CHAPTER 14: THE BATTLE OF THE TWO GENERALS (PART 2)

1309 Words
KARIM'S POV Nagpapalitan kami ng ataki ni Miguel at pinipilit ko na depensahan ang mabibigat niyang ataki nang maramdaman ko si Sunniva. "Kaya mo pa?" boses ni Arvin na bigla ko nalang narinig. "Wala sa usapan natin 'to" sagot ko kasunod ng pag-ataki namin ni Miguel sa isat-isa at wala narin akong pakialam kung marinig man ako ni Miguel dahil hindi ko kayang ma-maintain ang focus ko sa kanya. Hindi siya kumikibo kaya nagpatuloy pa ako, "Alam ko na alam mong hindi ako mananalo kay Miguel" "Alam kong maliban sa mga tinuro ko sa'yo, nag-eensayo ka rin sa Abarca. Gusto kong makita ang improvement mo" "Huh, improvement? Nagbibiro ka ba? Nasa basic palang ako ng pagtuturo mo saken tapos nagawa mo akong iharap sa isang S-Ranked warrior?" Tinignan ko si Miguel matapos kong maramdaman ang napakabigat na Mahika mula sa kanya. Ito ang kalahati lang ng lakas ng isang S-Ranked Warrior, ano bang laban ko sa isang halimaw, Arvin Boreanaz? "Pleres (Re-collect)" binalot ng kulay-itim na Mahika ang kulay pulang espada niya at ramdam ko ang napakalakas na Mahika mula rito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Arvin, "Alam na ni Miguel na ako ang kausap mo. Magpalit na tayo" Bago pa man ako makapagsalita, sa isang pikit ko, nakikita ko ang sarili ko na nakaupo sa spectator seat at katabi ko sila Leerin at si, "Vann?...!" halos mabiglang sabi ko dahil bakit ito ang katabi ko? "Kanina ka pa bulong ng bulong diyan. Nababaliw ka na ba?" Ibinalik ko ang tingin ko sa laban matapos ang pag-ingay sa paligid. Pero ang pumukaw ng attention ko ay ang mabilis na pagtakip ng buwan sa araw. Sa bilis nito, aakalain mo lang ang pagdaan ng napakakapal na ulap na humarang sa araw. Ibinalik ko ang attention ko sa laban. Gamit lang ang kanang palad ni Arvin, marahan niyang hinilis ang espada ni Miguel patulak palayo sa leeg niya habang may nakaambang dagger sa tiyan ni Miguel. "Ito ang unang laban natin matapos ang pagtatangka mo sa buhay ko, hindi ba, Miguel?" rinig kong sabi ni Arvin. Naririnig ko 'to dahil kay Suvinnah. "C-Captain..." "Tsk, makikipagpalit ng biglaan. Manong ginawa umpisa palang" bulong ko naman. "Kung hindi ako nakipagpalit, patay ka na ngayon" seryosong sabi naman ni Arvin na narinig ako. Bakit mabibigla ka pa, Karim? ARVIN'S POV "K-Kailan pa. Kailan pa?" binago ni Miguel ang grip sa espada niya. Hiniga niya ang blade nito at kahit nakatapat ang talim nito sa palad ko, tinangka niyang sugatan ako. "Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko sinekreto na nagkakausap kami ni Karim?" mahinang tanong ko pero nagkiskis lang ang mga ngipin niya dahil sa galit, "Parehas ko kayong papatayin" Mas lumakas ang Mahika na nararamdaman ko sa kanya kaya gamit ang kamay ko na may hawak sa espada, hinatak ko si Miguel papalapit sa'kin, "May dalawang sikreto akong sasabihin sa'yo" Nanlaki ang mga mata niya pero sinipa ko siya palayo sa'kin. "Anong sinasabi mo?..." punong pagtatakang tanong niya. Lumitaw ang spear sa kanang kamay ko, "Ngayon lang ako magkukwento kaya makinig kang mabuti, Miguel" Naglaho ako, nabigla siya sa paglitaw ko sa harap niya pero nagawa niya pang iblock ang spear ko. "Alam mo na ang unang sikreto, dalawang araw matapos magkapalit kami ng katawan ni Karim-- nagkita kami" FLASH BACK Araw bago ang laban ng section namin at section nila Vann, napagdesisyunan ko na puntahan si Karim sa Abarca. "Magus Enhancement" pagkaayos ng flow ng Mana ko, hinanda ko na ang susunod kong sasabihin, "Luna (Shadow)" Lumitaw ang emblem sa harap ko, "Dalhin mo ako kay Karim Davila" KARIM'S POV Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal. Kung gusto kong manatili sa ganitong buhay, kung gusto kong manatili sa ganitong katawan.... kailangan ko ng kakampi. Pero sino? Sino ang taong papayag na angkinin ko ang katawan at buhay ng isang Arvin Boreanaz? Sa kakaisip ko ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising nalang ako bigla sa pagkatok ng mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Captain, ako 'to... si Miguel" Napalingon ako sa orasan, anong dahilan ng pagpunta ni Miguel ng ganitong alanganing oras? "Karim Davila" familiar na boses na nagmula sa likuran ko. Puno ng pagkabigla kong nilingon si Arvin Boreanaz na nasa totoong katawan ko. "Mag-usap tayo" sa isang iglap napunta kami sa isang lugar na puno ng puno. Nasaan kami? "Sapat na ang layo natin para hindi tayo matunton ng mga General" sabi niya kahit nakatalikod siya sa'kin. Sa pagharap niya, hindi ko mabasa ang laman ng isip niya dahil sa halos expressionless niyang mukha. "Base sa expression mo nung makita mo ako, hindi mo intention na nakawin ang katawan ko. May idea ka ba kung bakit tayo nagkapalit ng katawan?" nababasa niya ako. Walang kasinungalingan akong umiling. Iniwas niya ang mga tingin niya sa'kin, "Magus Enhancement, Luna Suvinnah" Naglaho ang dalawang emblem na lumitaw sa harap niya at sa pagtingin ko sa itaas, may eclipse na nagaganap. Binalik ko ang tingin ko sa kanya, pero nabigla ako dahil ang totoong katawan ng Arvin Boreanaz na ang nasa harapan ko. Tinignan ko ang katawan ko, nakabalik na ako? Pero sa muling pagbalik ko ng tingin kay Arvin, bumalik ako sa katawan niya. "B-Bakit?" Tinignan niya ako ng seryoso, "Nangako ako kay Leerin na ipapanalo ko ang laban bukas laban kay Vann. Malakas din ang kutob ko na may napakalaking dahilan kung bakit tayo nagkapalit. Gusto kong imbistigahan 'yon ng tahimik" "Ilang araw mula ngayon babalik ng Abarca si Peter mula sa pag-eensayo niya, kasabay nuon ang pagbabalik natin sa totoong katawan natin. Dahil paniguradong malalaman agad ni Peter na hindi ikaw ang totoong Arvin Boreanaz, malaking problema kapag nangyari 'yon" "Suvinnah" may puting emblem ang lumitaw sa harap niya, "Ikaw na ang bahala kay Karim sa Palasyo. Gamit si Suvinnah, makakausap mo ako. Sa tuwing ikaw ang nasa katawan ko, mana ng totoong katawan mo ang kinukuha ni Suvinnah para magamit siya. At isa pa Karim, gusto ko lang sabihin. Ang taong nagtangka ng buhay ko ay kasama mo sa iisang bubong, si Miguel Adalwen" Dahil duon nabigla ako, "S-sandali, ipagkakatiwala mo sa'kin ang katawan mo? Paano nalang kung mamatay ako?" "Hindi ka mamamatay, magtiwala ka sa'kin. Siya ang unang makakapansin na hindi ikaw ang totoong Arvin Boreanaz, kapag nagkataon-- umamin ka. Ipakita mo na parang gusto mong mabuhay bilang ako. Pero h'wag mong hahayaan na mangyari ang lahat ng gusto niya, nanduon si Leo at Aliyah, kahit hindi nila alam, magagabayan ka nila. Kapag nakuha mo ang buong tiwala ni Miguel, hindi ka mapapahamak" "P-paano ka nakakasiguro...." mahinang tanong ko. "Dahil ako ang totoong intention niya. Kakailanganin ka niya para matunton ako" Nagpatuloy siya "Pagbalik mo, paniguradong tatanungin ka nila kung saan ka nanggaling. Lalo na si Miguel na nasa labas na ng kwarto mo kanina. Sabihin mo lang na gumawa ka ng Potion at Elixirs. Sa ganung paraan, hindi ka pagdududahan nila Aliyah, pero mabibigyan mo ng katanungan si Miguel" "K-Katanungan?" "Sasanayin din kitang humawak ng armas. Magkita nalang ulit tayo" bago pa man ako makapagsalita, naglaho na siya. "Magtiwala ka kay Arvin, Karim" sabi ni Suvinnah na walang physical na anyo. "Ano pa nga bang magagawa ko.... " END OF FLASHBACK MIGUEL'S POV Nagkita na sila bago pa umamin sa'kin si Karim? "Kung ganuon, bakit hindi ka bumalik sa totoo mong katawan nang hinatid mo ang Prinsipe sa Abarca?" tanong ko. Lalong bumigat ang spear na nagtutulak sa'kin. Sa pagtingin ko sa kanya, nakatingin siya sa lugar kung saan nanunuod ang mga General. "Dahil may impostor sa loob ng Palasyo" nanlambot ang mga binti at kamay ko dahil sa sinabi niya kaya nasugatan niya ako at tumilampon ako. Hindi ko ininda ang mga sugat ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Bukod kay Karim, may iba pang nagpapanggap? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD