CHAPTER 16: THE SIX CATASTROPHIC DRAGONS

1330 Words
KARIM'S POV Hating gabi nagising ako dahil sa presensya ni Arvin na nasa loob na ng kwarto ko. "Sumama ka sa'kin" seryosong sabi niya pero bago pa man ako makapagsalita, imbis na sa malambot na kama ako nakaupo ay nakaupo ako ngayon sa mga d**o. Nandito nanaman kami sa isang lugar na sobrang layo sa kabihasnan. Sa sobrang layo, halos namoblema na ako kung pano ako babalik ng Abarca nung unang pagkikita namin. Kung hindi niya ako binalikan, baka naging hapunan na ako ng mga hayop dito sa gubat. May lumitaw na espada sa mga kamay niya na kaagad niyang tinusok sa lupa sa harap ko, "Mag-aral ka kung paano mo kontrolin ang isang laban" Tumayo ako, "Sa laban na pinakita mo kanina, masyado kang nagfocus sa pagdepensa at halos hindi ka makaataki. Alam mo bang pinagbibigyan ka lang kanina ni Miguel?" Pagkatayo ko pinagpag ko ang damit kong na medyo nadumihan at kinuha ko ang espada, "Alam ko. Kung hindi dahil sa'yo, hindi siya magseseryoso" "Magsimula na tayo" seryosong sabi niya at sa isang iglap lumitaw siya sa harap ko. Hinawi niya kaagad ang espada ko. Dahil hindi ako handa, tumilampon ang espada ko at napaupo ako kasunod ng pagtutok niya ng espada sa'kin. "Ito lang ba ang kaya mo, Karim?" Sa sobrang pikon ko, sinubuksan kong iikot ang paa ko pahampas sa mga paa niya pero tinaas niya ang unang paa niya na tumapak at pumigil sa paa ko. Yung ang laki ng difference ng katawan naming dalawa pero nagawa niyang pigilan ang paa ko gamit ang maliit kong katawan? Inalis niya sa pagkakatapak ang paa niya sa binti ko. May inilapag naman siyang anim na libro sa harap ko. "Aralin mo 'yan" napatingala ako sa kanya na para bang hinihintay ko na sabihin niyang nagbibiro lang siya, "S-seryoso ka ba?" Kinuha ko ang isang libro. Isa 'tong origin ng isang Lost Unique Skill, hindi! Dahil ang anim na 'to ay Unique Skill. "P-Pero hindi ko parin 'to magagamit kung hindi sapat ang Mana Control ko" sabi ko pa dahil totoo naman. Malakas na Mahika at matinding Mana Control ang kailangan ko para magamit 'to. "Sa susunod, pag-aaralan mo naman ang Mana Control gamit ang totoong katawan mo" napabuntong hininga ako at kinalat ko ang anim na libro sa harap ko, "Safiya, Anahita, Tellus, Mystral, Luna.. S-Sunniva? The Six Catastrophic Dragon? Bakit parang familiar sa akin ang mga pangalan?" tiningala ko siya ulit. "Catastrophic Dragon si Sunniva at Luna?!..." dugtong ko pa. Tumango siya, "Hm, ang Yin-Yang Dragons o kilala bilang Twin Dragons. Unfortunately hindi mo makikita ang totoong anyo nila dahil hindi ikaw ang owner ng Skill. 30% lang ang lakas nito sa orginal dahil imitation lang ang mangyayari pero kung ito ang matututunan mong skill, baka ikaw ang kauna-unahang taong makatalo sa'kin" Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya pero kaagad niyang nilapit ang tingin niya sa'kin, "Naglalaman ng 800 pages ang bawat libro. Kaya paghusayan mo" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Pero hindi na nakakabigla dahil sa kapal ng mga libro. "Siguraduhin mong mapag-aaralan mo ng mabuti 'yan bago dumating ang araw na huling beses na magpapalit tayo" Nagcross feet ako, "Kailan ba 'yung araw na 'yon?" Napatingala siya sa buwan, "Hindi ko alam" Hindi ko alam kung paano sundan ang conversation namin kaya naman naisip ko na baguhin ang topic, "Humawak ka na ba ng bow? A-Archery ang Elimination Round... " "Nakahawak na ako" seryosong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, "Bago lumabo ang mga mata ko" "Sinubukan kong gumamit ng bow gamit ang katawan mo. H-hindi ko makita ng maayos ang target kaya kahit na anong ataki ko, hindi ko talaga matamaan ang target. A-alam ko ang pakiramdam kaya naman naisip kita" mahinang sabi ko. Hindi siya kumikibo kaya nagpatuloy ako, "B-Bakit lumabo ang mga mata mo?" "Hindi ba nabanggit sa'yo ni Aliyah ang dahilan?" umiwas ako ng tingin at nagpatuloy siya, "Naiintindihan ko si Aliyah kung bakit hindi niya sinabi" "A-anong nangyari?..." Pero ngumiti siya, "Malalaman mo rin. Tadhana ang naglapit sa ating dalawa, hayaan narin nating dumating ang araw na ang panahon ang magsabi sa'yo" May laman ang mga sinasabi niya kaya naman hindi ko nakuhang magsalita, "Babalik na tayo. Magkita nalang tayo bukas" "Sa oras na matapos ang recruitment, kasama mo sa delikadong mission sila Leerin. Hindi ako sang-ayon dito, pero gusto kong magtiwala sa'yo. Protektahan mo sila, Arvin" may maliit na ngiting lumitaw sa labi niya pagkatango niya at sa isang iglap, nasa kwarto na ulit ako. Kinabukasan, nagkita kami sa Arena ni Arvin kasama ang Team niya nila Leerin. "Good Day Everyone! Nakatulog ba ang lahat o dahil sa excitement ay hindi na kayo nakatulog? Haha, ito na ang Elimination Round! Ang Archery! Kailangan lang ng bawat team na makakuha ng 100 points! Sa isang Team ay may tatlong represent! Kung makukuha ng tatlong member ang 100 points sa 12 chances nila, pasok na sila para sa next round. At kung hindi naman, dito na papasok ang last member para tulungan ang team niya. Good Luck Everyone!" nagsimula ang sigawan ng mga upper and lower year na nakaupo sa spectator seat. Nilingon ko ang group nila Arvin na inabutan na ng bow. Lalo akong kinabahan nang magsimula na ang lahat. Sa Team 8, Platoon 3 lang ang attention ko. At mukhang si Arvin ang nagvolunteer na magpaiwan at si Vann, Leerin at Celia ang lalaban. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Miguel sa gilid ko. "Mukhang malaki ang tiwala niya sa members ng team niya" si Arvin ang tinutukoy niya. "Sa buong East High, 62% ang pinakamataas na accuracy sa Archery. Kung hindi ako nagkakamali, nasa Platoon mo siya, Arvin" sabi ni Aliyah na nasa kaliwa ko naman at inabot ni Leo ang papel na hawak niya, "Vann Harold Fitrei?.. Hmm, kasama niya rin sa team si Karim Davila. Kung hindi ako nagkakamali sila ang naghatid sa Prinsipe pabalik sa Abarca" "Sila rin ang nakatalo kay Bayron nang umataki siya dito sa East Ground" singit ni Miguel sa usap at napansin ko ang matalim niyang tingin. Tama, pinagkatiwala sa'min ni Arvin ang pagprotekta sa Abarca. Kabilang ang paghahanap ng impostor. Binalik namin ang focus namin sa mga laban na nagaganap. May ilang halos makikitang walang chance para makapasok ng 100% kahit na gamitin pa ang last member nila. Ang score ng Team 8 ay, Leerin = 7-5-6 Celia = 5-6-6 Vann = 8-7-7 57 points. May last round nalang sila pero, hindi sila pasok sa 100 points kahit na maka10 points sila bawat arrow. Nilingon ko si Arvin na seryosong pinagmamasdang umataki si Leerin na nakakuha ng 6 points, sunod naman si Celia na nakakuha ng 5 points, nilingon ko si Miguel na nakangiti na Kasunod ng pagbitaw ni Vann sa string at nakakuha siya ng 8 points. 76 Points.... Kulang sila ng 24 points para makapasok sa next round. Kumabog ang dibdib ko nang tumayo na si Arvin sa upuan. Alam kong malinaw ang mga mata mo bilang Karim Davila, pero kaya mo ba talaga? Kinuha niya ang isang arrow na nasa likuran niya at halos hindi ko makuhang pumikit dahil sa kaba. Sa pagstretch niya ng string, kaagad niya 'tong binitawan na parang hindi niya sinisigurado kung tatama ito sa target niya. "6 points para sa first arrow!" sigaw ng instructor at kinuha na kaagad ni Arvin ang isa pang arrow at lumipat sa next target. Katulad ng ginawa niya kanina, basta lang siya release ng string ng bow. "Another 6 points for the second arrow!" Anong ginagawa mo, Arvin? Napansin ko ang pagngiti ni Miguel, "Aanhin mo nga naman ang sobra...." bulong niya sapat para marinig ko sa lapit naming dalawa. Sa pagbitaw niya ng pangtatlong arrow, 6 points ulit ito. At sa last arrow, panibagong six points. Total of 100 points. Tinignan ko ang lahat ng position ng mga arrow na nasa target. Lahat sila same position. Intention niya talagang isakto sa 100 points? To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD