Nang sundan ko sila Leerin, ang nadatnan namin ay napakagulong lugar. Ang daming lupang nasira at mga puno na nagsitumba.
4 C-Ranked Students ang naglalaban habang ang mga D-Ranked Students naman na nasa likod, nababalot ngayon ng takot habang despirado na protektahan ang mga bula.
"Kailangan natin silang pigilan" natatarantang sabi ni Leerin.
Handa na siyang tumakbo ulit nang pigilan ko siya gamit ang pagbatak ng kamay niya, "May mga medics na naka-antabay. Nasa 10% ang mana na natitira sa katawan nila. Titigil din 'tong laban na 'to"
Binitawan ko ang kamay niya, "Hindi mo kailangang ilagay ang sarili mo sa peligro"
Muli niyang nilingon ang mga estudyanteng naglalaban hindi kalayuan sa lugar namin at bumaba ang tingin niya, "Hm.."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang naiintindihan niya ang mga sinabi ko.
Makalipas ang ilang minuto, kusang natigil ang laban dahil sa pagod nila.
"Ipagpatuloy na natin ang mission natin" sa pagtalikod ni Vann, nagsalita si Celia, "Wala ka talagang pakialam kung may mamatay man sa mga kamag-aral mo ano? Hindi mo man lang ba kayang maghintay kahit hanggang sa dumating ang mga medic?"
"Hindi sa wala akong pakialam. At para namang may mamamatay sa kanila sa larong protektdo ng Generals? Ginagamit mo ba ang utak mo?"
"Okay, let me rephrase it for you okay??" pinilit na ngumiti ni Celia pagkaharap niya kay Vann, "Alam mo ba ang pakiramdam na bumaon sa katawan mo ang isang pana? Alam mo ba ang pakiramdam na madaplisan ng espada? At alam mo ba ang pakiramdam na matamaan ng Mahika sa katawan mo ha? Manhid ka ba, Vann o nagpapakamanhid lang?"
"Hah" at nandito ang tingin ni Vann na parang gusto niya ng patulan si Celia, "Ano ka ba bata na takot madapa? Sa tingin mo ba walang katapusan ang laban natin? Sa tingin mo ba sa bawat laban natin hindi ka masusugatan at masasaktan? It's all about acceptance and endurance. Kaya ka magiging warrior kasi hindi ka takot masaktan at mas lalong hindi ka takot mamatay. Kung ganyan ang mindset mo-- mabuti pang magdrop ka na"
Sa pagbalik ng tingin namin ni Leerin kay Celia, duon lang namin napansin na nagluluha na ang mga mata niya na para bang kahit na anong gawin niyang pigil ayaw tumigil sa pag-init ang mga mata niya.
"O-oy.." medyo natatarantang sabi ni Vann nang marealised niya ang nangyayari.
Kami dito ni Leerin hindi namin alam kung anong dapat naming gawin hanggang sa suminghot si Celia, "Wala akong sinabing takot akong masaktan!!! Kung ikaw ang nasa sitwasyon nila hinding-hindi kita tatalikuran! Anong acceptance ba ang sinasabi mo? Acceptance na kapag nawala ka tanggapin nalang namin? Ganun din ba ang mindset mo sa oras na kami na ang nasa sitwasyon nila?!" pinunasan niya ang luha niya at tumakbo siya.
Nagulat naman kami nang walang pagdadalawang isip na sundan ni Vann si Celia.
"Leerin, okay lang ba na hindi natin sila sundan?"
Umiling naman siya, "Nandiyan si Vann. Alam kong magiging okay lang ang lahat"
Bumalik ang tingin ko sa kaninang daan na dinaanan nilang dalawa.
CELIA'S POV
FLASH BACK
Naramdaman ko ang pagdampi ng madumi niyang kamay sa mukha ko kasunod sa mga braso at binti ko.
"Ano bang ginagawa mo, 501?" 501 ang number na nasa damit niya. At ito ang nagsisilbing mga pangalan namin ngayon.
"501? Nakalimutan mo na ba ang pangalan ko? Ako si Vann"
"Oh Vann, para saan ba 'to?" inamoy ko ang mga iniwang marka ng mga kamay niya sa balat ko dahil sa pandidiri ko.
"Para hindi ka mapili ng mga negosyante. Pinipili nila ang mga mapuputi at magaganda" napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya, "A-ano naman kung mapili ako..."
"Magkakahiwalay tayo" walang pag-aalangan niyang sagot kaya bumalik ang tingin ko sa kanya na sinalubungan niya naman ng ngiti "Ayaw ko na mangyari 'yon"
END OF FLASHBACK
Waaa, nakakainis! Bakit ba ako umiiyak!
"Celia! Mag-usap nga tayo!" boses ni Vann mula sa likod ko kaya ngayon ko lang napagtanto na sinusundan niya ako.
"Ano pa bang dapat nating pag-usapan?! Magdadrop na ako katulad ng gusto mo!"
"Nadala lang ako ng emosyon ko. S-sorry"
"Bahala ka sa buhay mo. Mamoblema ka kung sinong ipapalit mo sa pwesto ko!"
"Celia!" sa lakas ng sigaw niya, parang nag automatic ang katawan ko na lingunin siya "Ano?!" pero ang tumambad sa'kin na expression ng mukha niya ay napakadespirado.
Sa pagdilat nalang ng mata ko, nasa lapag na ako dahil sa pagkakatulak niya sa'kin.
"O-okay ka lang ba?"
Dahil sa hiya napaiwas ako ng tingin, kaagad kong tinaas ang upper part ko at marahan kong tinulak ang dibdib niya, "Okay lang ako. Umalis ka na sa harap.... ko" papahinang sabi ko matapos kong mapansin ang dugo sa palad ko na pinantulak ko sa kanya.
"V-Vann. A-anong nangyayari?! Bakit may sugat ka?"
Umalis siya sa harap ko "H'wag mo akong intindihi---argh" at bigla siyang tumumba sa dibdib ko.
"Vann!" sa binti niya may mga magic arrow na naglaho kaagad at tanging malalim na sugat nalang ang iniwang bakas.
"Yow! Failure" mga A - students.
"Mukhang si Vann ang natamaan mo, President" ang sabi ng isang babae sa isa pa na sa tingin ko ay ang President ng A. Sa likod mapapansin ang dalawang D-Students na napapaiwas nalang ng tingin sa'min habang pinoprotektahan nila ang magic bubble.
"H'wag kang mag-alala. Hindi naman ganuon kahina si Vann para mamatay sa napakaliit na dahilan"
"Celia.... tumakbo ka na..."bulong ni Vann na halos manghina na.
"Ohhh, wala ang magic bubble nila. Hahhaa! Pumutok na ba?" pang-iinis pa nung babae.
"Tutal isang great actor naman si Vann para mapaisip sa'tin na galit talaga siya sa mga failure na nagpapababa lalo ng tingin sa'ting mga taga East Ground, kahit na palihim niya naman itong pinoprotektahan. Bakit hindi na natin ipagpatuloy nalang 'to, Vann? Oh, I mean bakit hindi nalang natin tapusin 'to ngayon?" sabi ng President nila na nagpabigla sa'kin.
"Haha! Don't tell me, hindi mo alam? Ooh, mukhang nauuna ang galit mo, failure"
Napayuko ako dahil sa pagkadismaya. Ang ibig sabihin, tinalikuran kami ni Vann para lang maprotektahan kami sa mga A?
"T-tumakbo ka na.. Celia"
"Para namang magagawa ko 'yon, matapos kong malaman ang totoo" mahina kong sabi dahil sa galit.
"Ano ba! Kahit isang beses lang-- kahit isang beses lang makinig ka sa'kin!"
"Kung ganyan ang nasa isip mo ngayon, kahit isang beses lang din.... hayaan mong ako naman ang magprotekta sa'yo"
Hindi ko matingala ang mga kalaban ko dahil mas natatakot ako na hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Magus Enhancement.... "
"Apat kami, mag-isa ka lang, Celia Madigan"
Marahan akong tumango, "Hm, alam ko. Pero ito lang ang choice na nakikita ko para maproptektahan ko ang taong napakaimportante para sa'kin" may maliit na ngiti kong nilingon si Vann kasunod ng pagdilim ng langit. "Esriel Emlin (Tears of Devils)"
Napansin ko naman ang pag-atras nila ng step at naghanda sila para umataki sa'kin.
Ang lakas ng Mahika na nararamdaman ko sa kanila. Kaya ko ba?
Ang daming magic arrow ang lumitaw mula sa kamay ng President nila, "Bigyan kita ng chance. Ako lang ang kailangan mong kalabanin"
Napikon ako dahil duon. Dahil parang ang taas ng tingin niya sa sarili niya porket nasa section A siya at isa siyang C-Ranked Student.
Sa unang pagpatak ng ulan, siyang paglipad ng napakaraming arrow papunta sa'kin.
Umiling ako, "Apat kayong lumapit sa'kin, apat ko rin kayong kakalabanin" pagkasabi kung 'yon, siyang pagkawasak ng mga magic arrow dahil sa talim ng mga patak ng ulan.
Akala nila nung una na target ko lang ang mga magic arrow niya kaya hindi nila pansin ang mga patak ng ulan sa lupa na bigla nalang umataki sa kanila paitas mula sa lupang pinagbagsakan nito. Lahat ng pwesto ng mahika ko sa katawan nila, same position ng mga arrow sa katawan ni Vann.
"H'wag kayong mag-alala. Hindi naman siguro kayo ganuon kahina para mamatay sa napakaliit na dahilan" Para sa'kin, kung ano ang ibato, siyang ibabalik ko.
Hindi ko kailangang maging anghel sa impyerno.
Lumapit ako sa President ng A, "Sa oras na 'to, binabawi ko na si Vann mula sa walang kwentang section niyo. Naiintindihan mo ba?"
To be continued ...