KARIM'S POV
"Sa pagsisimula ng araw ng enlistment, may hinanda ang mga General's upang mas malong ma-engayong mag-ensayo ang mga estudyante" ang sabi ng isang instructor na nagsisilbing emcee o taga announce.
"Ito ang pinakahihintay nating laban ng Captain ng Generals laban sa isang General na si Miguel Adalwen"
Sa paglabas ko, sa pagtungtung ko sa arena, hindi ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Lalo na nung nagharap na kami ni Miguel.
"Captain, ang larong 'to ang magsasabi na hindi nawala ang lakas ng pinakamalakas na warrior sa buong mundo. Nasa kamay mo ang kaligtasan ng Abarca at ng buong mundo" mahinang sabi ni Miguel sapat para marinig ko.
Hindi ko mapigilan ang hindi maging handa dahil sa kaba. Dahil hindi siya nagkakamali, dala ko ang napakabigat na responsibilidad ngayon.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa buong paligid. Tinanaw ko ang lahat ng mga estudyante na nag-aaral dito, at duon nagtama ang tingin namin ni Arvin Boreanaz na nasa totoong katawan ko.
MIGUEL'S POV
Napansin ko ang pagtingin niya sa pwesto nila Arvin na nasa spectator seat.
Gusto mo bang humingi ng tulong sa totoong Arvin? Hah!
"Simulan na ang laban!" announcement ng instructor at naghanda na kami ni Karim para sa laban.
"Forge, Sword" at lumitaw sa kamay ni Karim ang isang espada.
Mukhang handa na siya,
"Magus Enhancement. Eginhard (Thief's Sword)" pagkalitaw ng emblem ko siyang pagtransform nito sa pagiging espada.
Alam kong walang silbi ang Unique Skill ko sa'yo dahil wala akong maaabsorb na Mahika o Mana. Pero magkaparehas lang tayo ng sitwasyon.
"Makya (Dead Spot) " at nagbago ang visions ko dahil nakikita ko ang mga weak spot niya.
Sa stance niya ngayon, ako ang hinihintay niya kaya kaagad na akong tumakbo papunta sa kanya.
Nabigla siya sa biglang paglitaw ko sa harap niya pero nagawa niyang iblock ang espada ko na sa tingin ko ay dahil sa instinct niya.
Akmang itutulak niya ang espada ko gamit ang kanya nang sinabayan ko siya kaya natulak kami palayo sa isat-isa.
Parehas kaming napahawak sa lupa para matigil ang pwersa at nang makakuha ako ng lakas sa paa, kaagad ko siyang binalikan pero sinalubong niya rin ako para iblock nanaman ang atake ko.
Inislide niya ang espada ko at kaagad siyang umikot at sinipa ako palayo sa kanya.
Mukhang napaghandaan mo ang laban na 'to, Karim.
ARVIN'S POV
Kung tutuusin hindi ako ang napakatamang kalaban para kay Miguel dahil wala siyang ma-a-absorb sa akin na Mahika.
May balak talaga siyang talunin si Karim.
"Kung minamalas ka nga naman oh. Bakit kayo pa ang kasama ko sa Platoon?" nilingon namin nila Leerin si Vann na umupo sa tabi namin.
"Kung ayaw mo sa Platoon na kasama kami, gumawa ka ng sarili mong Platoon" sagot naman ni Celia na gustong patulan si Vann.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Leerin. May malamig naman na bagay na dumampi sa pisngi ng dalawa, "Palamig muna kayong dalawa. Ang iinit ng ulo niyo" sabi ni Eugene na nasa likuran nila nakaupo at inabutan sila ng malamig na bote ng juice.
Bumalik ang attention ko sa laban nila Karim at Miguel. May mga ataking hindi naiiwasan ni Karim, ito ang kakayahan ng Makya ni Miguel. Nakikita niya ang mga weak points ng kalaban.
Nagpapalitan sila ng ataki. Nakakasunod naman sa bilis ni Miguel si Karim.
Pero hanggang kailan tatagal si Karim?
Sa pag-ataki ni Miguel gamit ang espada ni Karim, binlock niya ito pero sinusundan ito ng sunod-sunod na ataki ni Miguel dahilan para mapaatras siya.
Kung susukatin, labing-dalawang minuto nalang ang itatagal sa laban ni Karim.
Katulad ng inaasahan ko, masyado pang maaga para kalabanin niya ang isang S-Ranked Warrior.
MIGUEL'S POV
Habang tumatagal ang laban, patindi ng patindi ang paghahabol niya sa hininga niya.
"Masisira ang dignidad mo bilang Arvin Boreanaz kung matatalo ka sa laban na 'to, Karim" at umatras ako pagkaataki ko na nablock niya.
Huminga siya ng malalim at tumayo ng diretso, "Manahimik.. ka" hingal niyang sabi at bigla siyang sumugod, ang kaninang espadang hawak niya ay naging isang spear.
Sa pag-ataki niya, sinasakto ko ang edge ng spear niya sa talim ng espada ko.
Sunod-sunod ang pag-ataki niya na nagiging dahilan para mapaatras ako. Kaya naman sa sumunod na ataki niya, matapos kong isakto ang talim ng spear niya sa espada ko, kaagad kong binago ang paghawak ko sa espada ko para maikot ito at mabilis na mahawi ang spear niya pahagis na kaagad naglaho mid-air.
Tinake ko ang chance na 'yon para atakihin siya pero may lumitaw na espada sa kamay niya na kaagad nagblock sa espada ko. Pero dahil ito ang weak spot niya, nasugatan ko siya habang siya patuloy na nagbablock.
"Sumuko ka na, Karim" bulong ko sa kanya pero ngumiti siya.
"Kahit pwede akong sumuko, hindi ko gagawin" lumakas ang pwersa ng pagblock niya kaya naman umabot sa punto na napaatras kaming dalawa pero kaagad din kaming umataki sa isat-isa at nagpatuloy kami sa pagpapalitan ng ataki.
LEERIN'S POV
Familiar ang mga galaw na ipinapakita ng Captain ng Generals, pero hindi ko maalala kung saan ko 'to nakita.
Nilingon ko si Karim na seryoso sa panunuod niya na halos hindi na niya mapansin si Vann na nasa tabi niya.
"Mukhang matatalo ang Captain ng Generals. Pero ang astig, walang gustong sumuko sa laban" pasisimula ng bulungan sa paligid.
"Alam niyo ba ang balita? Nagka-amnesia daw si Arvin Boreanaz" bulong ng isa pang estudyante na kasunod na Platoon namin.
"S-seryoso ba? K-kung ganuon, mukhang ito ang unang araw na matatalo ang undefeated warrior"
Nabalik ang attention ko kay Karim na bigla nalang nagbuntong hininga.
"Kaya mo pa?" sobrang hinang tanong niya na halos hindi ko na maintindihan at marinig. At ang mga tingin niya ay nasa laban.
Sinong kausap niya?...
MIGUEL'S POV
Halos masira na namin ang stage dahil sa malalakas na pagpapalitan namin ng atake pero kung ikukumpara ang mga sugat niya sa sugat ko, panalo na ako.
"Wala sa usapan natin 'to" sabi ni Karim habang nagpapalitan kami ng atake.
Wala naman tayong napagkasunduan in the first place.
Handa ko na sana siyang sagutin nang magsalita pa siya, "Alam ko na alam mong hindi ako mananalo kay Miguel" duon ko na realised, hindi ako ang kausap niya.
"Huh, improvement? Nagbibiro ka ba? Nasa basic palang ako ng pagtuturo mo saken tapos nagawa mo akong iharap sa isang C-Ranked warrior?" dugtong niya pa.
Sa huling pagtama ng espada namin, napagdesisyunan ko na umatras at tignan siya.
Sinong kausap niya?
K-kausap niya? Supposedly wala siyang kakilala dahil siya si Karim.
Sa pag-iisip ko, isang tao lang ang kaagad na pumasok sa isip ko.
Si Arvin..
Napahigpit ang grip ko sa espadang hawak ko at may ngiti na lumitaw sa labi ko.
"Pleres (Re-collect)" binalot ng kulay-itim na Mahika ang kulay pulang espada ko at kaagad kong sinugod si Karim.
Sa isang pikit ko, nasa harapan na niya ako pero hindi ko inaasahan ang pagsalubong sa akin ng isang napakafamiliar na ngiti.
Gamit lang ang kanang palad niya, marahan niyang hinilis ang espada ko patulak palayo sa leeg niya habang may nakaambang dagger sa tiyan ko.
"Ito ang unang laban natin matapos ang pagtatangka mo sa buhay ko, hindi ba, Miguel?"
"C-Captain..."
To be continued ...