CHAPTER 15: THE BATTLE OF THE TWO GENERAL (PART 3)

1335 Words
"Dahil may impostor sa loob ng Palasyo" "A-anong sinasabi mo?" umataki ulit siya sa'kin pero this time halos pantayan niya ang lakas ng espada ko dahilan para halos hindi kami maghiwalay kahit nagpapalitan na kami ng ataki, "Bago kami makarating sa Abarca, nakalaban ko si Bayron habang nasa mission ako sa paghatid kay Peter" Sa paglock ng mga espada namin, tumingin siya sa'kin ng seryoso, "I-Imposible dahil may mga Absaar na umataki sa Abarca nung mga araw na 'yon" "Totoong Bayron at Absaar ang nakalaban ko, maging ang umataki sa Abarca. At ang isa pa, nang makaharap ko si Bayron bilang Peter Gaillard-- makalipas lang ng ilang araw, binalikan ako ni Bayron-- Ako bilang Karim Davila" hinawi ko ang espada ko pero nabablock niya ng walang kahirap-hirap ang mga ataki ko. "Nabanggit ka ng Prinsipe--" putol niya sa'kin gamit ang muling paglock ng espada namin, "Kahit nabanggit ni Peter ang pangalang Karim Davila sa talumpati niya, imposibleng ako lang ang sugurin niya kung dalawa kami ni Vann na naghatid kay Peter sa Abarca" May point siya... "Walang idea si Bayron kung sino ang nakaharap niya nung araw na 'yon maliban sa idea na nagpapanggap ito na Peter Gaillard. Ang nakakaalam lang ng mission na pagpapalit namin ng anyo ni Peter ay ang mga Generals kabilang ang Hari at si Vann maging si Ms. Helen. Isa lang ang masasabi ko Miguel, may impostor sa loob ng Palasyo" Tinulak ko siya palayo at hinayaan niya naman ako at umataki ako, "Hindi kayang kontrolin ni Bayron ang isang buhay, Arvin" Hindi nagbago ang expression niya at patuloy na nagpapalitan lang kami ng ataki, "Alam ko. Kaya aalamin ko kung paano niya nagagamit ang mga kakampi natin laban sa atin" Sa huling pagtama ng espada namin, nagtama ang tingin namin sa paghiwalay namin sa isat-isa. "Anong gusto mong mangyari?" "May gusto akong imbistigahan na lugar na hindi ako mahahalata ni Bayron. At wala akong mapagkakatiwalaan sa pagprotekta ng Abarca maliban sa inyong dalawa ni Karim" hindi ko napigilan na hindi mangiti at umataki ulit ako sa kanya, "Ikaw ang Captain ng mga General. Bakit mo ipapasa ang mabigat na trabaho sa isang paslit?" "Nagtitiwala ako na poprotektahan mo siya-- kabilang ang Abarca" salitang hindi ko inaasahan at wala akong makitang kasinungalingan sa mga mata niya. "Nabanggit ni Peter na inataki ni Bayron ang kampo niya sa Vidre, ang lugar ng mga Clairvoyant. Gusto kong imbistigahan ang disappearance ng mga Clairvoyant. Alam kong may connection ang lahat ng nangyayari kay Bayron" dugtong niya. "Anong magagawa mo bilang isang estudyante?" tanong ko pa at napaatras siya ng kaunti sa pagblock ng espada ko, "Tatapusin ko ang recruitment. Ikaw ang bahalang magbukas ng case tungkol sa nangyari. At alam mo na ang susunod mong kailangang gawin" "Isang S-Ranked Mission ang gusto mong buksan. At alam mong D at C-Ranked lang ang bukas na mga mission para sa mga estudyante" Tumango siya at hindi nawala ang seryosong tingin niya, "Kaya kausap kita ngayon. Alam kong matutulungan mo ako" "Bakit hindi ka bumalik sa katawan mo at gawin mo ang trabaho mo bilang totoong Arvin Boreanaz?" Pagkaataki niya sa'kin ng spear niya, nagtamo ako ng maraming sugat dahil sa bilis ng ataki niya, "Kung ako bilang si Arvin Boreanaz ang mismong pupunta ng Vidre-- malalagay sa peligro ang Abarca. Tatayo bilang Arvin Boreanaz si Karim sa Abarca at ikaw ang mag-aassist sa kanya. At kung kinakailangan, babalik ako sa Abarca. Hanggat nandito Karim, may communication ako sa Abarca gamit ang isang skill. Makakapagbalik-balik ako sa Abarca, pero naniniwala akong hindi aabot sa punto na 'yon" Napayuko ako at napangtungtong ko ang espada ko sa pagtayo ko dahil sa pagkakatumba ko dahil sa mga ataki ni Arvin, "B-Bakit ba parang buo ang tiwala mo sa'kin na mapoprotektahan ko ang Abara?" "Una palang buo na ang tiwala ko sa'yo. Hindi ko iinumin ang wine na alam kong may lason, kung hindi ako nagtitiwala sa'yo" wala paring tonong sagot niya na nagpatingala sa'kin para harapin siya. Nakatingin siya sa papadilim na ulap at marahan na ibinalik niya ang tingin niya sa'kin, "Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang Abarca, Miguel" Sa mga oras na 'to, halos maging speechless ako dahil sa mga nangyari at sinabi niya. "Eh?.... " biglang pagbabago niya ng expression, "B-bakit ba palagi nalang na wala kang pasabi kung magpapalit tayo ng katawan?...." bulong niya pa at duon napagtanto ko na si Karim Davila na ang kaharap ko. Hindi ko napigilan ang pagngiti ko at itinaas ko ang dalawang kamay ko, "I concedes defeat" "A-At matapos ang napaka-intense na pagpapalitan nila ng ataki-- nagwagi ang Captain ng Generals!" sabi ng announcer at hindi ko mapigilan ang pagbuntong hininga ko. Hindi ko naman inaasahan ang isang palad na lumitaw sa harap ko. Tiningala ko si Karim na may malaking ngiti ngayon kasabay ng pag-abot ko ng kamay niya para makatayo ako ng diretso. "Alisin mo ang ngiting 'yan. Nakakangilabot kapag ngumingiti ka gamit ang katawan ni Arvin" "G-ganun ba?" masunuring sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ulit ako. Sa pagtayo ko, nagtagpo ang tingin namin ni Arvin na nasa spectators seat na. Iisa lang naman ang goal natin, ang protektahan ang buong mundo. ARVIN'S POV "Ngayon, hinihikayat namin ang lahat ng mga second year na maghanda para sa paninimula ng recruitment! Magsipunta na po tayo sa kanya-kanya nating team" sigaw ng instructor at nagsitayuan na ang mga estudyante. "Team 8, Platoon 3 tayo" sabi ni Vann pagkatayo namin. "Alam namin. Di mo kailangan sabihin" sabi naman ni Celia at kumunot na ang nuo ni Vann pero bakas sa kanya ang pagtitimpi, "Hindi ko lang naman sa'yo sinasabi. Bakit, gaano ka ba kaimportante?" "Hah, woah" Hinayaan nalang namin silang magbangayan ni Leerin at nauna na kami sa paglalakad. "Karim" nagtama ang tingin namin ni Leerin na nasa tabi ko lang, "Hindi kita tatanungin kung anong laman ng isip mo ngayon at kung anong nagpapagulo ng isipan mo. Pero h'wag mong kakalimutan na lagi lang akong nandito para sa'yo" May maliit na ngiting lumitaw sa labi niya kaya pinat ko ang ulo niya, "H'wag kang mag-alala, okay lang ang lahat" Tama, magiging okay lang din ang lahat. "Ehem" parehas kaming nalingon ni Leerin-- hindi lang kami ni Leerin kung hindi pati ang aso't pusa na nasa likuran namin. "W-Woah, nasa harapan ko ngayon ang undefeated warrior..." bulong ni Celia na halos hindi na maalis ang titig kay Karim na nasa katauhan ko. Pansin ko na nakatingin siya sa palad ko na nasa ulo parin ngayon ni Leerin kaya kaagad ko na 'tong inalis dahil sa titig niya. Bakit ko ba naisip na bata parin ang mga 'to? Huminga siya ng malalim, "Leerin Briguela, Karim Davila, Celia Madigan at Vann Harold Fitrei. Kayo ang Team 8 from Platoon 3. Ito ang mga badges niyo as participants ng recruitment" Inabot niya ang apat na badges sa'min at sa pag-abot niya ng sa akin, halatang kabado pa siya. Pagkaabot niya ng mga badges ay bumalik siya sa harap at dahan-dahan na binuksan ang envelope na naglalaman ng isang papel. "Para sa Elimination Round ay--" putol niyang sabi at nilingon niya ako ng may pagkabigla, "A-Archery..."dugtong niya. KARIM'S POV Matapos kong iannounce sa bawat team na hawak ko ang unang activity, kaagad kong hinanap si Miguel. Hindi naman ako nabigo na hanapin siya, "S-sino ang nagdecide ng unang activity para sa Elimination Round?" "Ako" walang pag-aalangan niyang sagot at ibinalik niya kaagad sa'kin ang mga tingin niya, "H'wag mo sabihing nag-aalala ka para sa kanya?" si Arvin ang tinutukoy niya. "Alam kong ni minsan hindi ko pa siya nakitang humawak ng bow o arrow, pero ang undefeated warrior ang pinag-uusapan natin dito, Karim" hinayaan ko siya na magsalita pero nagbuntong hininga muna siya bago siya nagpatuloy, "Bow, arrow, spear, dagger, swords... lahat 'yan pare-parehas lang para kay Arvin. Siya ang tipo ng taong hindi mo dapat inaalala, dahil walang imposible para kay Arvin. Narinig mo ang pinag-usapan namin kanina, hindi ba? Hintayin mo, lahat dadaloy sa agos na gusto niya" To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD