"Hindi niyo ba tatanungin kung sino ang bumuo ng Slave Trading Area?" boses ni Arvin na muli nanaman naming narinig. "Si Bayron Farquhar"
Hindi lang ako ang nabigla dahil mukhang pati si Miguel ay hindi inaasahan ang sumunod na sinabi ni Arvin.
"Karim, tara na?" rinig namin mula sa kabilang side na mahinang pagtawag ni Leerin kay Arvin.
Ilang minuto bago nawala ang katahimikan na namagitan sa'ming tatlo. "Maghanda narin tayo" sabi naman ni Miguel at wala akong nagawa kung hindi ang tumango nalang.
Habang naglalakad kami papunta sa area namin, sinusubukan kong alalahanin ang nakaraan na halos blurred na sa memories ko.
ARVIN'S POV
Matapos ng usap naming tatlo, sumunod na ako kila Leerin.
Inabot sa'min ang isang magic bubble na lumulutang lang sa tabi namin.
Kailangan lang maihatid namin ang bula na 'to sa kabilang side ng hindi pumuputok. Madali pakinggan pero napakahirap gawin, lalo na si Aliyah ang maghahanda ng mga patibong para sa'min.
Nilingon ko sa likuran namin ang isang gubat. Ito ang kailangan naming lampasan, at ang gubat na 'to ay nasa kamay ngayon ni Aliyah.
Kung siya ang impostor, magte-take advantage siya sa barrier na gawa ni Leo para mapatay ang napakaraming estudyante na nasa loob nito. At kung si Leo ang impostor, chance niya 'to para mapatay kami.
Pero kung gagawin nga nila 'yon, hindi ko malalaman ang objectives ni Bayron.
Sa sobrang lalim kong mag-isip, medyo nabigla ako sa isang paputok na sign na simula na ang laban.
Sa labas ng gubat, nakahilera ang mga estudyante at sabay-sabay na kaming pumasok.
"Gaano ba kasensitive ang bula na 'to?" marahan na tinutusok-tusok ni Celia ang bula na namamagitan sa'min.
"Mas sensitive pa sa'yo" bulong naman ni Vann at kumunot nanaman ang nuo ni Celia.
"Excuse me?"
Huminto saglit si Vann at hinawi ang kamay niya papunta sa kabilang side niya, "Dadaan ka?" at nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Ehem-ehem" napalingon ako kay Leerin na same pace ko lang sa paglalakad.
Binuksan niya ang mapa na hawak niya. "1.6km ang distance na kailangan nating puntahan. But in 8 minutes magdidilim senyales na gabi na"
Designed ang activity na 'to para sa Emergency A and S-Ranked Missions.
Hindi ko inaakalang ako ang susubok sa sarili kong ginawang activity.
"Titigil din sa paglutang ang Magic Bubble na senyales na nagpapahinga ito" dugtong pa ni Leerin.
"Hmmm, sa madaling salita, nagrerepresent as noble ang bula na kailangan nating protektahan" as expected kay Vann.
"May nakakatanda ba kung ilang minuto na tayong naglalakad?" tanong naman ni Celia.
"3 minutes" confident na sagot ni Leerin na tama naman.
Hindi importante ang oras, mas importante na makalabas kami ng ligtas dito.
Nagpatuloy ang tahimik na paglalakad namin hanggang sa huminto ako at mukhang naramdaman din ni Vann at Leerin ang nararamdaman ko kinalaunan. Isa 'to sa mga traps ni Aliyah, ang Agimar (Sharp Leaves)
"Magus Enhancement" sabay-sabay naming sabing tatlo maliban kay Celia na mukhang may sariling mundo.
"Anong nangyayari-- anong nangyayari?" natataranta namang tanong ni Celia at kaagad pumunta si Vann sa harap niya.
"A-Alastair (Frozen Wall)" mabilis na sabi ni Leerin nang lumitaw na sa vision namin ang mga matatalim na Tapioca leaves.
Napigilan ito ng yelo ni Leerin. Matapos itong mabalot ng yelo, nawasak ito.
Wala na akong nararamdaman.
Tumingala ako sa dumidilim na langit, nag-uumpisa na ang gabi.
"Magpahinga muna tayo" sabi ko naman at tumango silang tatlo.
Humanap kami ng magandang pwesto at sabay-sabay kaming napabuntong hininga pagka-upo namin sa damuhan. Dahan-dahan namang lumapag ang magic bubble na mistulang nagpapahinga narin 'to.
"Maging cautious ka nga, Celia" hindi ko alam kung naiinis o hindi si Vann pero walang dudang nag-aalala siya para kay Celia.
"Noted, noted" napipilitan na sagot niya.
"Hm? Akala ko hindi na kailangan na maging cautious siya. Ang bilis mong makapunta sa harap niya para protektahan siya. Mas una mo pa siyang naprotektahan kaysa sa kailangan nating protektahan" nang tignan ko siya, nanlalaki ang mga mata niya at sobrang speechless niya.
Si Leerin naman nangingiti narin habang si Celia namumula na.
Inabot ko ang bote ng tubig na inaabot ni Leerin, "Well, wala namang mali sa ginawa mo. Pinrotektahan mo lang naman ang taong mahalaga sa'yo" at lalong namula itong si Celia.
"Karim, tama na, parang-awa mo na" napapaiwas na tingin na sabi ni Vann na hiyang-hiya na.
Tinaas ko ang both hands ko na parang sumusuko na ako, "Okey"
Umupo si Leerin sa tabi ko bitbit ang information paper. "May 4 minutes lang tayo bago lumiwanag ulit"
4 minutes, maraming pwedeng mangyari sa 4 minutes.
Tulad nito, at lumitaw ang mabilis na gumagapang na mga sanga paikot sa'min.
"Vann" kalmadong pagtawag ko at tumango naman siya kaagad. "Aster (Ring) "
Isang barrier..
Mula sa tinatapakan ni Vann may bilog na nabuo na mistulang ring ng planetang Saturn at nagsilbi itong barrier na nagtulak palayo sa mga halaman.
Pero katulad ng inaasahan ko, may kasunod kaagad 'to na bago.
"Galaw-galaw, Celia" pang-iinis ni Vann at kumunot nanaman ang nuo ni Celia.
"A-alam ko!" nilingon niya si Leerin na may ngiti siyang sinalubong, "Gawin na natin 'to, Leerin. Esriel (Cry of the Sky) "
"Tarusa (Conquer)" sunod ni Leerin.
Sa unang patak ng ulan, siyang pagfrozen ng buong paligid.
Water Beast Tamer plus Ice Spirit Tamer, ang pinangalanang Twin Tamer ng East High.
Walang dudang mas malakas ang yelo kung sinosoportahan ito ng tubig, at walang dudang mas matatag ang tubig kung sinosoportahan 'to ng yelo.
Binalik ko ang tingin ko sa nagyeyelong paligid. 45 seconds...
45 seconds bago matunaw ang yelo. Hindi sapat ang Mahika ni Leerin at Celia para patigilin ang patibong ni Aliyah.
"Leerin, basagin mo ang mga yelo mo" kalmado kong utos sa kanya na walang pag-aatubiling ginawa niya.
Itinaas niya ng kaunti ang kamay niya at sa pagsara niya ng palad niya, siyang pagkawasak ng mga yelo niya kasabay ng mga halamang binalot ng yelo niya.
Sa ngayon okay na ang lahat.
Tumingala ako para tignan ang barrier sa itaas, 80% ng Mahika ni Leo ang nagamit para dito, habang 23% naman ang nagamit ni Aliyah para sa mga patibong sa mga estudyante.
"Malapit ng matapos ang minuto para sa gabi. Sa tingin ko, mas mabuting magpatuloy na tayo" suggestion ni Vann.
"Wow, kailan ka pa naging leader?" murmured ni Celia
"Wala akong binanggit na ako ang leader" with smirk na pagbabalik ni Vann.
Dahil nakakatamad na awatin silang dalawa- ay hindi ko na ginawa.
"Hindi man lang marunong magpasalamat sa pagprotekta ko sa kanya" bulong pa ni Vann.
"Bakit, nagpasalamat ka ba nung tinulungan ka ni Karim?" at tumaas na ang kilay niya.
Nilingon pa ako ni Vann at bigla siyang napaiwas ng tingin sa'kin, "H-hindi ko naman kasi sinabing tulungan niya kami..."
Mapang-init na ngumiti si Celia na parang nagtitimpi siya, "Kung ganuon, hindi ko rin sinabi na protektahan mo ako"
Nanlaki naman ang mata ni Vann at halos matahimik na siya kaya nagpatuloy si Celia, "Bakit ako ang poprotektahan mo kung ito--" at marahan niyang tinapiktapik ang ibabaw ng magic bubble "ang kailangan mong protektahan? Okay ka lang? Kaya pa for today? Alam mo ba talaga ang point ng mission na 'to?"
Ha ha, ikaw Celia, okay ka lang?
"Mauna na tayo, Leerin. Mukhang may nakagawa na ng sariling mundo ang dalawa" walang mood kong aya kay Leerin na may ngiting tumango naman at sabay na namin silang tinalikuran.
Ramdam ko ang pagkabigla nilang dalawa.
"Sumunod na kayo. Bago pa maging literal na mahiwalay kayo sa'min" dugtong ko pero paglingon ko sa kanila, may sunod-sunod na pagsabog ang naganap hindi kalayuan sa kaliwang parte namin.
"A-a-anong nangyayari?!" as usual, ang natatarantang si Celia na napahawak na sa ulo niya.
Imposibleng nagmula 'to sa patibong ni Aliyah dahil wala siyang explosion-type na skill. Kung ganuon....
Pinakiramdaman ko ang paligid, tama nga ako, sa mga estudyante ito nagmumula.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. Dalawang grupo. Hindi talaga 'to naiiwasan every year.
Hindi ko naman inaasahan ang pagtakbo ni Leerin papunta sa direction ng pinangyarihan.
"S-saan ka pupunta, Leerin?!" tanong ni Celia.
"Kailangan nating pumunta. P-paano nalang kung may mga nasaktan?" at nagpatuloy siya sa pagtakbo na kaagad namang sinundan ni Celia at Vann.
Nilongon ko ang magic bubble na nasa tabi ko. Hindi ko napigilan ang pagbuntong hininga ko, "Hindi ba nila naisip na kalaban nila ang gusto nilang tulungan?"
Napakamot ako sa ulo ko, "Masundan na nga sila. Nangako ako kay Karim na poprotektahan ko sila Leerin"
To be continued ...