CHAPTER 17: 7 YEARS AGO

1258 Words
ARVIN'S POV Bago pa man magsimula sila Leerin sa laban, alam ko na agad na papasok din ako sa laban. 62% ang accuracy ni Vann. 44% ang kay Leerin at 41% naman kay Celia. Overall, 49% ang chance na makakuha sila ng 100 points. Sa pagbitaw ni Vann ng huling arrow hindi na ako nagtaka na 76 points ang nakuha nila. Tumayo na ako kasunod ang pagkaramdam ko ng hangin na nagmula sa likod ko. Mukhang sang-ayon sa akin ang hangin. "Ayusin mo, Karim! Nakasalalay sa'yo ang kinabukasan ko" sabi ni Celia at nilingon naman siya ni Vann, "Wow ah, salamat sa 22 points" "Hindi mabubuo ang 76 points kung wala ang 22 points ko, duh" "At talagang proud ka pa ah?" Huminto ako sa harap ni Leerin na nag-aalala nanaman. Ngumiti ako bago ko siya lampasan at pumunta na ako sa harap ng target na may ilang metro ang layo sa'kin. Kinuha ko ang arrow ko at inayos ko ang angle ng bow ko. 24 divided by 4, equals 6. Hah. Pagkabitaw ko ng arrow, katulad ng inaasahan ko, tinamaan ko ang 6 points. "6 points para sa first arrow!" sigaw ng instructor. "Ayusin mo, Karim!" sigaw ni Celia. Kinuha ko ang arrow sa likod ko habang naglalakad ako papunta sa next target. Pagkatapak ko palang sa harap nito ay kaagad ko ng binitawan ang string. "Another 6 points for the second arrow!" Last two.. Katulad ng mga na una, same form and angel at same points. Pagkarelease ko ng last arrow nangibabaw nalang bigla ang sigaw ni Celia sa likuran. "Good job, Karim!!!!" Nilipat ko ang tingin ko kila Karim na nakatingin din sa'kin maging si Miguel na seryosong nakatingin sa'kin. Hindi ko na pinatagal ang tingin sa kanila dahil katulad ng inaasahan ko, may ilang estudyante na eliminated para sa next round. May next year pa sila.... "Karim, congrats...!" si Leerin na nasa tabi ko. Ngumiti ako at tumango ako. "Maghanda na tayo para sa susunod na laban?" Tumango rin naman siya. "Sa susunod na round, duon na maka-categorise kung anong rank ang team natin" "H'wag kayong masyadong magpabigat, D-Ranked" bulong ni Vann at hindi na namin ikinabigla ang biglang pagsuntok ni Celia sa braso ni Vann, "Mukhang hindi mo pa alam?" "Ang?" at may pilyong ngiti ang lumitaw sa labi ni Celia, "Officially C-Ranked student narin si Karim" Napatingin sa'kin si Vann at Leerin ng may pagkabigla habang ako may pagtataka ko namang tinignan si Celia, "Hindi mabubuo ang team na 'to kung walang dalawang C-Ranked, kasama sa rules 'yon. Nag-iisip ka ba?" dugtong niya kay Vann. Mukhang napansin ni Celia na pati ako nagtataka, "Wait, h'wag niyong sabihing hindi niyo binasa 'yung reward para sa S-Ranked Mission?" Tinignan lang namin siya at napabuntong hininga siya. "Maghanda na nga tayo. Ayaw ko na magsalita" KARIM'S POV "Para sa susunod na laban, kailangan lang nilang maihatid ng hindi pumuputok ang isang magic bubble, 1.6 kilometers ang layo" sabi ni Leo habang binabasa niya ang nakasulat na schedule. "Hm, incase na may Emergency S-Ranked Mission, alam natin kung kanino natin ibibigay" pagsang-ayon naman ni Aliyah. "So gaganap bilang isang importanteng tao ang magic bubble na kailangan nilang protektahan hanggang sa maihatid ito hanggang sa dulo?" bulong naman ni Miguel habang nakatingin lang sa mga papel na kaagad niyang binaba sa table. "Sino ang maglalagay ng mga traps?" Nagtaas ng kamay si Aliyah at ngumiti siya, "Ako lang naman ang may kakayahan na magset ng mga traps so leave it to me" "May mga nakaantabay ding mga medic incase of emergency" sabi pa ni Leo. "Sa round ba na 'to pwede bang atakihin ng ibang grupo ang kabilang grupo?" tanong ko naman. Tumango si Leo, "Hindi natin maiiwasan 'yon, lalo na ngayon na may mga greedy na estudyante. Kaya may medic tayo, alam nila kung nasa limit na ang isang estudyante" Sumang-ayon nalang din ako kay Leo. "Okay, sisimulan ko na ang pagset ng mga traps. Give me 1 hour okay. See you later" at lumabas na siya ng kwarto. "Anong gagawin niyo ngayong dalawa?" tanong ni Leo habang inaayos ang mga papel sa table. "In charge kami ni Miguel para sa end part ng ruta. Pupunta narin kami. Ikaw Leo?" Tumayo siya pagkakuha niya ng mga papel, "Aayusin ko ang mga list ng mga natanggal sa list. Marami-rami ang mga natanggal na halos muntik ng makalahati ang bilang ng estudyante. Ibibigay ko nalang ang final list sa'yo para sa evaluation" Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita at umalis na rin siya sa kwarto. "Alam kong totoo ang sinabi ni Arvin tungkol sa impostor. Pero ang hirap alamin kung sino dahil parang pinag-aralang mabuti ni Bayron ang kilos at ugali nila" bulong ni Miguel. "B-Bakit ako nalaman mo na hindi ako ang totoong Arvin?" "Iba ang mga tingin mo sa tingin ni Arvin" tumayo siya. "Bakit nga pala hindi ako hayaan ni Arvin na ako ang lumaban para sa recruitment? Wala ba siyang tiwala sa'kin?" "Wala ka sa katawan niya kung hindi siya nagtitiwala" umiwas siya ng tingin at ambang magsisimula ng maglakad, "Nakipagpalit siya para protektahan ang mga estudyanteng nandito" Tinignan ko lang siya at nagpatuloy siya, "Involved ang mga General sa recruitment. Bawat battlefield may barrier na likha ni Leo, isang S-Ranked Barrier na hindi kayang mawasak ng isang estudyante. Kung si Leo ang impostor, hindi niya mapoprotektahan ang mga estudyante na nasa loob ng barrier" "Panigurado namang kayang wasakin 'yon ni Arvin. Kung hindi naman, kaya niya namang lumipat sa katawan ko" Nilingon niya ako ng puno ng pagtataka, "Paano nga ba kayo nagkapalit ng katawan ni Arvin?" Tanong na kahit ako hindi ko rin alam ang sagot, "W-wala akong idea" "Si Arvin?" "W-wala siyang nabanggit sa'kin..." "Kayong dalawa, hindi ba dapat nasa designated area niyo na kayo?" boses ni Arvin na bigla nalang naming narinig. Si Suvinnah... "Mukhang kanina ka pa nakikinig sa'min, Captain" nangingiting sagot naman ni Miguel na parang nakikita niya si Arvin. "Mukhang wala rin kayong balak na itigil ang usap niyo tungkol sa'kin kaya nagsalita na ako" ilang segundo bago siya ulit nagsalita, "Hindi natin alam kung anong binabalak ni Bayron. Kung ano man ang binabalak niya, kailangan natin siyang maunahan" "At naniniwala kang sa Vidre mo makikita ang sagot?" tanong ni Miguel. "Hm" simpleng sagot ni Arvin. Napakamot sa ulo si Miguel, "Ano pa nga bang magagawa namin" "Nagtitiwala ako sa inyong dalawa" at hindi na namin siya ulit narinig. "Karim..." mababang boses na pagtawag niya sa'kin, "Imposibleng wala kayong malalim na connection ni Arvin kung sa dinamiraming taong nabubuhay sa buong mundo, bakit kayong dalawa ni Arvin tinadhanang magkapalit?" dugtong niya agad pagkalingon ko. "Mukhang iniiwasan din ni Arvin ang topic. Mas mabuting h'wag na muna nating pag-usapan" 'Muna'...? "W-wait--" at nilingon niya ako ng seryoso, "H-hindi kaya may connection 'to 7 years ago?" "7 years ago?..." "Hindi mo ba alam na si Arvin ang nakapagpatigil ng s*****y sa East Ground?" "H-hindi ba ang mga warriors na galing sa Abarca?" dahil sila ang natatandaan ko na tumulong sa amin para makalaya kami. "Coincidence na paparating si Haring Madison sa East Ground kasama ang maraming warriors para patigilin din ang s*****y na nangyayari. Pero si Arvin na ang gumawa at nagtapos sa trabaho nila. At matapos ang tatlong buwan, binigyan ng position ng Hari si Arvin at nabuo ang Generals. Ito lang ang nakikita kong connection na mayroon kayong dalawa" "Hindi niyo ba tatanungin kung sino ang bumuo ng Slave Trading Area?" boses ni Arvin na muli nanaman naming narinig. "Si Bayron Farquhar" To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD