan ay gagawin niya makalikom lang ng halagang kinakailangan niya. Patawarin mo ako, Rutchiel, pero hindi ko naman gusto na pati kayo ay mag suffer nang dahil lang sa amin ng anak ko. Ako naman ang gagawa ng paraan ngayon.Tama na ang hindi n’yo kami iniwan sa mga oras na kailangan namin ng masasandalan. Sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD