Helena Michele Hindi mawala ang kaba sa dibdib ni Helena nang sa sumunod na mga araw ay may deliveries pa rin ng mga bulaklak siyang natatanggap. Natatakot siya dahil baka bigla siyang puntahan ng lalaki, wala naman siyang alam na atraso dito sadyang ayaw niya lang maging kumplikado ang lahat. Gusto niya nang mabuhay ng tahimik at ibaon sa limot ang nagawa niya. Halos mapatalon siya ng biglang lumitaw si Elize sa harap niya ng isara niya ang kanyang locker. "H-helena!" panggugulat nito sa kanya. Tumilapon tuloy ang mga hawak niya at nagkalat sa sahig. "Dipungas kang bruha ka! Aatakihin ako sa puso, buset ka!" aniya at hinawakan ito sa buhok saka bahagyang hinila. "Aray naman!" protesta ni Elize. Binitiwan niya rin si Elize at magkasamang pinulot ang mga nahulog niya. "Huwag mo kas

