HELENA 13 Magmula ng araw na kinausap ng boss niya si Helena at marinig niya ang boses ni William ay hindi na nawala ang kaba sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay ano mang oras ay sisiwalat na ang sekretong tinatago niya. Abala sila sa pagla-live selling ng pumasok sina Aling Este at Shiela. May mga dala silang meryenda at mga lumang damit para ipa-repair kay Helena. Si Mia naman ay naglalaro kasama si Chichi sa bahay nila Shiela. Sumenyas lang si Helena kila Shiela na maupo muna dahil sila ni Rc ay tutok sa pagbebenta. Siya sa pagpe-flex at si Rc naman sa monitor ng mga comments. "Trendy off shoulder crop top, for only 100 pesos. Pa-mine na lang po. Pa-comment po ng Crop 100. Maganda po ito tignan niyo tong suot ko," Aniya habang ipini-flex ang damit sa camera. "Comment mine, Crop 100.

